ROUGE'S POV
Dalidali akong Pumunta sa may ari,at makalipas ang 2 minuto ay sa wakas pumayag sya sa gusto ko na doon nalang muna ako sa bahay na inuupahan ng lalaking iyon tutal sya naman ang may sabi nun eh hanggat makahanap na ako ng titirhan,
ibinigay agad sa akin ang duplicate key ng bahay.
Dire diretso akong pumunta sa bahay at binuksan ang pinto,hindi naman Kasi naka lock.Nakita ko ang lalaki sa may kusina may niluluto siyang Hotdog at itlog,hmmm..ang sarap
Dumiritso na agad ako sa kwarto at nag bihis.Nag suot ako ng over size T-shirt na kulay blue at Jersey short,ito naman talaga ang hilig kong isuot,nasanay na kasi akong mag suot ng mga malalaking damit ni Papa kasi palagay ko ay lagi siyang nasa tabi ko kaya ito nakahiligan ko na tuloy.Bago ako lumabas ng kwarto ay nag ligpit muna ako ng gamit ko,inilabas ko lahat ang mga damit at ibat ibang mga gamit sa bag ko at iniligpit iyon ng mabuti.Dilikado na baka pasukan pa ng mga DAGA dyan.
Oo nga pala,paano ako makikipag usap sa Abnormal na lalaking iyon hayts bahala na nga...Lumabas ako sa kwarto ko at dumiritso sa kusina,nandoon parin siya nagluluto.Ang bagal naman.
Tumabi ako sa kanya at nagsalita.
"Tsss..bagal mo naman." Nagulat sya ng magsalita ako
"Anong ginagawa mo dito?Diba pinalayas ka na ng may ari dito!" Sigaw nya,grabi na bigla ata.
"Uy,easy kalang friend.Okay?Nag usap na kami ni Ate Susan,dito na daw muna ako mangugupahan hanggat makahanap na ako ng titirhan okay?" Sagot ko sa kaniya,
( Ate Susan - ang may ari ng bahay. )
"No way! Ayukong may ka housemate ako na payat!Tatawagan ko si Ate Susan para ilipat ka sa ibang bahay." sabay bunot ng Cellphone nya...
"Kung ako sayo huwag na!Mahihiya kalang.." advice ko sa kanya...Mahihiya lang talaga ito alam ko na ang isasagot ni Ate Susan haha
"Kung ako rin sayo,pack your things and get ready to get out of here!" Sigaw nya,grabi hindi naman ako sumisigaw sa kaniya ahh?Bakit sigaw sya ng sigaw?
"Eh,kung ganon bahala ka." Sabi ko sa kaniya..nag type ito at pagkatapos ay narinig ko namang nag riring na sa kabilang linya.
Bigla namang may sumagot at napangiti naman ito.. tss.. lumabas ito at doon nakipag kwentuhan..
Nakita ko naman ang niluluto nyang hot dog.Naku!!Sunog na,sayang naman kaya itinapon ko ito sa labas ng bintana hahaha nasa harap ko lang kasi ang bintana,siguro labasan yan ng usok.
Kumuha nalang ako ng tatlo pang natitirang Hotdog sa lamesa at niluto yun.Ilang minuto lang ay natapos na ako sa pagluluto..kaya pumunta ako sa labas kung saan sya naroroon,ang tagal kasi eh,nagugutom na ako..nakakahiya naman kung mauna pa ako sa paglamon Noh!!May hiya pa ako!
Habang naghahanap ako sa kaniya ay hindi ko sinasadyang marinig ang boses Niya kaya,napatago ako sa malaking puno ng,Ano ito? hindi ko Alam!
"Oh,is that so?" Tanong nya sa kabilang linya tss..pa English English pa ito nasa pilipinas lang naman Siya.
"Okay lang po iyon"
"Yes,I understand......Okay salamat po bye.."patay papunta na siya dito!Dali dali akong tumakbo papunta sa loob ng bahay at pakunwaring naghahanda ng mga baso at pinggan..sa lamisa..
![](https://img.wattpad.com/cover/161833591-288-k867754.jpg)
BINABASA MO ANG
Roommates (A Disguise)
Roman d'amourPaano kung may ka room mate ka na gwapo at super hot na lalaki,,at ikaw ordinaryo lang na babae or should I say promde na babae?? O magpapanggap ka na isang lalaki para mabawas bawasan ang pag kailang dito, dahil wala nang ibang uupahan kundi iyon l...