Chapter 18: Her Sake

189 11 4
                                    

Chapter 18: Her Sake

Sama-sama kaming nananghalian nang makauwi sa bahay mula sa bayan, saktong nakahain na ang mga pagkain pagkarating namin.

"Elly.." Mula sa pagkatitig sa sariling plato ay napaangat ako ng ulo at napansing ako nalang pala mag-isa ang naiwan sa hapag. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nikita ko ang nanay ko na nakatingin sa 'kin, nasa balikat ko pa ang kamay niya na hindi ko man lang nadama.

"Lets talk.." Malumanay niyang sabi, bumuka sara naman ang bibig ko at humataw ang puso sa kaba.

"N..now?" Umiling siya sa 'kin, pagod ang mga mata pero ngumiti parin siya kahit na hindi abot sa mga mata. Bumuntong hininga siya.

"Go to your grandpa's study room, hintayin mo na lang ako ro'n. Tutulungan ko lang sandali si Georgia sa kusina."

Tahimik akong sumunod at tumayo mula sa upuan. Wala sa sariling tinungo ko sa ikalawang palapag ang study room ni lolo. Minsang nasilip ko lamang ito noon, lagi itong nakabukas, rinig ko na hindi ito pinapabayaan ni lola at araw-araw kong nakikita si Ate Georgia na lumalabas mula rito galing sa paglilinis. Nang makapasok ay tahimik, at lumukob sa 'kin ang komportableng aura, it's comfy inside.

Naupo ako sa puting sofa at humugot nang malalim na hininga, wala pang sampung segundo ay nanlalamig na ang mga kamay ko. No matter how I calm down myself, how I act cool ay mukhang hindi ako magtatagal. Para akong isa sa mga magtatanghal na aakyat sa entablado at haharap sa maraming tao. Sa sobrang kaba ay hindi ko alam kung pa'no ko siya pakikitunguhan, kung ano'ng tamang sabihin o kung kaya ko na ba siyang kausapin ngayon.

Can I act that I didn't know something? Magagawa ko bang magpanggap na parang hindi ko narinig ang pinag-usapan nila ni lola kanina? Magagawa ko bang magpanggap pagkatapos malaman na nagsinungaling ang nanay ko sa 'kin? Kumirot ang puso ko at naalala ang mga katagang nanggaling mismo sa kanya.

I'm not yet ready

Nasa akmang pagtayo na'ko saka naman ang pagbukas ng pinto at pumasok ang mom.

"W-what? A-aalis na ba tayo?" Awtimatikong lumabas sa bibig ko sa taranta at gulat.

Siguro magpapanggap na lamang ako

Magpanggap na walang narinig. Mula sa pagod na mukha ay natigilan naman siya sa sinabi ko, bumuka-sara ang bibig saka napatikhim at umupo sa kaharap kong sofa.

"Anak.. pasensya na sa inakto ko kagabi. I was just.. stress."

"Stress.. from what?" Nanginig ang boses ko, napaupo ulit sa sariling upuan, parang nararamdaman ko na ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. No, not now. Please self, hold back. Just hold back. Humugot ako nang malalim na hininga. Nahulog naman ang mga mata niya sa sahig at matamlay na ngumiti.

"N..nag-alala lang ako nang sobra nung nalaman namin na wala ka sa dinner. Yung nilapitan kami ng mag-asawang Liam.. A-akala ko kung ano nang nangyaring masama sa'yo." Tinitigan niya ako sa mga mata.

"Then we found out you were with that boy. Together with him."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, pinapakalma ang malakas na kabog ng dibdib ko na halos sumabog na. "Anak kailangan na nating umuwi. Umuwi na tayo, please?"

"Ayoko munang umuwi.." I told her as soft as I can.

"Narinig mo ba ang usapan namin?"

Kinapos ako sa hininga sa direktang at biglang tugon niya. Nanlalaki ang mga matang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kahit na hindi niya sabihin nang eksakto kung ano iyon ay alam naming pareho ang tinutukoy niya. Kumikislap ang mga mata niya sa namumuong mga luha, namumula narin iyon pero nakikita ko kung paano niya tinatatagan ang sarili.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon