Chapter 39: When the World is Ours

149 10 2
                                    

Chapter 39: When the World is Ours

Ano bang tumatakbo sa isipan mo ngayon, Nassar?

Napaisip ako at kung saan-saan dumako ang aking malikot na imahinasyon. Ano nga ba ang binabalak niya sa sinabi niya? Sa ginagawa niya ngayon at pakikitungo nang ganito sa akin? Sa kakaisip nang malalim ay nailibot ko ang paningin sa kinaroroonan ko. Maging dito sa linis at ayos ng mga kagamitan nagmukhang hindi okyupado ang silid.

Napagpasyahan kong tumayo at maligo na nga, kailangan kong pagtibayin ang sarili sa kung ano'ng posibleng mangyayari at kung paano siya pakikitunguhan. Napansin ko na panlalaki ang kagamitan magmula shampoo, body wash, just like the expensive room outside that themed dark.

Noong napaangat ako ng tingin sa salamin na nasa tapat ko lamang ay natigilan ako. Like, I'm very out of place with my fairy get up here. Pero hindi naman iyon ang dahilan kung ba't ako natigilan, I'm still with my long gown, braided hair with many flowers on it. Napalabi na lamang ako dahil sa mga ipit at bulaklak sa buhok ko. Bianca and Hyacinth really spent their time dressing me up and doing my hair---Bianca! "Oh my God.."

Ang paalam ko ay sandali lamang ako, paniguradong hahanapin na nito ako at hindi rin magtatagal ay malalaman ito ng reyna, at ng hari. I'm so dead. Humugot ako ng malalim na hininga, sa sitwasyon ko ngayon ay wala naman akong magagawa.. Taking a one last time look on my hair, binuhol ko na lamang ito, I don't think so na tatanggalin ko ito sa banyo dahil maaabutan ako ng pagsikat ng araw.

Tutal nandito narin lang ako ay isasagawa ko nalang ang ritwal sa banyo, mamaya ko na lamang ito aatupagin. Ang nangyari ay nag-half bath na lamang ako sa tub na si Nassar mismo ang naghanda. Nang matapos ng mga gawaing banyo, balot ng roba, ay sumilip muna ako sa labas.

Muling bumungad ang tahimik at malaking kwarto sa akin na walang katao-tao. Pinakawalan ko ang pigil kong hininga saka tuluyang lumabas, the soft gray carpet brushed under my feet. When I was busy being embarassed to myself awhile ago ay naalala ko naman iyong pagturo niya sa closet kanina noong pagkapasok namin sa kwarto. I was going to look for something to wear when a box sitting on top of the velvety midnight bed caught my eyes.

Nilapitan ko ito, wala naman ito rito kanina. Nahulog ang mga mata ko sa card na nakalagay kung kailan may nakasulat doon. The content is written on a beautiful penmanship that says.. wear for tonight's. See you downstairs. Pigil hininga kong binuksan ang kahon, a folded dress is inside looking so pretty. Noong kinuha ko ito at pinagmasdan, it's a floral dress and knee-length. Kumakabog ang puso ko.

"So, this is really real. This is not a joke.." Nasabi ko na lamang sa sarili habang pinagmamasdan ang damit. We're having a date, our going to be the first date. Or whatever this is. I just can't believe.

What's all about this? He's suddenly nice to me, pinaghanda niya pa ako ng panligo ko, dadamitan at aayaing lumabas para kumain? At kanina lang magkaaway kami? At.. naalala ko iyong pangahas na ginawa niya, nag-init ang mga pisngi ko. Of course, that.. that kiss..

Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko siya maintindihan.. naguguluhan ako. Sometimes, I wish I can read people in the eyes. Nakagat ko ang labi saka nagtungo narin sa closet para makapagbihis.

Alam kong halos tubuan na ako ng ugat dito sa silid na ito, I'm really taking my time too, not on dressing up or doing my hair but to fix my hair back to normal. Heto ako at bihis na habang nakaupo at nakaharap sa tukador, tinatanggal ang mga anik-anik sa aking buhok.

And it felt like forever I've sat here when I heard a soft knock at the door. "Come in!" Marahas akong napabuntong hininga, hindi biro ang mga bulaklak na nagpaikot-ikot sa aking hiblang buhok. Mahirap tanggalin. Bakit ngayon pa ito nangyari sa akin?

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon