36: Ang paghaharap

1K 25 0
                                        

ROUGE'S POV

Mabigat na iminulat ko ang aking mga mata ng may naramdaman akong haplos ng kamay sa aking noo.Si Zello iyon bakas sa mukha nito ang pag aalala.Napangiti naman ako sa nakita,hehe concern na yata toh sakin eh.Tsk!Kinikilig ka nanaman selp!Umayos ka! Agad kong tinapik ang kamay niya sa noo ko.

"Anong ginagawa mo?!" Tanong ko sa kaniya sabay bumangon at umupo sa kama pa rin

"Tsk!Ang Arte mo butiki!May sinat ka!" Sabay hagis niya sakin ng isang basang face towel
"Ilagay mo sa malapad mong noo,tsaka ano ba yan? Airport?" Pang aasar niya sakin.Tsk!Hindi mapalad ang noo ko wala kaming lahing ganon!Ang aga aga nang aasar na!

"Hoy!Daga hindi malapad ang noo ko!" Binato ko ito ng unan pero mabilis itong naka ilag tsk!
Binato ko naman ulit siya ng basang face towel na hinagis niya sakin kanina pero sinalo niya lang ito.

"Oh bat mo binato sakin toh!?Ang sabi ko ilagay mo sa noo mo!" This time ibinigay niya sakin iyon.Ayan mabait naman pala eh..

"Humiga ka wag kang umupo diyan!" Sigaw niya..tsk!Sungit humiga naman ako at iniligay na iyon sa noo ko.Medyo gumagaan ang pakiramdam ko dahil parang sinisipsip nito ang init sa katawan ko.
Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga..

"Ano ba yung drama ni Cadden kahapon?Psh!" Tanong niya at umupo sa kama katabi ko

"Ah yun ba?Wala yun." Sabi ko na nga ba eh!Magtatanong si Zello nito paktay!Ano nalang sasabihin ko?Sasabihin ko na nagkakagusto si sir sakin tapos nalaman niya na babae ako?Eh juice ko siguradong patay ako nito.

-


Kahapon pala habang nasa bench ako nakatulala sa hangin nagsusumidhing damdamin di joke lang..habang nasa bench ako nakatulala at iniisip ang mga pangyayari..May umupo katabi ko,matanda na ito mukhang marami ang problema na dinaranas nito sa kilos palang ay halata na.Hayys baka tong bench na ito ay ginawa para sa mga problemadong tao sa mundo.Nagpakawala ako ng malalim na hininga..bigla namang nagsalita ang matanda

"Mukhang nakikila kita." sabi nito..medyo nabigla ako kasi akala ko iba yung kinakausap niya pero kami lang namang dalawa ang nasa bench na ito..tsk!Ambobo ko promise!

"Hehehe ummmm---" buset wala akong maisagot hindi ko kasi siya namumukhaan kasi naka sombrero ito kaya natatabunan ang mata nito.

"Remember me?Ako yung kumain sa restaurant na pinagtratrabahoan mo I mean iho yung wallet na sinauli mo sakin." Pagpapaliwanag niya sabay tanggal ng sombrero niya.
Ahh natatandaan ko na..bakit siya nandito?

"Ahehe opo natatandaan ko na po,pasensiya na po kayo kasi di ko kayo agad na mukhaan eh." Paghihingi ko ng pasensiya..Ngumiti naman ito bilang tugon

"Anong ginagawa mo dito iho?" Tumingin siya sa wrist watch niya "alas kwatro imedya na ng hapon ah?Hindi ka ba pumasok sa trabaho mo?" Oo naabutan ako ng hapon dito sa bench haysstt dahil sa problema na kinakaharap ko ngayon gusto ko na umuwi sa probinsiya huhu..Pero kaya ko toh tatlong araw na lang ako dito sa manila at uuwi na rin ako sa probinsiya.

"Hindi po ako pumasok." Pagsisinungaling ko

"Bakit ka nandito iho?ngayon lang kita nakita dito sa lugar na ito."

"Ah eh kasi po namamasyal ako tapos ayon napagod ako kaya dito nalang ako nagpahinga." Hays napaka sinungaling mo Rouge!

  Roommates (A Disguise)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon