Happy reading momsh 😘
Keith Lustre
"Pira ka dagon ka ren ngani y pamasyar apo?" Out of the blue question ni lola Estilita You're wooing her for how many years now apo?
"Been in love with her lola for God knows since when, more than decades na siguro pero wala pang isang taon mula ng simula ko siyang ligawan la."
"Wala ka mang kinagisnang ama apo pero nakaka proud na lumaki kang malaki ang pagpapahalaga at respeto sa mga babae."
"Syempre lola, I have the sweetest lola and the bestest of the best mama in the whole universe, kanino pa ba ako magmamana? The two most wonderful and amazing woman in my life taught me so well. Bunga po ako ng tyaga at pagmamahal niyo sa akin lola. Habambuhay ko pong ipagpapasalamat na kayo ang lola ko." Madamdamin kong sabi.
Ilang sandali pang dumaan habang nakikinig ng patalastas sa radio si lola, mahilig kasi siya sa mga drama sa radio at araw-araw niya yung inaabangan.
"Apo" nakayakap ako mula sa gilid ni lola habang nakatanaw siya paligid pero malayo ang abot ng tingin
"Po?" Mahina kong sagot
"Kapag namatay ako, hanapin mo na ang tatay mo ha? Kahit hindi ka niya tanggapin basta makilala mo siya at masabi mong anak ka niya, okay na iyon." Malumanay niyang bilin, kinikilabutan ako sa tuwing magsasalita ng ganito si lola, feeling ko namamaalam na siya
"Pagod ka na ba lola?" Tanong ko na iki-iling niya at hinawakan ang palad ko
"Nangako ako noon sa mama mo na itatago hanggang hukay ang pagkatao ng tatay mo pero hindi ko pala kayang maiwan kang kulang. Gusto kong mabuo mo ang sarili mo apo."
"Buo naman ako lola, si Jennie lang talaga ang kulang." Pabiro kong sagot, ayaw kong pag-usapan namin ang tatay ko
"Alagaan at mahalin mong tunay si Jennie kasama ng Estilita na parang kami ng mama mo ang minamahal mo o higit pa Keith." Sabi niya pa, kinukutuban talaga akong namamaalam na si lola.
Sabi kasi ng ibang matatanda, nararamdaman mo raw iyon kapag kukunin ka na kaya kung ano-anong bilin mga nasasabi mo.
Hindi pa ako handang maiwan pero sa tuwing makikita ko si lola, nasasalamin ko ang lungkot sa mga mata niya, ramdam kong gusto niya nang sumunod sa asawa niya, inaantay niya na lang talagang kunin siya, tingin ko wala naman akong karapatan na pumigil at kung meron man akong 'K' wala naman akong magagawa kung hanggang doon na lang.
"Gagawin ko po talaga iyan lola, with all my heart and soul pa." Tugon kong ikinangiti niya.
Ngiting huling beses ko na lang palang masisilayan habang inilalapat niya sa palad ko ang isang larawang kupas.
Larawan ng mga magulang ko noong panahong hindi pa ako isinisilang sa mundo. Nakasulat sa likod ang buong pangalan at address ng tatay ko.
Sinamahan kong matulog si lola dahil wala namang pitas ng gulay ngayong gabi sina Jennie.
Katulad ng nakagawian kong gising, wala pang bukang liwayway ay nakapagpakulo na ako ng tubig at isinalin sa thermos.
Nagtataka ako dahil ganitong oras ay gising na si lola pero nang silipin ko'y mahimbing pa itong natutulog.
Magkagayon pa ma'y iba talaga ang nararamdaman ko kaya sinilip kong muli si lola at pinakatitigan.
Nanlalamig ang mga palad ko habang nakatitig sa may dibdib patungo sa lalamunan ni lola.
Walang bakas ng paggalaw.
Malakas ang tambol sa dibdib kong parang sakit sa puso na kapag umihi ay may heart paltipation, nilapitan ko ang payapa kong lola at hinawakan sa palapulsuhan.
BINABASA MO ANG
Woo Hot Mama (Momshie Series #1)
Romansa1 of 3 - Story of single mom. Ang kwentong ito ay may temang hindi angkop sa mga mambabasang minor de edad. Stricktong Gabay at Patnubay ng magulang ang kailangan.