Chapter 11: Why did they lie?

297 16 3
                                    

Shout out to PrincessAlexza and panda_O2 for being with Nassar and Elizabeth, for your flood votes and comments, thanks much for your supports dear! Heart.heart.❤️ As much as I want to dedicate this chap to you but I'm only using phone boo-hoo.

Anyways, Happy reading!

Here's a pic of Elly,

Here's a pic of Elly,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Chapter 11: Why did they lie?

Hindi na nagulat si mom nang makita kami ni Bianca sa bahay ulit, na agad din akong bumalik kahit na kaaalis ko lang kasi naman ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at syempre inaya ko na si Bianca na bumalik sa bahay namin kaysa doon kami kina Ate Malou. Hindi naman siya nagtanong pa dahil narito ang mga pinsan ko.

Mukhang sa lakas ng ulan ay hindi na kami matutuloy sa Mighty Karendereya, siguro sa susunod nalang.

"Sino'ng tumawag, Bianca?" Nagpupunas ako ng buhok ko ng towel na hawak dahil medyo nabasa kami. "Ahh, si kuya. Susunduin niya raw ako nang maaga. Which means hindi ako pwedeng magpa-gabi kasi may sakit din si nanay.." Anya at naupo sa tabi ko, nandito kami sa sala at sinusubukan niyang lapitan si Accel na tulog sa paanan ko.

"Ano nga pala iyong sasabihin mo kanina?" Anya, humugot ako ng malalim na hininga saka hinarap siya, ipinatong ko ang towel sa balikat ko.

"May nangyari na bang hindi maganda rito sa Loressa? Parang iyong mga.."

"Ahh. Oo!" Agad niyang sagot tapos lumapit sa akin para bumulong. "Alam mo ba yung boss ni tatay, kumukupit ng pera sa boss ng boss ng boss niya. Tapos eto pa hah, dinig ko na may pasugalan daw iyon pero hindi rito, sa syudad sabi nila. Grabe talaga ang mga tao ngayon noh?"

"P-Pero hindi iyon ang ibig kong sabihin Bianca, hindi mo kasi ako pinatapos eh," Natigilan siya at natawa pagkatapos ay nag-peace sign naman saka hinintay akong magpatuloy.

"Wala bang mga isyu na tulad ng pandudukot o holdap, kidnap o kaya naman.. pananakit? This will sound weird to you pero how about kababalaghan? Iyong mga.. mga halimaw? Hindi ba madalas na maraming kwento-kwento sa mga probinsya?"

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa akin. "Ehh ta–takot ako s-sa mga kababalaghan Elly.." Mautal-utal na pag-amin niya at napaiwas ng tingin, saka ngumuso.

"Ay gano'n ba, sorry."

"Okey lang wag kalang magkwento ng mga mumuh." Ngumuso siya. "Pero bakit mo natanong Elly?"

"Naalala ko lang kasi ang restricted area, gusto ko lang ng kwento sana tungkol sa mga bagay na nangyayari roon," Sagot ko naman at tipid na ngumiti, nanlaki naman muli ang mga mata niya. "Bakit? May nangyari ba?" Agad akong umiling sa kanya at sinabing wala lang naman. Hindi ko alam na matatakutin pala talaga siya, wala naman akong magagawa.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon