Chapter 25: World of Magic

175 10 0
                                    

The heart has its reasons of which reason knows nothing.

-Blaise Pascal

***

Chapter 25: World of Magic


Nang nagmulat ako ng mga mata ay umiihip ang malakas na hangin. I'm in the middle of nowhere, nasa mataas na lugar ako at sa aking harapan ay malalim na bangin. Sa sobrang gulat ay mabilis akong napaatras, napatid pa ako sa bato at bumagsak sa tuyong lupa. Madilim ang gabi, nang nilingon ko ang likuran ay isang masukal na kagubatan ang nakikita ko.

Where I am?

Ano'ng ginagawa ko rito? Tumayo ako at humakbang upang silipin ang bangin, darkness, endless darkness. Malakas akong napasinghap sanhi ng pag-alingawngaw noon sa bangin. Nanginginig ang mga tuhod na dahan-dahan akong umatras palayo.. nang pumintig sa kirot ang ulo ko. Nasapo ko ito at napapikit sa sakit then a foggy image of me falling down from a cliff flashed into my mind.

I fell into the darkness.

Nang nagmulat muli ako ng mga mata ay biglang nawala iyon, napahinga ako ng malalim. Ano ba iyong nakita ko? Nananaginip ba ako? Tinampal-tampal ko ang pisngi, pero napagtanto kong hindi talaga ako nananaginip. So what happened is very real. Na bigla na lamang akong nahulog sa berdeng mahika na iyon at walang nagawa ang mga nilalang sa palasyo nang maglaho ako.

Sa harapan ko ay isang napakalawak na lupain na nasasakupan ng masukal na kagubatan. Dahil sa nangyari kanina ay nawala ang tali sa mahabang buhok ko kaya naman sumabog ito sa hangin, kaya ngayo'y kinumpol ko sa likod.

"Kamusta?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses. Nanlambot ang mga buto ko nang makita siya. Nakahinga ako nang maluwang.

Exousía!

"Muntik na kitang makalimutan--bigla nalang akong nahulog! Oh God, pa'no na ang Steles? Ang mga maharlika? Si Nassar!" Napahawak ako sa sariling saya. Hindi siya umimik makalipas ang sandali. Mababahala na sana ako nang may naisip..

"May kinalaman ka sa nangyari sa'kin?" Pigil hininga kong tanong. She's the one who'd gotten me into that magic hole!

Exousía's light weaken. Sinasabi ko na nga ba, kung ayaw niya akong sagutin ay nababawasan ang liwanag niya. Napahugot na lamang ako ng hangin at napalupasay muli sa tuyong lupa.

"Mahalaga ang inyong kaligtasan, Prinkípissa. Ginagawa ko lamang ang aking tungkulin. Huwag sana kayong magalit..."

"Hindi.." Tiningala ko siya sabay malungkot na umiling. "Hindi ako galit sa'yo. Siguro mabuti narin ito. I think I can't do it."

"Ano'ng ibig ninyong sabihin?"

It was fate. It's our fate not to see each other for now. Hindi ko alam kung bakit kami pinaglayo pero pakiramdam ko mas nakakabuti ito dahil parang may hindi mangyayaring maganda kung sakaling nagtagpo kami.

Umiling lamang ako sa kanya. Hindi naman siya umimik. "Okay... nasa'n na ba tayo?" I tried calming down myself as I stood up. I roamed my eyes around me. Puno ng kulisap sa gabi ang paligid at ng tunog ng ibon at mga hayop.

"Sakop parin ito ng kahariang Steles, ngunit tayo'y nakadistansya sa palasyo.."

Naagaw ang atensyon ko sa nagliliwanag na kalangitan sa timog. Naroo'n siguro ang palasyo at kaguluhan, masasabi kong napakalayo na namin sa palasyo. Napayuko ako.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon