Chapter 12: She's Invited

328 15 3
                                    

And taduh! That's Magnus on the media, pics that I post are not mine, ninakaw ko lang yan😐 Shsh! But credits to the owner, I do love peace. Hindi ko po kilala si pretty boy sa pic, napulot ko lang siya hehe.

Enjoy reading💘

Note: Kung may problema sa chapter try mo i-remove ang story at i-add ulit to refresh, ga-edit kasi po ako:)

***

Chapter 12: She's Invited

I have been having sleepless nights these past few days, it's becoming harder for me as time passes by at hindi ko naman ma-ipagsabi ang dahilan nito kahit na kanino. Mahirap dahil wala naman akong makausap sa natuklasan at sa naranasan ko, it left me no choice, scared and confused. Hindi ko inasahang makakakita ng halimaw sa kakahuyang iyon dahil nais ko lamang makakuha ng kasagutan, at ang naranasan ko ay nagpapanginig parin sa takot sa'kin.

What if the monster comes back and look for me? He's been occupying my nightmares.

At ang lalaking iyon na may nalalaman na hindi na nagpapakita sa'kin na gustong-gusto kong makausap. I know that he knows something but sadly I didn't see him again. Hindi ko na siya mahanap pa at nakakapanlumo iyon sa totoo lang. Hindi ko rin maitatanggi ang matinding lungkot na nararamdaman ko.

Na para ba'ng lahat ng mga negatibong bagay ay dumapo sa magkabila kong balikat dahilan upang bumagsak ito.

For the pass days, bigla nalang lumalakbay ang isip ko sa mga sandaling magkasama kami, iyong nakapikit siya habang nakaupo sa sopa ni Ate Malou, iyong mga nakakaloko niyang ngiti, iyong mga pinag-uusapan namin sa kakahuyan, hanggang sa noong una niya akong niligtas at ang mga iba pa. All of those memories kept coming back to me and it's haunting my mind hanggang sa madala ko na ito sa aking pagtulog.

Bago nga ako matulog ay ang gwapo niyang mukha ang naaalala ko dahilan upang makatulog ako. I don't know why, seeing his eyes in my mind calm me down.

Ilang oras lang ba kami magkasama? Bakit ganito nalang ang lungkot sa dibdib ko at sa sarili ko na hindi ko siya nakikita ngayon? Parang may nawawala? Na parang may kulang? It's just crazy but it has been like he stole something from me, a part of me and now I'm incomplete.

Bakit ganito ang pagkaka-attach ko sa kanya? Nasamid ako sa kinakain nang maisip iyon.

"Okay ka lang? Umimon ka muna ng tubig, namumula ka, hindi naman mainit—was the soup so hot?" Agad kong itinungga ang tubig na iniinom ko sa sinabi ni Bianca, nag-iinit ang aking mukha at tainga.

"I'm fine! Maanghang lang.. yung manok." I managed to excuse holding my breath. And I scolded myself of thinking that guy again for countless times. I sighed, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, magulo pa ang aking isipankung ano man ito ay dapat hindi ko na isipin muna dahil lumulutang lamang ang isipan ko sa kalawakan. I did say he's not good for me because I feel like it's different, kahit na ilang beses pa lamang kaming nagkita..

"Hindi naman maanghang itong tinola—"

"—baka sa ibang ulam ko natikman y-yung gulay! Oo may sili do'n kanina-malaki! Hindi mo na nakita kasi nakain ko na, isa lang 'yon eh!" Natataranta kong paliwanag, nananalangin na sana hindi na niya pansinin pa.

"O..kay?" Nakanganga niyang sabi saka sumandal. "Chilax Elly! Okay ka lang ba?" Natawa siya. "Para namang ipapakulong kita dahil hindi maanghang iyong tinola. Oo na, kumain kana."

Nakahinga ako nang maluwang do'n at iwinaksi na muna si Nassar sa isipan ko dahil ma-eemo lamang ako.

Umorder si Bianca ng tinolang manok, tapos pansit, tatlong klase ng gulay at lumpia. Oo, ang dami. Pero lubos-lubosin na namin daw, nandito kasi kami ngayon sa the infamous karinderya ni Tita Sabelle.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon