Chapter 30: The Motive of a Vampire

153 9 0
                                    

Chapter 30: The Motive of a Vampire

"See you later."

He whispered in the wind, at nawala na ang presensya sa likuran ko. Kumatok na ang gwardiya sa labas kaya natuon ang aking atensyon sa kararating lang na nilalang sa labas ng aking kwarto. At ganoon nalang ang ikinatigil ko noong tuluyan nang tumuloy ang nilalang.

"Elizabeth.. m-my baby.."

Hindi ako nag-aksaya ng panahon para takbuhin ang distansya namin at mahigpit siyang niyakap. Her familiar lovely scent enveloped me. My mother, my mom is finally here. Ginantihan niya rin ako ng mahigpit na yakap sabay halik niya sa aking tuktok.

"M-mom I miss you.." Pagtatangis ko sa mga bisig niya. She whispers comforting words that I've never imagined I would miss this bad. Hindi ko inakalang pagkatapos ng madramang pagyayakapan namin ni mom ay may mas susurpresa pa pala sa'kin.

Naagaw ang atensyon namin sa bagong kararating, he looks really in rush coming here. Matangkad siya, may tsokolateng buhok, higit sa lahat ay magkapareho kami ng itim na mga mata.

"I-I'm sorry I'm late! Wag niyo akong kalimutan." He catches his breath. Then his eyes landed on me, sabay na napaawang ang mga labi namin. Nanubig ang mga mata ko.

"D-Dad?" I choked. "E-Elizabeth.. Oh God, my daughter!" We closed our distance. Mas lalo akong naiyak. "Oh my God ang laki mo na anak.." He cupped my face. Eyes roaming on my face. My tears streaming down, Dad's eyes twinkling in tears. "I missed you so much darling." He too kissed my forehead dearly and hugged me.

"As if parang hindi mo siya nakikita lagi." Pagbibiro ng mom, umiiyak narin siya katulad namin.

"W-what do you mean, mom?"

"Your Dad is always watching on you, baby. Every birthday parties, your first day of school, high school, graduation, all of it. He's always around you." Paliwanag ng mom. Nahabag ang damdamin ko.

"But wait a m-minute, this is so-sudden ginulat niyo ako.. Hindi man lang kayo nagpasabi! I-I'm so happy.."

We hugged each other again. "Pero teka nasa'n si Lolo?" I wiped off my tears. "He's with Paeral, darling. Anyway, I heard breakfast is ready." My dad chuckled, his eyes red from crying. "Shall we then? Let's cherish every moment we're together."

Sabay-sabay kaming nag-agahan, nang natapos ay nagtungo kaming tatlo sa teresa ng palasyo. Naalala ko ang pagtatagpo namin ni Nassar kanina sa teresa ng kwarto ko. Now that I think of it, hindi naging sapat ang aming oras sa isa't-isa dahil hindi ko man lang naitanong ang mga gusto ko pang itanong sa kanya.

"Your dear cousins were left behind." Imik ng mom. Itinuon ko ang atensyon sa kanya. Mabuti na lamang hindi nila nalaman na naroon si Nassar sa kwarto ko kanina. "Nagmamasid sila sa mga nangyayari, kung sakaling may kakaibang nangyayari roon. And Accel is with your Uncle Riles, don't worry."

Oh my poor best friend, I wish he's here.

"Pero wala ba tayong ibang mga kalahi ro'n para mag-matiyag? Well, I believe creatures here go there."

"Elly anak, majority of those people that you knew in that barrio are creatures from Treon." Mom. Nanlaki ang mga mata ko. "Lahat sila mga diwata?" Tanong ko. "No darling, there are witches, sirenes, werewolves." Dad.

"And vampires." Mom.

Nakatingin kami sa bayan sa ibaba. In the terrace, the cold wind is still blowing. "We're sorry for keeping everything from you, anak." Lumapit din ang Dad sa'kin para abutin ang ulo ko.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon