Chapter 20: Treon

186 14 1
                                    

A/N: Try to refresh the story if there's an error.

Chapter 20: Treon

Naglakad ang bultong nasa pintuan papunta sa'kin at sa isang iglap ay nasa mga braso na niya ako't pangko, wala na ang mga posas na nakagapos sa mga kamay ko at sa leeg, natigil narin ang paghigop sa enerhiya ko.

Hindi ako nagkakamali, alam kong si Nassar ang may hawak sa'kin kahit na nanlalabo na naman ang paningin ko.

"Pakiusap.. ilayo.."

Lumayo na tayo

May gusto pa sana akong sabihin pero halos hindi ko rin makilala ang boses, hinang-hina na at paos. I want us to leave the place as soon as possible, I want him to take me away from this place.. Ayokong mapahamak din siya sa oras na makabalik ang dalawa. Kailangan na naming makaalis kaagad.

"Ilalayo kita."

"But first, let me take care of something."

Malamig niyang dugtong. Kanina ko pa napapansin ang pagbalot ng itim na aura sa kanya. Pilit kong inabot ang mukha niya, what's wrong with him? Hindi siya ganito. Nararamdaman ko ang panganib mula sa kanya.

I'm already safe, but is he?

"I will f-cking kill them." Biglang imik niya, ang boses ay kasinlamig ng yelo, na nagpalamig din ng dugo ko.

"They don't go and touch you. They have no right to hurt you. They don't go and take you away from me. Hell. I will make them go to hell."

My breath caught in my throat, kasabay ng pagbilis ng tahip ng puso ko sa sinabi niya. It feels so good to hear his voice but it's terribly wrong to feel this way when he just said that word.

Kill

Umalingawngaw naman yung boses ng nakakatakot na babae, may sinabi siya pero hindi ko siya nagawang maintindihan.

Nahigit ko ang damit ni Nassar at umiling sa kanya. Natatakot ako sa sinabi niya dahil kitang-kita ko na hindi siya nagbibiro. Hindi niya pwedeng gawin 'yon, killing, ano'ng pinagsasabi niya? Hindi ako makakapayag sa gagawin niya. Pero mabilis siyang umiwas.

I heard an unfamiliar voice behind him tapos may sinabi siya kay Nassar, pero hindi ko rin siya maintindihan.

"Ingatan mo siya" Ang huling narinig ko kay Nassar at bumaling kung sa'n. Sa sandaling ito ay nakita ko ang ekspresyon niya, matalim ang mga mata niya kung kanino at hindi nakaligtas sa paningin ko ang ngisi sa kanyang labi. Ngising ngayon ko lang nakita. Ngising magbibigay ng kilabot kung kanino man.

Nasa mas maliliit naman akong braso at hindi ko siya maaninanag. Parang paalis ata kami sa lugar, bago kami lumisan nang tuluyan ay narinig ko pa ang malakas na pagkawasak at pagsabog ng kung ano mula sa bahay kasunod ay ang pagbigay na nang tuluyan ng mga mata ko. Tuluyan na akong binalot ng kadiliman.

I felt a damp thing on my cheeks softly tapping on them, and then there were faint voices on the background. I can't move my body like I used to. Ang bigat ng katawan ko lalo na ang likod at braso ko. Unti-unti kong nararamdaman ang dampi ng hangin sa balat ko, pero nag-aagaw antok parin ako.

Pinakiramdaman ko muli ang sarili, may inaalala, pero napupukaw ng mga boses ang atensyon ko.

"..I know, okay? Hindi siya makakapunta rito. The barrier in this realm is strong enough to hide her presence."

"Damn this. I don't know what to do once she will be found here."

"That's not the only problem, Samael."

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon