Chapter 10: Living Monster

317 15 2
                                    

Chapter 10: Living Monster

Napasulyap ako sa kanya at nakita siyang nakatingin sa 'kin kaya naibaba ko ang kutsara. "I'm sorry.." Malumanay niyang sabi. "I should have gone back immediately to you.." Pansin ko na halos hindi siya gumagalaw sa upuan niya at mukhang ayaw na lumapit sa 'kin.

"It's okay.. nahanap ko narin ang hinahanap ko." Pinilit kong ngumiti pero alam kong hindi iyon umabot sa mga mata ko.

"You're satisfied?"

Napatango nalang ako pero napailing din. "It was not a dream after all." Napalunok ako, parang may bumabara sa lalamunan ko. "Hinahabol ko pala no'n si Accel sa kakahuyan. But.. mom told me different, they lied to me." Halos hindi ako makahinga nang maayos dahil sa pamimigat sa loob ng dibdib ko.

"They did..? Tell me how much did you know.."

"Iyon lang naman, basta nakapunta ako roon at nakita kita noong gabing iyon, tapos wala na akong maalala." Lumakas ang kabog sa dibdib ko, hindi naman siya kumalas ng tingin at nakipag-kompetensya rin ako. Hindi ko naman maiwasang maging emosyonal sa sinapit ko, sumisikip ang dibdib ko.

"You saw me." Maingat niyang sambit pero seryoso parin ang mga mata na maraming nilalaman pero hindi naman mabasa-basa. Napahugot ako ng malalim na hininga, pinipigilang muling pumatak ang mga luha.

"Stop it. Huwag mong gayahin ang bawat na sinasabi ko. Ano iyong nakita ko Nassar? Bakit may gano'n? M-may.. hindi ko a-alam, n-nakakatakot.." Nanubig na naman ang mga mata ko. Napasulyap siya sa sugat ko at napalunok, tapos tiningnan muli ako sa mga mata.

"He.. he looked at me like I'm a food, like he wanted to devour me. He said I'm a s-snack.. He looks like.. like completely insane and totally different—he was laughing at me—takot na takot ako, nakakatakot na akala ko ay mamamatay na ako nang sandaling iyon. Now tell me what is he? Bakit gano'n ang itsura niya? Saan siya galing?"

Nanginginig ang mga kamay ko, pinanginginigan ako sa takot. Sumulyap siya muli sa sugat ko at napalabi, tapos kinagat ang sariling labi.

"Elizabeth.." Halos kapos sa hininga niyang tawag sa akin.

"Hindi ko alam kung ano'ng tamang maramdaman." Mas sumikip ang dibdib ko.

"Hindi ko na alam kung ano'ng tamang iisipin kasi natatakot ako sa maiisip ko. Ayokong makinig sa mga boses na paulit-ulit na bumubulong sa isipan ko at kung ano-ano'ng mga—kasinungalingan ang sinasabi. Natatakot ako na maalala ulit iyong halimaw at ang sinapit ko sa kanya. Ang buong akala ko ay katahimikan ang maidudulot ng pag-alam ko sa katotohanan, ngayong may nakita ako at natuklasan na katotohanan na hindi ko alam kung dapat ko ba'ng malaman pa o hindi."

"Hindi mo dapat nakita iyon." Tumingin siya sa labas ng bintana, nagtatagis ang mga ngipin.

"Ano'ng klaseng halimaw iyon Nassar?"

"Elizabeth.." Nilingon niya ako muli.

"Gusto ko malaman. Nassar, please.."

Kailangan kong malaman, maraming mapapahamak. Talagang mapapahamak nga ang pinsan ko, sina lola, ang mga inosenteng tao. God, marami ba ang katulad ng halimaw na iyon?

"Don't think too much. Finish your food and we will drive you home." Malamig at pagtatapos niya sa usapan namin na hindi na muling tumingin sa'kin saka mabilis na tumayo pero bago pa siya lumabas ay nagsalita ako.

"Thank you.." I didn't forget to say. He's there for me again, I thought he was not coming back for me. Akala ko ay wala na akong pag-asa sa sandaling iyon. Tumigil naman siya saglit sa kinatatayuan nang marinig ako pero napayuko ako noong walang imik niya akong tuluyang iniwan mag-isa sa kwarto.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon