Chapter 9: Consequences

293 22 0
                                    

Chapter 9: Consequences

Actions have consequences, I know that ever since. Nagsinungaling ako sa pinsan ko at hindi ko alam kung ano'ng gagawin kung mahuli nila ako, siguro ay bahala na si batman. Palamig nang palamig na ang paligid habang papasok kami sa pusod ng kagubatan, ang payapang kalikasan ay napupuna ng aming kwentuhan ni Nassar. Ang sabi niya ay minsang nalagi na siya rito, hindi naman madalas pero sapat na para matandaan niya ang daan dahil minsan na siyang isinama ng ama rito. Ang sabi niya ay hunting daw, parang ama lang din nina Bianca.

"Akala ko ba ay restricted area ito?"

"The prey ran towards around this area.." Anya na nakatingin sa malayo, binaling ko naman siya na ikinabaling niya rin sa akin. "I mean the little deer. We were chasing it and so, that was how we got ourselves here."

He has a younger sister, ang parents naman nila ay business ang hanap buhay at may negosyo sila sa Sagada at rito sa St. Loressa. Mayaman sila pero ni isang salita tungkol doon ay hindi lumabas mula sa bibig niya mismo. Yeah, he's that humble. But calling them masters is still a mystery to me. Do the family Ettore—Bianca's family work for them? But it's weird.. hindi ko lang matukoy.

"You're an only child and you don't know who's your father."

"Wala na siguro akong tatay, buti ka pa mayro'n."

"Ah, don't say that."

"Ha? Iyong alin?"

"That you don't have a father anymore. You still have, wala ka ngayon kung wala siya," May kung ano'ng kumaluskos sa paligid, malayo iyon pero dahil sa tahimik naming paligid ay umalingawngaw iyon.

"Nahanap mo na ba ang hinahanap mo?" He suddenly became serious and quiet.

Wala na ang mapaglaro at nakakaloko niyang aura kanina, naglaho na ito na parang bula at ngayon ay halos walang emosyon ang mukha niya. May kumaluskos ulit and this time ay parang mas malapit na sa amin. Nabahala ako sa paligid namin, huwag mong sabihin may mabangis na hayop na malapit sa 'min?

"Elizabeth, we don't have much time left. Baka.. baka gabihin tayo at hanapin ka."

Napatigil ako pero hinawakan niya ako at nagpatuloy kami sa paglalakad dahil sinabi niyang huwag daw akong huminto. Sa totoo lang, ay wala akong nahahanap na maaring magbigay sa akin ng kasagutan.. yet. Pero malakas ang pakiramdam ko na malapit na ako, na nandito lang iyon.

Pumunta kami sa likod ng isang malaking puno at binitawan niya ako rito. Umihip ang kakaibang hangin, tinangay ang aking mga buhok, pero ang hangin na iyon pakiramdam ko.. parang may hindi tama. "Dito ka na muna, babalik ako. Stay here for me, huwag kang aalis kahit na ano'ng mangyari."

"But where are you going? May problema ba?" Mabagal siyang umiling at umiwas sa mga mata ko.

"I will be back. Please be safe, I need that." Naiwan ako sa kinatatayuan ko noong umalis siya at sumalubong sa 'kin ang tahimik na paligid. Seconds turn to minutes. Napatingin ako sa madilim na paligid ko at napasandal sa punong kahoy, parang napakabagal ng oras ngayon, nakakaramdam na ako ng takot na hindi ko maintindihan.

Nakakatakot pala mag-isa sa kakahuyang ito, kung ano-ano'ng senaryo ang nagagawa ng utak ko. Malamok narin kaya halos wala akong tigil sa kakapalo ng sariling mga kamay, minsan ay sa leeg, naglilikot din ang mga mata ko kung saan-saan. Maya-maya ay gusto ko na siyang sundan pero hindi ko naman alam kung sa'n pumunta baka tuluyan na akong mawala. Niyakap ko ang mga braso.

At bakit wala pa akong maalala? Nandito naman ako, kung nanggaling man ako rito at tumama ang ulo kung saan upang mawala ang memorya ko, ay dapat may natatandaan na ako, pero wala parin. Ngayon ay nagsisimula na akong magduda sa sarili.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon