Chapter 29: Upset

138 10 1
                                    

Chapter 29: Upset

When I opened my eyes, it's already morning. The soft rays of the sun were peeking in between my curtains. Pero ang pangamba ko sa dibdib ay muling umahon at bumalik. Nanumbalik ang takot ko. Napabangon ako at napayakap sa sariling mga braso. Wala akong matandaang panaginip, o kung may panaginip nga ba ako. At hindi ko na namalayan kung paano ako nakatulog kagabi.

Mas lalo akong nilamig, it's unusually cold. Napatingin ako sa nakabukas na pintuan patungo sa teresa. Kaya pala. Umiihip mula doon ang malamig na hangin, sumasayaw sa hangin ang mga kurtina.

Pero nagtaka ako, Hyacinth will not open the windows and terrace unless I woke up. Papasok siya rito sa silid upang batiin ako ng magandang umaga at bubuksan ang mga bintana. Sanay na akong lagi niya iyong ginagawa, hindi siya naging ganitong kaaga upang buksan ang mga bintana.

Natigilan ako nang may maamoy na kakaiba sa hatid ng hangin. The scent is one of a kind, it's addicting, I feel like I can't get enough. It went over invading my head and just like that I'm intoxicated. I forgot the troubling things that's been messing with my head. Kumalabog ang dibdib ko. My blood went alive, my cheeks burned, and my senses doubled. It's a familiar scent but this time parang may kakaiba rito dahil mas lumakas ang epekto nito, and I like it. Nahigit ko ang hininga sa pagtalima ng aking kalooban.

Parang nahihipnotismo akong tuluyang bumangon, my feet hit the cold floor but I didn't care.

May kakaiba sa paligid. Nadama ko na ito noong hinubad ko ang suot kong kwintas sa mundo ng mga mortal but now it feels like ten times stronger or even beyond the effect. There's another presence nearby and I'm sure it doesn't belong from anybody here in Ithearicaea. I felt like I need to get close to this creature as soon as possible, I need to get close to that scent. Inabot ko ang aking roba at nagtungo sa teresa.

With my cheeks heating, natigilan ako bago pa makalabas nang tuluyan sa teresa. Cool ice wind blew together with the scent, the scent even grew insanely stronger from where I'm standing. My hair scattered dancing with the wind. Mula sa sumasayaw na puting kurtina, nakita ko siyang nakatayo roon at nakatanaw sa may rehas. Nakatalikod siya sa'kin at diretsong nakatanaw kung saan. The moment I laid my eyes on him, on his familiar back, I knew it's him.

He's on his dark attire, it's darker than the night sky. Napalakas ata ang pagsinghap ko sanhi ng paglingon niya sa'kin. Nagtagpo ang mga mata namin kasabay ng biglang pag-usbong ng pangungulila sa'kin.

"Nassar.."

From the beautiful views of our surrounding, he effortlessly stood out, like it's only natural. The soft rays of the sun outlined his hair, his handsome face, him.

Tuluyan akong nahulog at nakulong sa makapangyarihang koneksyon sa pagitan namin. Those eyes of him held mine, daring me not to look away from him. And even he won't dare me, I still couldn't look away on anything else but him.

Tuluyan siyang humarap at naglakad palapit sa'kin. Lumabas narin ako sa teresa upang magtungo sa kanya at pareho naming tinawid ang natitirang distansya sa pagitan namin, at agad ko siyang niyapos. I buried my face on his chest.

The scent is from him. I'm right about it. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari, siguro epekto ito ng mahika sa kaharian namin. But nevertheless, I love the way he smells. And I felt so relieved to be caged in his arms.

"Elizabeth.." He breathed my name. His arm on my back and the other caressing my hair. Pumatak ang butil ng luha mula sa akin. "N-nandito kana.." Hindi ko maiwasang umiyak.

"Oh my God, I'm glad you're safe!" Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. "Ano'ng nangyari? Lamia and the others were keeping me away from you, they even said you're dangerous. Ano'ng nangyari sa'yo? I was so worried sick, so tell me about it."

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon