ROUGE'S POV"Good morning sir ma'am." Nakangiti kung bati sa mga costumers na pumapasok..
"Pssst Rouge." Tawag sakin ni Apple
Lumapit naman agad ako sa kaniya"Oh bakit Apple?" Tanong ko sa kaniya
"Pinatatawag ka ni sir Cadden." Biglang nanayo naman lahat ang nga balahibo ko sa narinig,hala baka may nagawa nanaman akong masama na hindi ko alam naku!
"Bakit daw?" Tanong ko
"Ewan ko.Uy Rouge ah meron kang sekreto sakin,ano na ba kayo?yieeee." agad ko namang kinurot ng pasekreto si Apple.Naku si Apple talaga hindi talaga napipigilan ang bibig
"Sshhh ikaw talaga may makarinig sayo eh." bulong ko sa kaniya
"ayy sorry,so ano na?"
"Wala nga ikaw talaga.Hay naku bahala ka na nga diyan." Sabay lakad papalayo...at agad dumiretso sa office ni sir Cadden..Whao!!Okay relax cute !!Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago pumasok
"G-good morning s-sir." Bati ko sa kaniya..Nag kakape ito habang may tinitignan na kung ano sa laptop niya..
"Good morning." Bati niya rin sakin pero hindi pa rin inaalis yung tingin sa monitor
"Sir pinatawag niyo daw ako?"
Bigla namang tumayo si sir Cadden at lumapit sakin kaya napapaatras naman ako.Ewan ko pero familliar toh eh,, yung mga drama na biglang hahalikan kapag nacorner naku!Juice ko nakalimutan kong mag toothbrush hayy mabaho yung cute kong hininga ngayon.Tumigil ako sa pag atras ng dumampi ang balat ko sa malamig na semento..Naku ayan hahalikan na ako!!Juice ko pano ba yun??Tuluyan ng nakalapit si sir Cadden sakin naku 1 inch nalang yung picture sa mukha ko t-teka p-picture??Agad kong hinablot yun sa kaniya..
At parang namatay na talaga lahat ang mga cute kong dugo ng makita ko ang ang sarili kong mukha sa litrato,naka gown ako at nakamake up p-parang familliar ito sakin at dumoble pa ang pagkamatay ng mga ugat ko ng naalala ko na,yun yung pageant na sinalihan namin ni markie patay!!Humarap ako kay sir Cadden na namumutla,wala akong maisip na sasabihin sa kaniya o kung ano ba ang irarason ko sa kaniya kaya agad akong tumakbo pero agad naman niya akong hinawakan sa braso at hinila papunta sa kaniya..Ramdam ko ang tibok ng puso niya nakadikit ang mukha ko sa mabango niyang dibdib.."S-sir-----"
"Shhhhhh I want to feel this moment with you." yumakap siya sakin ng mahigpit.Sir Cadden ano bang ginagawa mo?
"S-sir----- "
"I know that your a woman Rouge and I love you.Noong una palang alam ko na namay tinatago ka dahil naramdaman ko iyon.I-i think I'm falling inlove with you Rouge." Tumibok ng mabilis ang dibdib ko sa sinabi niya.Mas tumindi ang nararamdaman kong ilang sa kaniya kaya medyo lumayo layo ako ng kunti sa kaniya napansin naman yata ito ni sir Cadden kaya bumitaw ito sa pagkakayap sakin
"I-im sorry for that." Sabay kamot sa ulo nito..
"I'm sorry sir!!" Tumakbo agad ako papalabas ng office niya at agad lumabas rin sa restaurant nabigla naman lahat ang mga katrabaho ko sa ginawa ko.
Takbo lang ako ng takbo ni hindi ko na alam kung saan bang lugar ang papatunguhan ng pagtakbo ko basta ang gusto ko lang lumayo muna kay si Cadden.Nakukunsiyensa ako sa ginawa kong pag sisinungaling sa pagkatao ko,at lumala pa yung kunsiyensiya ko dahil kahit nagsinungaling ako sa kaniya ay tanggap parin niya ako at mahal niya ako.Oo crush ko si Sir Cadden dapat nga yun yung chance para makachansing rin ako sa kaniya pero agad agad pumasok sa isip ko ang pangalan at mukha ni Zello.Hindi ko alam pero agad agad akong kinabahan dahil dun...
BINABASA MO ANG
Roommates (A Disguise)
RomancePaano kung may ka room mate ka na gwapo at super hot na lalaki,,at ikaw ordinaryo lang na babae or should I say promde na babae?? O magpapanggap ka na isang lalaki para mabawas bawasan ang pag kailang dito, dahil wala nang ibang uupahan kundi iyon l...