Chapter 5: Suspicion Part 1

510 18 1
                                    

Chapter 5: Suspicion Part 1

The wind is chilling, it's chilling to the bones. This cold wind blows from the abyss of the dark forest I'm looking at. It brushes cooly and gently on my face, my hair's dancing with the wind. It feels good. Para bang inaawitan ako ng hangin, masarap sa pakiramdam. Maybe I should do this often? So refreshing.

I'm loving the cold climate here. Medyo madilim pa ang paligid dahil maaga pa. Thoughts filled my mind, thoughts of Nassar Liam. Oo nga pala hindi ko man lang napasalamatan yung tao.. Nagmadali naman kasi siyang umalis. Sighed.

I'm waiting for Bianca to arrive outside my grandma's house, sakto sa tabi ng hagdanan namin ako nakatayo. Sa harapan ng bahay ni Lola Saya ay kagubatan na pero may espasyo pa namang daanan na medyo maluwag-luwag din bago ang kakahuyan. It's early in the morning, maaga akong gumising at mas early sa usapang pagkikita naming 5:45 am. Pupuntahan namin ang bakery shop ni Ate Malou.

Kasama ko si Accel ngayon dito sa labas, I'm giving him his everyday routine exercise—catching a tennis ball that I'm throwing within the yard. Ang liksi niya ngayon. Akala niya siguro papayagan ko na siyang maglakwatsa.

"Wuff! Wuff!" Tumatakbo na siya ngayon pabalik sa akin kagat ang bolang ibinato ko. Napangiti ako saka dumukwang. Nang binitawan niya sa kamay ko ang bola ay binato ko naman muli. Tumahol siya at hinabol ang bola pang-apat na beses mula kanina, tumuwid naman ako ng tayo at namaywang.

Parang nasa syudad narin ako eh, aircon kasi sa kwarto. Eh dito kahit sa'n ka ata magpunta malamig. Kaya heto, pinatungan ko ang t-shirt na suot ng pink na sweater. Ganitong oras sa syudad ay tulog pa ako, sa sobrang excited ko ata kaya ganito, hindi man lang ako makaramdam ng antok. Hindi ko nga maalala ano'ng oras akong nakatulog kagabi, ang mahalaga naman ay nagising ako.

"He's energetic today." Napalingon ako kay Ate Jill. May hawak siyang mug ng kape at sa kabila ay tinapay. Nilingon ko naman ang alaga ko na nilaro pa ang bola sa pwesto niya. Panigurado puno na 'yon ng laway.

"Yeah. Tinalian ko kahapon ate eh, naawa naman ako kaso masyadong makulit." Hinarap ko siya.

"Akala ko sumama ka sa jogging nina Ate Len?" Tanong ko. Suddenly she wrinkled her nose.

"Uh, jogging isn't my forte Elly. I love my fats. Teka, ikaw rin naman ah." Natawa ako sa sinabi niyang I love my fats, eh payat kasi si Ate Jill.

"May pupuntahan kasi kami ngayon ni Bianca." Niyakap ko ang sariling mga braso, sumandal naman siya sa kahoy.

"Ah, your friend. Hmm. Yang Ate Len mo kasi, alam mo namang self-concious 'yan sa katawan. Natatakot maghanap ng mas sexy ang boyfriend." Sarkastiko niya saka nag-make face. Napahagikgik ako. Si Ate Jill ang pinsang kong prangka sa kanila.

"Naikwento niya sa akin minsan, pinakita niya rin sa wallet niya, yung picture nila dalawa. Sexy naman siya ah?"

"I don't know, masyadong paranoid 'yang ate mo. You know, girls." She rolled her eyes again. "Her boyfriend couldn't ask for more. Ang swerte na niya sa pinsan natin." We both grinned. "Kape gusto mo? Tinapay oh."

"I had my early breakfast ate. Thanks." Sinilip niya ang relo niya.

"Gano'n ba, okay–Oopsie!" Nanlaki ang mga mata niya. "Time to write my story. Gotta go!"

Nagmamadali siyang umalis. Being a blogger will let you busy nga naman. Tungkol sa mga tourist spots yung bino-blog niya, minsan ay lumuluwas siya para puntahan ang mga tourist spots dito sa Sagada.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon