Chapter 22: Realm of Steles

176 14 0
                                    

Chapter 22: Realm of Steles

I need to know what's happening on the place of dead, may tinatago sila sa'kin at malakas ang pakiramdam ko na may hindi mangyayaring maganda. Last time I felt this way, I wasn't wrong at may hindi talagang magandang nangyari. I'm very grateful that I have this strong gut feeling at this kind of situations..

"Ako'y makikinig sa inyo, magtiwala lamang kayo sa inyong puso at pagtibayin ang isipan." Dugtong ng mahika.

"Kailangan kong malaman kung ano'ng nangyayari sa tinatawag nilang lugar ng walang buhay, matutulungan mo ba ako?" Ilang segundo itong hindi sumagot sa'kin at sa loob ng segundong 'yon ay nag-aasam ako sa maririnig na sagot niya.

"Patawarin niyo sana ako sa aking sasabihin, mukhang hindi maganda ang inyong binabalak, ang lugar na inyong tinutukoy ay nagkakagulo sa ngayon.."

"A-alam mo?" I suddenly felt transparent in front of her, this magic has feelings? She can feel too?

"Ito'y aking kakayahan. Huwag niyo sanang masamain, ngunit ano ba talaga ang tunay niyong motibo?"

"M-may mga kaibigan ako na gusto kong mailigtas, nasa panganib ang buhay nila. Gusto ko sanang malaman ang tinatago sa'kin ng hari ng kahariang ito at ng pinsan niya."

"Kayo'y may busilak na puso.. naiintindihan ko ang inyong nais. Ngunit hindi ko kayang pasukin ang isip ng isang maharlika, Prinkípissa."

"Nakakabasa ka rin ng isip? Ibig sabihin.. nababasa mo ang isipan ko ngayon.." Pagtalima ko ngunit hindi siya sumagot bagkus nabawasan ang liwanag niya, bumigat ang kalooban ko sa di ko malamang dahilan. Parang nadama ko ang kalungkutan nito, na napaka-imposible. May nararamdaman din talaga ito?

"Pa-pasensya na kung matanong ako." Napayuko ako, naramdaman ko nalang na lumipad ang mahika at pumantay sa mukha ko.

"Huwag kayong humingi ng tawad, Prinkípissa. May limitasyon lamang ang pwede kong sabihin sa inyo, ako dapat ang humingi ng tawad dahil pinaglilingkuran ko kayo ngunit heto, simpleng katanungan ay hindi ko kayang sagutin.."

"Pinaglilingkuran mo? Ako?" Nagulat ako, ano'ng ibig niyang sabihin? Muli itong lumiwanag gaya ng dati, parang pinapahiwatig nito na tumatalima siya sa tanong ko. "P..pero bakit?" Tanong ko, bilang sagot ay nabawasan na naman ang liwanag niya. Napaisip tuloy ako, prinkípissa.. prinkip, prinsa, prinsesa?

"Prinsesa ba ang madalas mong tawag sa'kin?" Muli lamang siyang lumiwanag. "Sana sabihin mo rin sa'kin sa darating na panahon." Ang tinutukoy ko ay iyong limitasyon na sinasabi niya.

"Hindi ko ho malilimutan iyan.."

Napangiti ako sa sagot niya. Back to asking help. "Kung hindi mo magagamit ang kakayahan mo sa mga maharlika, naisip ko na manmanan ko na lamang sila. Pero kailangan ko ng tulong mo upang hindi ako mahuli."

Okay na sana ang plano namin, tutulungan niya akong sundan ang mag-pinsan at para hindi mahuli, dahil ayon sa kanya ay nakakaramdam din siya ng presensya sa malapit na distansya, ngunit kailangan niyang huwag lubos na gamitin ang kakayahan dahil nanghihina rin siya, pero kung posibleng mahuhuli ako ay agad naming masusulusyonan ito. Ang kaso ay nalibot ko na ang bawat sulok ng palasyo ay hindi ko matagpuan ang mag-pinsan. Nagugulat na ang mga utusan dahil nagpapa-ikot-ikot na ako at pabalik-balik silang nakakasalubong. Napapagod narin ako.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko. "This can't be. Tumatakbo ang oras, baka kung ano nang nangyayari.." Nagpakita muli ang mahika na nais tawaging Exousía, na ang ibig sabihin daw ay kapangyarihan. Dahil sa kanya ay may natutunan narin akong bagong salita, prinkípissa at exousía.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon