Chapter 6: Suspicion Part 2

412 19 1
                                    

***

Chapter 6: Suspicion Part 2

Nang pumasok kami sa isang coffee shop na mukhang bahay ay agad na nag-angat ng tingin ang isang matandang lalaki na mukhang nasa 70s na habang nagpupunas ng lamesa. Coffee shop kasi ang nasa baba, sa itaas ay bahay na. May puti na siyang buhok dulot ng katandaan, tapos mahaba rin ang puting balbas, masayahin ang mga mata.

Ngumiti siya sa'min at agad na inanyayahan kaming tumuloy. Mukha palang niya ay mabait na. "Bianca! Iha! Aba eh, may dala ka atang magandang dilag na taga syudad. Ano ba'ng pangalan mo iha?" Pagbibiro niya at tinaas ang mga kilay.

"Elizabeth Solidad po, propesor." Magalang na sagot ko, parang nagulat naman ang guro. Sumingit agad ang kasama ko.

"Sinabi ko na propesor ko po kayo, saka paburitong guro!" Ngumisi si Bianca.

"Ahohoho! Alam ko na 'yan iha." Kinindatan niya ako, pinagsalikop niya ang mga kamay.

"Ako nga pala si Propesor Henry, Ms. Solidad iha. Welcome na welcome ka sa Loressa. Anak ka ba ni Edrian Solidad? Kilala ko ang yumao mong lolo, magkakaibigan kami ng lola mo."

"Tatay ko po si Edrian Solidad." Masayang sagot ko.

"Ang laki-laki mo na, ang bilis nga naman ng panahon. Kelan lang na karga-karga ko sa mga braso ko ang ama mong si Edrian.."

Napangiti na lamang ako. Medyo matagal ang kwentuhan namin, naitanong ko ang childhood days ng tatay ko rito sa Loressa. Masaya namang ikinuwento sa amin iyon ng propesor. Maliban doon, noong nagkapamilya na raw ang tatay ko ay madalang nalang ito bumisita rito. Nabalitaan niya na lamang din kay Lola Saya na nilisan na nito kami.

Pinagmalaki naman sa'kin ng propesor ang garden niya sa ikalawang palapag na talaga namang nakakamangha. Pagkatapos ay napadpad kami ni Bianca sa mini library ng guro kung nasa'n daw yung mga studies at collections niya sa mga halaman. Nature lover din kasi siya.

We spent enough time in the library, naaaliw ako sa mga studies ni Propesor Henry, may mga pictures kasi ng rare plants na sa fantasy lang nag-eexist. Mabuti na lang nga interest ko. Anyway, he's a botanist.

"Walang mga novels si Prof, Elly eh."

"Okay lang naman yun.." Hindi naman ako mahilig magbasa kun'di naman nobela iyan o ano. Oo, madali kasi akong antukin sa pagbabasa. Lumabas narin kami sa library.

"Teacher pa siya noon nina tatay at nanay. Balo na si Prof, namatay ang asawa niya limang taon na ang nakalipas. Wala silang naging anak pero nag-ampon sila ng bata, babae, na ngayon ay nag-aaral na sa elementary."

"Hmm.." Tumango-tango ako. "Magkasama ba sila rito? Wala naman akong nakitang batang babae ah."

"Baka nasa Sagada, nasa tita niya." Saktong may nakita ang kasama ko na classmate niyang babae sa coffee shop, kumaway naman ito sa kanya at nakipagkamustahan at nakipagkilala rin ako. Inaya niya kaming umupo sa lamesang kinaroroonan niya, wala naman siyang kasama.

Nagkuwentuhan kami, naalala ko tuloy iyong mga kaibigan ko dati sa amin. Kamusta na kaya ang mga yun?

"Oo nga pala, saan mo gustong mananghalian? Uuwi na ba tayo?" Baling sa'kin ni Bianca.

"Huwag na muna. Sa Mighty Karenderya kaya tayo mananghalian?"

"Hehe. Sabi ko sa'yo magiging suki ka narin do'n eh. Sige dun tayo kakain mamaya, sama ka Teresa?"

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon