41:Them!

748 18 3
                                    


ROUGE'S POV

"Aray!"

"Wag ka kasing malikot!"

     Tsk!Hindi pa nga nalalagyan ng alcohol eh!
Pag ako nagalit dito,dagdagan ko pa yang sugat niya.Hindi na ulo ko yung ipupokpok ko kundi ito nang cabinet niya!
Hindi naman masyadong malaki ang sugat,dahil sa lakas ng impact pumutok iyon.Pfft!Na headbutt ko siya!Wahaha matakot na siya sakin,hindi pa niya nararamdaman ang bangis ko!Ang right hook,straight punch and 45 kick ko Hmp!Kala niya ah!

"It's your fault!" Sigaw niya.
Ayaw nanaman!Magkaharap lang kami niyan sumisigaw pa.

"Eh sorry naman."

"Ang tigas ng ulo mo!Anong gawa yan? Bato?"
Psh! Lagyan ko kaya ng alcohol yang mata niya.
"Kasalanan ko bang ang lambot ng noo mo."

"At ako pa talaga yung may kasalanan?"

"Sorry na Kasi."
Sabay buhos ng alcohol sa bulak,hays nangangalay na yung mga kamay ko,kanins pa ako nakahawak dito.Inilagay ko na yung alcohol sa gilid at pinaharap si Zello sakin.
Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa whoa!
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang magsalubong ang aming mga mata.Napaka seryuso ng mga mata niya,pero kahit ganon ay hindi pa rin mawawala ang ganda nun.

Mas lumapit pa ako sa kaniya para mas makita yung sugat niya at hinawakan yung mukha niya.
Hayts!Buset Rouge nanginginig ka!Relax ka lang!

ZELLO'S POV

Argh!Ano kaya nanamang iniisip ni Rouge,na bigla bigla nalang babangon habang inaabot ko yung relo ko sa headboard ng kama.Iniligay ko lang muna kasi kahapon dun at Nakalimutan kong kunin yun.
Tsk!Ang sakit sakit kaya!Parang wala na nga akong masyadong nakikita sa Oras na iyon dahil sa lakas ng impact!Parang bato yung tumama sa ulo ko hindi yung ulo niyang parang bato dahil sa tigas!

Tumawag Pala sakin si Addyson , sinabing sundoin ko daw siya sa mall.Kaya agad akong pumasok sa kwarto at nagbihis.Wala namang masama na mag bihis ako sa loob ng kwarto kahit nasa loob si Rouge.Were both male at natural lang sa mga lalaki yun.

But I ended up like this!Tsk!Pangalawang beses ko nang pina paghintay  si Addyson.Hayts!

Mas lumapit pa si Rouge sakin at hinawakan yung mukha ko.

"Lalagyan na natin kaya wag kang malikot pre.''

"Psh!Kasalanan mo toh eh!" Bulong ko.

Tumingala ito upang makita niya yung sugat ko.Pagkatapos ay dahan dahan nitong ipinahid ang bulak na may alcohol sa sugat ko.
Naramdaman ko yung parang tinutusok yung laman,sh*T!Ang hapdi!

"Dahan dahan lang,mahapdi!'' reklamo ko sa kaniya.Ayaw ko talagang linalagyan ng alcohol yung sugat ko.

"M-masakit?Teka."

Biglang may naramdaman akong hangin sa noo ko.Iniihipan niya Pala yung sugat ko.Napapapikiy ako sa tuwing tumatama yung hangin sa buhok ko.Gustong gusto ko kung paano niya iniihipan yung sugat at lalo na pag tumatama yung hangin sa buhok ko.Tsk!Pinag iisip mo?

  Roommates (A Disguise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon