Chapter 31: Palace of Heart Part 1

150 12 0
                                    

Chapter 31: Palace of Heart Part 1

Pinatawag kami para sa isang pagpupulong. Sabay naming tinungo ng mga magulang ko ang silid ng pagpupulong habang tinatahak ang daang hindi pa pamilyar sa'kin. The palace is so big, and until now I haven't roam every corners of it.

"Ang pagdating ng mahal na hari at ng kanyang reyna!" Anunsyo ng isang kawal sa lenggwahe namin. Tinatahak namin ngayon ang malawak na pasilyong may nakahanay na matataas at malalaking haligi sa gilid kung saan nakatayo ang bawat kawal. Sa hindi inaasahan ay maliwanag ang paligid, ang mga pader ay mala-kristal na nagpapaliwanag at nagbibigay ng magaang aura sa lugar. Isama pa ang mga puting mahikang lumulutang na nagsisilbing ilaw dito.

Noong lumiko kami sa pagitan ng dalawang haligi, tumambad sa'kin ang napakalaking koliseyo. And here I thought we are going to a meeting room. Well, this is way too big and wide to be called a room. Kung mala-kristal kanina sa pasilyo rito naman ay hinaluan ng palamuting ginto. Hanggang sa purong malaginto na ang apat na palapag nitong koliseyo na sadyang napakataas. Napatingala pa ako sa itaas, ang bubong ay hugis simboryo na parang payong, tumatagos din ito dahilan upang makita ang purong kalangitan.

So this is one of the places here in the palace I didn't see yet..

"Soon, our daughter.." The king tapped my shoulder, napabaling ako sa kanya. "Makikilala ka narin ng lahat bilang kanilang prinsesa.." Tipid siyang ngumiti sa'kin.

Prinsesa..tama.. Isa nga akong prinsesa.. Sinuklian ko rin siya ng munting ngiti. Pinagigitnaan ako ng hari at reyna, inangat ko ang tingin sa kanilang dalawa. I'm finally with my parents, and I have my father back.. I'm a monarch too. I was born as monarch.. which is being one, means having responsibility and prioritiy. Muli akong humarap at dineretso ang tingin katulad nila. But why?

Why do I feel like I'm still lacking of something?

Sa bandang gitna ay ang mahabang lamesa, kung nasaan ang mga konsehong naghihintay at kasama rin nila si lolo. It is as if this is not what I wanted to happen at all. Lahat sila'y nakatayo na tila inaabangan ang aming pagdating. Something is missing.. Lalo na ang presensya ng hari't reyna. Panandalian silang yumuko at binati kami. Nakangiti silang lahat.

It's like my body is here, but my mind is somewhere else. My body is right here, but my heart is seeking for someone else, so it's like I'm not totally here..

Inilibot ko ang tingin sa kanila. Looking at them.. they are my family, we are family... we are one.. Naglalaro sa isipan ko ang natuklasan at narinig kong bagong rebelasyon kanina. So why? Humugot ako nang malalim na hininga.

Umupo kami sa upuang nakalahad. Magkatabi ang hari't reyna sa gitna at nakaupo naman ako malapit sa kanila, nasa kabilang panig si lolo, ngunit hindi siya naupo sa harapan ko. Walang nakaupo sa harapan ko.

"Ang pagdating ng Mahal na Prinsipe!"

Lahat ay napalingon sa pinanggalingan namin kanina.

"Ang unang prinsipe mula sa Blythswana, Prinsipe Paeral Aesonn Blythswana!"

A blue-eyed elf arrived and is now walking toward our place. He's that blue eyes.. Napakurap-kurap ako. Tama nga ang hinala kong isa siyang maharlika. Ngunit ano'ng ginagawa niya rito?

Nagsitayuan kaming lahat maliban sa hari at reyna, upang batiin ang kararating na prinsipe. Yumuko rin siya sa'min, ikinumpas lamang ng hari ang kamay bago siya nagtungo sa upuan niya, which just answered my wondering mind awhile ago when he sat down on front of me.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon