Chapter 32: Palace of Heart Part 2

130 13 0
                                    

Chapter 32: Palace of Heart Part 2

Nagtagpo ang aming mga mata at ng kanyang mala-perlas na itim na mga matang matiim na nakatitig sa akin. Napasinghap ako sa pagkabiglang makita siya pero naging alerto rin sa paligid. Hindi ko naman kasi inaasahang bigla-bigla na lamang siyang susulpot dito.

"Nassar.." Napahawak ako sa laylayan ng kanyang damit. "Ano'ng ginagawa mo rito? Baka may makakita sa'yo." I hushed my tone down, afraid that someone will see him here.

"Well.." Humakbang siya palapit. "Aren't you looking for me?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "O-Oo nga, gusto kitang makausap." How did he know that I was looking for him? "Lets go.." Anya, kinuha ang aking kamay. "Teka, saan? Don't you dare take this way maraming mga kawal na nakakalat sa mga pasilyo." Kinakabahan kong litanya.

Yumuko siya sa'kin at pinagpantay ang aming mukha, halos maduling ako sa sobrang lapit niya.

"I have my ways, princess. Saka wala naman akong pakialam kahit na may makakita sa akin."

"S-sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"

"I could walk down on your grand staircase anytime I want to." A smirk form on his lips.

Noong lumayo siya ay nakagat ko ang pang-ibabang labi sa narinig, he will not, dahil imposible ang sinasabi niya't hindi ako makakapayag. They treat him as our enemy, kung mangyayari ang sinsabi niya ay tiyak na magkakagulo ang lahat. Hinila niya ako patungo sa kabilang pasilyo.

"Teka, ito ba ang paraan na tinutukoy mo? We are still walking on the corridors and this is too risky!"

Saglit niya akong nilingon. "Why not? Masaya namang gawin ito paminsan-minsan." Kahit na nakatalikod siya ay ramdam ko ang pag-ngiti niya. Ilang beses ko siyang hinila upang pigilan, may ilang beses din na may mga gwardiya at kawal na muntik na kaming makita.

"This is not fun at all!" I still maintained my voice low. It made him stopped at nilingon ako.

"But it is." Anya, umarko ang kilay pagkatapos ay inilapit na naman ang mukha sa'kin. "Mas lalo kang gumaganda kung namumula, I like it."

"Ano b-bang pinagsasabi mo? A-are you making fun of me?" Napaiwas ako ng tingin at naglikot ang mga mata sa paligid. My heart is in turmoil and I swear if he keeps doing this to me I may not last long.

Umiling lamang siya ngunit may sinusupil namang ngisi. Pero nataranta naman ako noong makarinig ng mga yabag mula sa aming likuran. Kung nagkataong lumiko sila ay makikita talaga nila kami.

"Nassar, may paparating mula sa likuran!"

Nilingon niya naman ang pasilyong nasa likuran namin. Todo kabog ang dibdib ko sa taranta. Saglit siyang napasuyod ng tingin sa paligid na ginaya ko rin pero sa huli ay sumilip siya sa isang pinto ng kwarto sa may gilid.

"Dito tayo," Anya at hinila na naman ako papasok, natigilan pa ako dahil sa kurtinang nakaharang sa pintuan na gawa sa mga batong dyamante. Hinawi niya iyon at tumambad ang malaking kwarto. It's an empty room or more like an empty bedroom, maybe this is one of the guest rooms?

"How could they not feel your presence here? My presence? I'm pretty sure na mararamdaman nila ang presenya natin dito." Naisip kong tanong sa kanya.

Mukhang walang gumagamit ng kwarto dahil mapapansing walang bakas ng kung sino ang nalagi rito. Pati rito pala ay may guest rooms, kakaiba ang desenyo nito dahil halos napapalamutian ng mga batong dyamante ang paligid. How many kinds of guest room we have here?

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon