Chapter 36: The Message

123 9 3
                                    

Chapter 36: The Message

Exoikonomíste, agápi mou..

Save me, my love

Naisantinig ng aking puso na paulit-ulit nababasag sa loob. Pagsusumigaw ng aking puso pero kailanman.. ay hindi ko na magagawang isantinig. Tuluyan na akong nilamon ng tubig hanggang sa dumilim ang aking paningin. And I saw myself, my own dead self, in that deepest and darkest of the sea. I died.

Bigla kong naalala iyong napanaginipan ko noon sa bahay ni lola. Was it a prediction?

"As light elves we are called Alosrin, other groups are called Grekas, Keenor, Navarre, Kymil. Dark elves are Enceran, Shandalar, Wysadan, Velethuil----between the light and dark elves there are hundreds of groups and kingdoms in this world." Lolo.

"We have to be alert." Nagtagis ang ngipin ng hari sa galit.

The king has ordered the knights to take the action. Nabalisa ang lahat sa loob ng palasyo, the news of Enceran or the dark elves attacking us spread like a wild fire. The atmostphere inside the palace is intense, at the same time you can feel the chill in the air. Ayon sa kanang kamay ng hari ay umaaksyon narin ang mga napiling istudyante na may misyon protektahan ang kaharian.

"Kailangan kong puntahan si kuya," I held her hands. "Just be careful, Bianca."

"I will. We will." Anya saka lumabas na sa silid ng trono. "Let's proceed to the meeting room, naghihintay na ang mga konseho.." Hindi ko na narinig ang ibang sinasabi ng hari dahil natuon na ang aking atensyon sa isang bagay na tumatakbo sa isip ko sabay kabog ng dibdib ko.

Looking outside, there's a light in the sky in South-East of our realm kung saan nagaganap ang laban.

Prinkípissa

Natigilan ako nang marinig si Exousía.

Kumalma lamang kayo

"Will you be with me at this?" Pagkaka-usap ko sa kanya.

"Matatag na ang aking loob, kailangan kong gawin ito, Exousía."

Laging masusunod ang inyong nais, Prinkípissa

Napahinga ako ng malalim at napangiti sa sinabi niya.

"Salamat.."

Hindi ko napansin na nagtungo na pala kami sa silid ng pagpupulong, all the councils were also gathered inside waiting for us. Tumahimik sila at natigil ang pagtatalo sa loob at kaagad na tumayo upang bumati.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ipinihit ang mga paa palayo sa silid ng pagpupulong. Tinahak ko ang mga pasilyo, ang mga hagdanan hanggang sa marating ko ang pintuan ng palasyo.

"P-Prinkípissa?" Napalingon ako at nakita si Hyacinth na naghahabol ng hininga.

"Hyacinth?" Gulat kong tanong.

"P-Prinkípissa.. s-saan kayo pupunta?" Sa halip na tanong niya. Lumapit naman ako sa kanya at minabuting hinaan ang boses. "Huwag kang mag-alala, hindi ako mapapahamak. Sinisiguro ko iyan." I tapped her shoulder when her eyes widen. "Mag-iingat kayo rito."

"P-pero, h-hindi kayo maaaring lumabas ng palasyo, Prinkípissa lalo na sa ganitong sitwasyon." Naglikot ang mga mata niya sa ibang diwata sa paligid namin, kinakabahan.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon