ROUGE'S POV
Nauna ako umuwi sa bahay,wala pa kasi si Zello tsk!Baka nasa babae niya!Grabi siya porket ang gwapo niya makikipaglandian na siya sa iba!Hays!Eh bakit naman ako nagagalit?!Hay naku self kalma ka nga!Agad akong nagtungo sa kusina para magluto mabuti nalang na maraming stock na pagkain sa ref na pwedeng lutuin.
"Ate,isang cup noodles nga." Hehehe bumili nalang ako sa tindahan dito sa kabilang kanto.Ang layo ng narating ko dahil lang sa using cup noodles.Ubos na daw kasi ang stock ng cup noodles dun sa lugar namin kaya napadpad ako dito.Naisip ko kasi na mag cup noodles nalang dahil pansin ko sa mga k-drama palagi silang kumakain nun kaya sexy sila.Kaya nag try narin ako..
"Oh Eto." Sabay bigay ng tindira sakin
"Ito po bayad." ibinigay ko iyon sa babaeng tindira.
"Ngayon lang kita nakita dito ah."
"Ah opo sa kabilang kanto po ako nakatira." Sagot ko sa tindira.Nabigla naman ito sa isinagot ko.
"Sa kabilang kanto ba kamo?" Tanong ulit niya
"Opo bakit po?" Parang may masamang mangyayari ngayon ah..
"Ah wala sige umalis ka na,alas syete na ng gabi marami na ang adik na tambay sa kalasada sa oras na ito kaya bilisan mo." Agad namang nanayo ang balahibo ko sa sinabi ng babae,,adik na tambay??Grabi adik na nga tambay pa?!Mga tao talaga ngayon!
"Ah salamat po." Mabilis akong tumakbo papabalik sa lugar namin.Ngayon ko lang napansin na ang layo pala ng pinaglakaran ko.Hays!May masamang epekto ang cup noodles na to!Tumigil lang ako sa pagtakbo ng may tumahol na pusa este aso sa likuran ko.Sabi kasi ni Itay kapag tumatakbo ka daw tapos may tumahol na aso likuran mo, tumigil ka daw sa pagtakbo at hinay hinay sa paglalakad.Effective naman tumigil ito sa pagtahol ng gawin ko iyo..Ang galing ah!
Tatakbo na sana ako ulit ng may humarang sakin.Mga lalaki itong kasing edad ni Itay at ang iba naman parang kasing edad ko lang.Mga lasing ito at nakakatakot ang mga mukha nito dahil mamulamula ang mga mata nito at dagdagan pa ng malalaking eye bugs..Parang pinaghalong bulldog at unggoy ang mga ito ah!
Hindi ako nagpahalata na natatakot,,lumihis lang ako sa kanila.Pero agad hinablot ng isang lalaki na naka shades ang braso ko kaya napadikit ako sa mabaho at amoy alak niyang dibdib.Napakalakas ko iyong tinulak..Huh!Akala niya!"Hoy!Kilala mo ba kami huh?!!" Tanong ng isa pang lalaki na mukhang balyena na binudburan ng asin at paminta sa mukha.Ito yata ang leader nila.Psh!Jusko Tulungan niyo ako !Ang hirap mag panggap na hindi ka natatakot parang lalayas na ang espirito mo sa katawan mo dahil sa takot.
"Bakit kilala niyo rin ba ako!?" Kunwari akong hindi natatakot..Hays..
"Hoy!Anong karapatan mo na sagutin ng patanong ang Hari namin?!" Singit ng isang lalaki na isang ihip nalang ng isang sanggol ay tutumba na ito dahil sa sobrang payat.
"Nagtatanong lang rin naman ako ah?" Sagot ko..ngayon ay pinalibutan na ako ng mga masasamang katawan Hays!!Anong gagawin ko!
"Hoy!----" pinutol ko ito at nagsalita
"Hoy!Hindi Hoy ang pangalan ko ah!Ako si Rouge!" Pagpapakilala ko sa mga ito.
"Aba't hoy!Wala kaming paki alam kung ano ang pangalan mo!" Sigaw ng isa sa mga pinaka dambuhala sa grupo nila.

BINABASA MO ANG
Roommates (A Disguise)
RomansaPaano kung may ka room mate ka na gwapo at super hot na lalaki,,at ikaw ordinaryo lang na babae or should I say promde na babae?? O magpapanggap ka na isang lalaki para mabawas bawasan ang pag kailang dito, dahil wala nang ibang uupahan kundi iyon l...