ROUGE'S POV
Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago ako bumaba sa taxe na sinasakyan ko.Andito ako ngayon nakaharap sa isang malaking gate ng bahay,naririnig ko na ang malalakas na tugtog sa loob at ang mga hiyawan.Nagsisimula na pala ito.. Hayts magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.
Juice ko!Bagay ba talaga ang suot ko ngayon?
Nag mumukha akong lalaki nito eh!Ugok dapat lang talaga na mag mukha kang lalaki! Sigaw ng isip ko.
Hayts nabuhay nanaman yung Kontra bida kong isip!
Atleast ang pogi pogi at ang kyut kyut ko ngayon,naiinlab ako sa sarili ko!Iloveyou selp!!
Naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko iyon.Si Apple tumatawag
"Hello Apple?"
/Sira ka!Asan ka na?/ Sigaw ni Apple sa kabilang linya para marinig ko dahil malakas na talaga ang tunog ng disco sa loob.
"Andito ako sa labas." Sagot ko.Hayts nahihiya na akong pumasok late na ako eh.
Eh kasi naman si Zello nakakabwesit! Pinag linis pa naman ako ng kotse niya.. kasalanan ko bang malagyan ng putik yung pinto nun?Eh siya naman talaga yung may kasalanan, kung bakit siya dumaan sa may putik na parte ng kalsada.Ang ingay ingay ko daw kaya hindi niya napansin na doon pala siya dumaan!Tsk!Buset!Tapos ang arti arti pa,ayaw niyang dumidikit sa madudumi,mapuputik dahil allergic daw siya dun!Eh subsub ko kaya siya sa putik!Tapos kailangan daw linisin ko ng maayos yung kotse niya psh! Mabuti nalang na mabait ako kaya hindi ko ginasgasan yung sasakyan niya!
Tapos yung tapos na hindi talaga matapos-tapos ay traffic pa!Buset gusto kung sirain yung taxe na sinasakyan ko di joke lang mabait ako,kaya stay lang ako sa loob nagpipigil!
/Anong hinihintay mo diyan?Si Santa Claus?"/
"Hindi,yung kambal niya sana."
/Sira!Pumasok ka na dito,ang saya saya!/
"Hayts nahihiya ako."
/Puntahan kita diyan./ Pagkatapos ay agad pinatay ni Apple yung tawag.Inilagay ko ulit yung cellphone ko sa bulsa ko.
"Rouge?!!" Biglang tili ni Apple sakin.
Halos lumabas yung mata ng kaluluwa ko dahil sa pagkabigla.
"My ghad Rouge is that you?" Tanong sakin ni Eunice.
Sa una ay hindi ko rin nakilala si Eunice dahil wala itong suot na eye glass at naka make up ito.Hindi naman makapal yung make na iniligay niya,makikita pa rin yung natural beauty niya.
"Juice ko!Rouge akin ka na lang!" Singit ni Markie.Biglang binatukan naman iyon ni Eunice
"Aray ah!" Reklamo ni Markie.
"Tumigil nga kayo." Natatawa kong sabi sa kanila.Pero kenekeleg eke enebe!"Lalaki na ba?" Tanong ko sa kanila with kindat pa.
"Lalaking lalaki!" Sabay sabay nilang sagot.
"So ano? Tara na!" Sigaw ni Apple.Sabay hatak sakin sa loob,alam niya yatang kokontra ako.
BINABASA MO ANG
Roommates (A Disguise)
RomancePaano kung may ka room mate ka na gwapo at super hot na lalaki,,at ikaw ordinaryo lang na babae or should I say promde na babae?? O magpapanggap ka na isang lalaki para mabawas bawasan ang pag kailang dito, dahil wala nang ibang uupahan kundi iyon l...
