Prologue

1.5K 57 14
                                    

Napaka-payapa ng aking pakiramdam, kakaiba, masaya na kontento, nasisiyahan ako sa malaberde kong paligid at sa mga hayop na aking nakikita.

Pagkatapos ay nag-iba nang tuluyan ang senaryo.

Nasa ilalim ako ng tubig dagat at palubog nang palubog, nakikita ko pa ang ilaw na nasa itaas. Kumurap ako dahilan upang pumatak ang luha ko pero hindi iyon alintana dahil nasa dagat naman ako, sunod-sunod ang pag-agos ng aking luha, nanlalabo na ang aking mga mata hanggang sa naramdaman kong hindi na ako makahinga.

Pinilit kong ginalaw ang mga kamay upang lumangoy ngunit dahil sa mahaba kong kasuotan ay wala iyong saysay. Saka nasa pinakamalalim narin naman ako ng dagat. Nakainom ako ng tubig..

Wala na bang sasaklolo sa akin? Pinilit kong manlaban pero mahirap.. hindi ko na kaya. Hindi na ako makahinga.. sumisikip lalo ang aking dibdib, nasapo ko ito pati na lalamunan ko. Nakaramdam ako ng matinding sakit at lungkot sa puso na para bang nababasag na ito sa paghihirap at pangungulila.

Mas mahapdi pa ito, mas masakit, kaysa sa unti-unti kong pagkalunod sa kailalim-laliman ng madilim na dagat.

Exoikonomíste, agápi mou..

Save me, my love.

Naisantinig ng aking puso na paulit-ulit nababasag sa loob. Pagsusumigaw ng aking puso pero kailanman.. ay hindi ko na magagawang isantinig.

Kailanman..

Tuluyan akong nilamon ng tubig hanggang sa dumilim ang aking paningin. And I saw myself, my own dead self, in that deepest and darkest of the sea. I died.

***

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon