Chapter 4: Dream and Reality

557 18 2
                                    

Chapter 4: Dream and Reality

Nandidilim ang paningin ko sa sama ng pakiramdam dahil sa nakuha kong sugat kaya napaiwas ako ng tingin mula rito. Nang tingnan ko naman iyong lalaki ay hindi ako makagalaw. Napako ang tingin ko sa kanya na para bang balak yata akong kainin nang buhay, napahigpit ang kapit ko sa manikang hawak sa sindak.

"ELLY!" Narinig kong sigaw ni Bianca sa likod. It was a horror, is she also seeing the man's expression right now? Pero hindi ko siya magawang lingunin na para bang kung gagalaw ako ay may mangyayaring hindi maganda. Putlang-putla ang lalaki na may nakakatakot na ekspresyon at pagkatakam na hindi ko maintindihan.

It's like I'm his last meal.. the craze in his eyes is terrifying. Do I see things right? Am I even seeing real? Namamanhid ang hintuturo kong nasugatan, at titig na titig siya rito. Napapaupo sa kalsada ang mga taong nabangga niya papunta sa'kin.

Hindi ko na narinig ulit ang boses ni Bianca, awtimatiko akong napapikit. My heart thumping heavily.

Isang malakas na hangin ang humampas sa mukha ko, parang tumahimik saglit ang paligid hanggang narinig ko rin ulit ang mga sigawan ng mga tao, pati si Bianca kaya napamulat ako ng mga mata habang hingal na hingal. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa dibdib.

Sa pagkakataong ito ay napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaking naka-pula, nakatalikod siya at tinatakpan niya sa paningin ko yung kaninang lalaki. Parang kinakausap niya ito, pero hindi ko sila marinig. Maya-maya ay napasinghap ako nung biglang tumakbo palayo yung nakakatakot na lalaki. Matumba-tumba pa ito at nasisindak sa tuwing nililingon itong lalaki sa harap ko ngayon. W-weird.. Nagbulong-bulungan naman ang mga tao, ang iba ay nabibigla parin sa nangyari.

"Elly! Oh my god!" Naramdaman ko ang mga kamay ni Bianca na nanlalamig sa mga braso ko, iniabot niya kaagad ang nangangatal kong mga kamay saka ibinaba ang manika.

"Okay ka lang? Elly? Can you hear me? Hey.." Hindi ako makapagsalita, nangangatog parin ang mga tuhod ko. She tucked my hair behind my ear.

"Kuya!"

"Are you okay, Elize?"

"Ilalayo ko na muna kaya si Elly dito?" She checked my finger. I have hematophobia, fear of blood kaya hindi ko magawang tumingin sa kahit na anong sariwang sugat. Hindi ko na sila napagtutuunan ng pansin nang napatitig ako sa daang tinahak nung lalaking tumakbo, sinulyapan ko din ang lalaking naka-pula, at bumalik ulit sa daan.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa daan nang sandali, paano kung bumalik agad ito?

"Bring her to that place, Bea. I'll follow afterwards."

"T-teka lang.. M-may gusto lang akong makita." Nahanap ko rin ang boses ko, hindi ko naiwasang mautal. May pakiramdam ako na dapat ay makita ko ang itsura ng lalaking nakapula. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita ang mukha niya..

"Okey na ang sugat mo Elly, nagamot ko na." She told me. And then I checked my finger too. Ni hindi ko napansin ang paglagay niya ng band aid.. It was a small wound but I can't still stand the sight of blood.

"Are you okay, Miss?" Hindi pamilyar na boses ang nagtanong, kaya sabay-sabay kaming napalingon sa kanya. Sumalubong sa'min ang isang magandang lalaki, ngumiti ito nang malungkot. "Sorry for the trouble. That guy... was crazy. You're safe now." Anya.

Magkaibigan ba sila ng lalaking naka-pula? At iyong lalaki na muntik na akong.. Na parang.. Ano ba ang gagawin niya sa'kin kung sakaling natuloy ang ginawa niya? He was so scary.

"Thank you for the concern Master Magnus." Anya naman ng mga magkapatid, nagpasalamat narin ako rito sa mahinang boses. Magsasalita pa sana ang nagngangalang Magnus, pero napahinto siya at lumingon sa likod. Kaya napalingon narin kami. Iyong naka-pulang long-sleeve polo pala, nang magtama ang mga mata namin ay muli kong nakita ang mga misteryosong magagandang mata na nasa mahiwagang kakahuyan.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon