Chapter 44: Betrayal and Compromise Part 2

132 9 0
                                    

Chapter 44: Betrayal and Compromise Part 2

"Hide yourself if we reach the palace, huwag mong hahayaang makita ka nila lalo na noong lalaking iyon."

Tuluyan kaming nagtungo sa palasyo ng Iedos habang nakasunod sa mga Enceran. Maingat naman akong nagtago sa loob ng balabal, hindi kami dumaan sa kung saan makikita kami ng lahat ng mga nilalang dito kun'di sa isang tagong daan, maliit lamang ang daanan at puro nagtataasang puno ang nasa magkabilang panig. A secret passage.

Kaya siguro hinintay nilang gumabi bago magtungo sa palasyo.

So, Nassar's arrival is a secret according to the deal, whatever the deal is. Hindi siya pumunta rito upang makipag-away o gumawa ng gulo. The encerans are always craving for power at the same time for blood, they also have no fear, I remember Kuya Kaye said. It will stir up trouble kung may makakakita kay Nassar, dark elves and vampires are surely not friends, it's confirmed by him, too.

Their situation is like you're walking on your trap, or a lamb has entered the wolves' lair. But also for sure, between the lamb and wolves, Nassar isn't close to be a lamb, he's one of the wolves, too.

And here I am, trusting the wolf.

Lubos na pagtitimpi rin ang ginawa ko upang hindi mailibot ng tingin ang paligid, baka nasa paligid din lang ang magkapatid na Ettore. Sa kabilang banda ay may magandang maidudulot din ang sitwasyon ko ngayon dahil pagkakataon ko narin na makapasok sa palasyo para makita ang aking mga pinsan.

"What is it?" Natigilan ako ngunit hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. "You feel comfortable in there?"

"Ano'ng sinasabi mo riyan?" Bulong ko rin.

"Ang ibig kong sabihin, mukhang komportable na komportable ka sa posisyon natin ngayon.." Although I refused to look at him because I must not, I can picture him out smirking in my head. Oh really, this guy. Hindi na lamang ako sumagot upang hindi na humaba ang usapan, delikado rin na mabuko pa kami sa kung ano man itong pinaplano niya.

"I can clearly hear your heartbeat, hun," He leaned down to whisper. "Ano'ng problema? Are you not feeling well? Don't tell me you're.."

"—A-ano?"

"Don't worry, I don't bite, well, as for now.. so you don't have to deny it."

"D-deny what?" Giit ko. What's wrong with this guy? Kumunot na ang noo ko. "Ano'ng sinasabi mo riyan? And can you please shut up? Baka marinig nila tayo!" I gritted through my teeth.

He only chuckled. "They won't hear us."

"You know what? Bakit ba kailangan iisa tayo ng kabayo?"

"Gusto mo sa kanila kita isakay?" Tumango siya sa mga alipores niya. Ugh! "P-pwede rin naman b-bigyan niyo ako ng kabayo ko diba? Hindi naman ako tatakas. Makakatakas ba ako?" Hindi ko mapigilang mapa-sarkastiko.

Tumawa na naman siya. "Silly.."

"You're really enjoying this, making fun of me." Tumikhim siya at hinapit ang ulo ko palapat sa dibdib niya na ikinagulat ko. "H-hoy!" Pilit kong kumawala, ngunit ayoko namang maagaw ang pansin ng mga enceran.

"Okay, okay stay there don't make a fuss anymore. Malapit na tayo sa palasyo."

"Why do we have to hug each other?"

"Just because. Now, behave. Baka marinig nila na tayo."

Hindi ko mapigilang mag-ikot ng mga mata kahit na hindi niya naman nakikita. "Stick to the plan, listen.. Magpapanggap ka bilang bihag namin, kaya ka namin kasama. Kunwari i-aalay kita bilang presenta sa isang hari ng kabilang kaharian. Huwag kang mag-alala, hindi mo rin kailangan pang magsalita mamaya. Royalties don't talk to slaves if not necessary. All you have to do is to stay quiet until we finish the deal. Got it?"

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon