Chapter 19: Captive

178 12 0
                                    

Chapter 19: Captive

Nang mawala ang lagusan ay kumalas sa'kin ang bampira at nanghihina akong natumba sa lupa. Napailing-iling ako sa sarili, pinanghihinaan ng loob.

"H-hindi.. hindi.."

Nag-angat ako ng tingin at sinuyod ang hindi pamilyar na lugar. Makulimlim ang paligid, ang kalangitan, mababa ang temperatura at sobrang lamig. Nasa bakuran kami na puno ng patay na mga halaman, mga puno, everything's dead. Naagaw ang atensyon ko ng malaking bahay na may dalawang palapag sa gitna ng bakuran na'to, madilim na bahay na parang haunted house.

Halos hindi ko makita ang sa labas ng bakuran dahil sa mga patay na halaman at madilim na paligid dahil sa makapal na hamog at usok. Marumi rin ang lupa kasi maputik ito. I can't see a single life. Everything's black, gray and dead, even the one who's with me ay hindi ako sigurado kung buhay. Parang ako lang yata ang buhay dito.

Nasa'n ako?

Nakarinig ako ng uwak, mga uwak, nagsidapuan sila sa may bubong ng bahay na halos matakpan na ng mga halaman at gamot-gamot, tumitig sa'kin ang mga uwak gamit iyong pulang mga mata nila. Na para bang may kakayahan sila at isip ng isang tao. Parehong-pareho sa mga uwak noon na umatake sa'kin. Oh God, hindi kaya ito rin ang mga uwak na 'yon? Sumigaw sila at parang naging bayolente, napatili ako sa takot.

"Get up!" Someone growled sabay hablot sa buhok ko na ikinahiyaw ko sa sakit, no other than the vampire behind me.

"Tumayo ka or I will leave you here eaten by the dark creatures and those crows and I'll be watching you dying slowly, and painfully." Banta niya pa na ikinalaki ng mga mata ko. Marahas siyang bumulong sa tenga ko.

"Maybe it will be so fun. Sadly, baka malintikan pa ako.." Kusa akong tumayo dahil wala akong laban at wala akong magawa. But what the vampire told me made me frozen, cold..

"Such a beautiful neck huh.. So soft.. You're beautiful too.." Nahintakutan ako noong hinigit niya ang buhok ko palapit sa bibig niya upang samyuin. "Hmm I would love to drink and sip your blood beauty.. konti lang naman. Hindi niya 'yon mapapansin.." May halong malisya pa ang boses niya bago ako hinila muli sa buhok at marahas na kinaladkad patungo sa bahay. Halos bumaon ang mga kuko niya sa braso ko na ikinakaiyak ko.

"Ang ingay mo! Such a pain in the ass!" Tinulak niya ako sa pinto at napasubsob ako ro'n, bago niya sinipa ito kaya bumagsak na naman ako sa sahig. Naghingalo ako sa lakas ng pagka-untog ng ulo ko sa somento. Hindi ako magtataka kung magkasugat ako sa ulo. Napugto ang hininga ko sa sakit, kasabay ng paglandas ng aking luha sa takot.

"Get inside bitch! Magdusa ka, kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo.. matapos ng panginoon sa'yo ay gaganti naman ako. Sisiguraduhin kong gagapang ka sa sarili mong dugo! Buhay ang kapalit ng buhay!"

Ano bang kasalanan ko? Ano'ng nagawa ko? Paulit-ulit na tanong ko sa sarili habang umiiyak. Buhay ang kapalit? What does he mean? Madilim sa bahay at tanging mga apoy sa pader ang nagsisilbing liwanag. Nakakakilabot sa loob, merong bagay na hindi ko maintindihan at parang mas pipiliin ko sa labas kaysa rito sa loob. Nasasakal ako sa sama ng aura. Ginapos ako ng bampira gamit ng mga posas na konektado sa pader, magkabilang kamay ko pati leeg ko ay nilagyan ng kadena at konektado rin sa somentadong pader.

"Manahimik ka! Naiirita ako! Hintayin mo ang panginoon, di magtatagal darating din 'yon.." Singhal niya at iniwan ako. Wala akong makita kun'di poot at pagkamuhi sa kanya, na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya. Pero wala naman akong natatandaang ginawang kasalanan. Natauhan na lamang ako nang may mapagtanto. He must be my stalker!

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon