Chapter 7: Goodnight and Warning

375 16 2
                                    

Play Delicate by Taylor Swift if you want to while reading💜 if you're my old reader may changes na sa chapter na ito kasi edited na po sya.

***

Chapter 7: Goodnight and Warning

May auto rin si ate kaya iyon ang sinakyan namin papuntang bayan at mabilis din kaming nakarating, hindi ko man lang iyon namalayan dahil sa kwentuhan namin. Muli ko namang nasilayan ang cute niyang bakery shop.

"I really like your bakery shop, ate." Napapangiting hindi ko mapigilang komento.

"Thanks!" She returned back my smile. "Tara sa loob!"

Binati siya ng mga katrabaho niya nang tumuloy kami, tumulong naman ako sa pagliligpit sa pagsasara ng bakery pero kinalaunan, hindi narin nila ako hinayaang tumulong kaya hindi ko tuloy maiwasang antukin. Ugh. Medyo natagalan si Ate Malou, nagpaalam na muna ako lumabas ng shop upang magtitingin-tingin sa labas pampawala antok lamang, hindi rin naman ako lalayo.

Marami paring tao sa paligid. It's 9 pm. Naglakad-lakad ako hanggang sa napalayo na pala ako, hindi ko na namalayan dahil masyado ata akong naaliw and worst, parang naliligaw pa ata ako. Hehe. Great. "Oops—! Butiki!" Nabundol ako sa pader. Hindi ko alam may pader na pala sa daan, at ang bango naman ata ng pader—

"It's you.." Anya ng boses na pamilyar sa akin, napaangat ako ng tingin at hindi ako nagkamali. Nassar.. Nang mapatingin ako sa kanya ay may kung ano'ng kumislap sa itim niyang mga mata. "We met again. What a surprise." He added and stared on me with his hawkeyed, completely stunning me on my place.

Ako rin naman ah, parang kanina lang na nagkabungguan kami. Parang kanina lang na tinutukso ako ni Bianca sa kanya. Geez. Masyado na ata napadalas ang pagkikita namin ngayong araw.. "Wait up.." Medyo kumunot ang noo niya at itinaas ang palad sa ere sa sign na sandali.

"What did you just say? Butiki? Are you pertaining to me?" Tinuro niya pa ang sarili. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Ha? Hindi! –nagulat lang kasi ako—" Agad na agap ko. His one perfect brow arched up. "Kaya nasabi kong butiki.." Napapangiwing dugtong ko, mabagal siyang napatango na mukhang hindi nakukumbinsi sa paliwanag ko.

"Why are you here?" Pag-usisa niya pero bago pa ako makasagot ay nandilim na ang mukha niya. "At this late hour?" Nag-tagis ang mga ngipin niya. Nagtaka naman ako, change of sudden mood? Masyado ko bang na-offend sa nasabi kong.. butiki? God. He could be the god of lizards. Err. Now.. What the hell did I just say?

"Kasama ko iyong pinsan ko. Alam mo yung Malou's Bakery shop? Iyon. And you? What are you doing here?" Pagbalik ko ng tanong pero hindi niya ako sinagot bagkus ay hinatak ako sa braso papunta kung saan. Palayo sa mga taong maaabot kami ng tingin. "Now you wait up! Bakit lumalayo tayo?" Hindi niya naman ako pinansin.

Wala akong ideya kung saan kami papunta gayong lumiko kami sa kalye na halos sara na ang mga tindahan at iyong wala nang mga tao. Lumiko pa siya sa gilid ng isang building, parang eskinita at madilim dahil wala namang ilaw. Tanging poste lang sa kabilang kalsada ang nagsisilbing sindi at dito na niya ako binitawan.

Pero nagulat ako nang mabilis niyang ipinatong ang mga kamay sa balikat ko saka ako tinulak sa pader. Sinara niya ang espasyo sa pagitan namin tapos isiniksik ang ulo sa pagitan ng balikat at leeg ko, saka dumausdos iyong mga kamay niya pababa sa magkabila kong braso. Kinapos ako sa hininga.

"Don't move."

"A-anong m-meron–"

"Shsh." Malakas ang kabog sa dibdib ko. Hindi naman talaga ako makagalaw sa gulat. Saka hawak niya ako sa mga braso upang hindi makawala. What is he doing? What if somebody else will see us in our position they will think.. They'll think.. We're doing something we shouldn't be doing. Magsasalita na sana ako noong may marinig akong papalapit na yabag.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon