ROUGE'S POV
Abala na kami sa pag didecorate sa bahay nila sir Cadden para sa Christmas party namin bukas .Hindi nga sana ako pinapasama nun eh pero nagpumilit ako,gusto ko kasi makita yung bahay nila tsaka yung kapatid niya kung meron man.Tatlo kaming sumama dito,ako,si Apple hayts mawawala ba yung baboy na yun?Eh parang siya na yung buntot ko eh,atsaka yung assistant niya.
Busy kami sa pag aayos ng mga Mesa,upuan at yung iba naman ay sa mga katulong na nila.Grabi ang laki ng bahay nila,eh parang hindi na nga yata bahay toh eh parang museum na ang lawak at ang laki eh.May dalawa silang swimming pool kahit bahay namin sa probinsiya pag dikitin ay kasya parin."Pahinga po muna kayo ma'am,sir." Sabi nung isang medyo mag edad ng katulong nila.Mga siguro 56 years old na.
"Sir,may ipinapabigay si señoreto sa inyo." Baling sakin ng matanda.
"Huh?Ano po yun?" Nagtataka kong tanong dito.Ano kaya iyon?
"Sumunod po kayo sakin." Saad nito at tumalikod.
Bago pa man ako makasunod ay kinalabit naman ako ni Apple."Ehem!May ipinapabigay daw si Señoreto ehem ano kaya iyon?hmmm?" Pang aasar na Tanong niya.Hayts pigilan niyo ako matatahi ko yung gilagid nito!
"Baka may assignment lang ako bukas,baka ako yung magiging waiter sa Christmas party o di kaya may advance ako oh?" Natatawa kong sagot sa kaniya
"Ugok!"
Tinawanan ko lang siya at sumunod na sa katulong na kanina pa pala naghihintay sa likod ko."Sumunod po kayo." Nag lakad ulit ito papasok sa bahay nila.Hayts nakakakaba naman parang papasok ako sa bahay ni kuya eh parang nanlalamig ako.Ay oo nga pala may Aircon.
Marami kaming nadadaanan na mga figurines,paintings atska halos umabot na yung baba ko sa dibdib ko dahil sa napaka gandang chandelier sa gitna ng bahay.Tas may water falls pa sa baba hayts ewan ko talaga kong bahay pa ito."This way po sir." Nakaturo ito sa isang lumang pinto ng isang kwarto.
Lumapit naman ako dito"Sige po sir,maiwan na po kita."
Tumango naman ako dito bilang tugon.Tinuon ko ulit yung atensiyon ko sa lumang pinto ng kwarto,may mga naka ukit dito na tao't mga hayop at mga halaman.Grabi kahit luma na ito ay mapapansin pa rin yung kagandahan na taglay nito.Ano kaya yung nasa loob tsaka bakit dito?pwede namang sa labas niya ibigay yung ipamimigay niya sakin?
Dahan dahan kong binuksan yung pinto,sinirado ko naman agad yun bago tuluyang makapasok sa loob.Puting tila lang na nakasabit ang nakikita ko.Hayts wala namang tao dito eh
Babalik na sana ako ng mahulog yung relo ko.Kinapa ko yun pero wala akong makapa.Hanggang nahulog yung puting tela sa sahig at nakita ko yung napaka gandang hardin.Agad pumukaw sa atensiyon ko yung iba ibang kulay na mga rosas at mga paro paro.Napanganga ako sa mga nakikita ko ngayon,sa pilikula ko lang nakikita yun yung enchanted garden. Tumingin tingin muna ako sa gilid baka may tao,nung naka sigurado na ako na wala ay agad akong lumapit sa mga nag gagandahang mga bulaklak.Ang babango nila.May maliliit at meron namang malalaki.
"You like it?" Saad ng isang pamilyar na tinig sa likod ko.
Agad naman akong lumingon
at nakita ko yung nakapamulsang si Cadden."S-sorry po s-sir.Ang gaganda kasi nila." Sabay kamot sa ulo
"Its okay,dito ako nag i-stay sa harden na ito kung malungkot at kung may problema ako.My mom did this decorations but wag mong sabihin sa kaniya na nakapasok ka dito.It serves as our secret."
"Okay po sir pe-----"
"Oops!You can call me Cadden kung tayo lang dalawa just like now."
Ngii.Eh mas lalo akong maiilang pag Cadden lang ang itatawag ko sa kaniya.
"Pero sir--" bigla siyang lumapit sakin at hinawakan yung balikat ko pagkatapos ay idinikit yung mukha niya..Juice ko po!
"S-sabi ko n-nga sir ay este C-cadden ang itatawag ko s-sayo." Naiilang na pagkakasabi ko.
"Good." Kumindat ito saka binatawan ang pagkakahawak sa balikat ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag,parang mawawalan ako ng carbon dioxide sa katawan ko tsaka oxygen.Hayts."Sir ay este C-cadden,sabi nung maid may ibibigay daw po kayo sakin?" Nahihiyang tanong ko dito.
"Oh I remember,malapit ko nang makalimutan." May kinuha siyang kilay blue na box sa bulsa niya.
"A-ano yan?" He smiled.
Hayts ayan nanaman yang nakakaluko niyang ngiti"This serves as my gift for Christmas." tapos binuksan niya yung box.
Bumungad sakin ang isang napakagandang bracelet kulay pula ito at sa gitna ay may naka lagay na ROUGE at sa gilid naman nito ay may tig dadalawang bulaklak.Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakatanggap ng ganoong napakagandang bagay.Kaya nakakahiyang tanggapin iyon."Binili ko yan sa Korea." Dagdag pa niya.
"Naku sir nag abala pa kayo,tsaka ang mahal niyan tapos sa korea niyo pa binili."
"Ayaw mo?" Kita sa mata nito ang pag pagkalungkot.
"Hindi naman sa ganon sir,ang akin lang bat pa kayo nag abala na bumili ng ganon kamahal?" Tanong ko.
Hayts!Kahit hindi niya sabihin sakin yung presyo halata naman na mahal yun eh."Actually,I bought two bracelets." Sabay kuha sa bulsa niya ang isang kulay blue na bracelet."Last week I attended my friend's wedding in Korea.After nung kasal ay Nagpasyahan ko na mag libot muna kahit ang lamig sa korea then I saw these." Kinuha niya yung kamay ko at isinuot sakin ang bracelet."many people said that these bracelet symbolizes love,friendship,lovers and even family.Then agad agad ka nalang pumasok sa isip ko."
"B-bakit?" Naiilang na Tanong ko
"Kasi unti unti na akong napapamahal sayo,Im falling inlove with you Rouge." Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan iyon."Please give me a chance para ipakita sayo yun,give me a chance to love you and even cafe for you.Ill do anything Rouge."
"C-cadden?"
Halos hindi ko na alam yung sasabihin ko,ni halos hindi ko maibuka yung bibig ko,ni hindi ko maigalaw yung katawan ko.I was stocked by his words and his eyes na makikita talaga yung pagka sincere nito at pagkaseryuso nito.Umiwas ako sa kaniya ng tingin."Pfft.Dont worry I won't force you." Natatawa niyang saad Sabay gulo sa buhok ko.
Tsk!________________________________________________
Yo!Mga kakyut! ^_^
Mukhang dumidiskatre na si Cadden kay Rouge!!..
Kaway kaway sa team Cadden diyan!XDJust keep on supporting my story mga kakyut,and don't forget to vote and follow me cge na kasi HAHAHA
Maymiieyy🍒🍒
BINABASA MO ANG
Roommates (A Disguise)
RomancePaano kung may ka room mate ka na gwapo at super hot na lalaki,,at ikaw ordinaryo lang na babae or should I say promde na babae?? O magpapanggap ka na isang lalaki para mabawas bawasan ang pag kailang dito, dahil wala nang ibang uupahan kundi iyon l...