Chapter 27: Belonged

157 11 2
                                    

You can play Daylight by Taylor Swift♥️

***

Chapter 27: Belonged

This necklace holds secrets. The secret of who really I am, what my life is, now I know..

"At niligtas ako ng parehong tao mula sa kanila." Wala sa sariling sabi ko at tuluyang kumunot ang noo sa isang bagay na pumukaw sa aking isipan.

No.. is he a human..?

Walang nakakaalam kung sino talaga ako maliban kay lolo at iyong iba na nabibilang sa daliri tulad ng mga matatandang konseho. Ang alam ng mga diwata rito sa Ithearicaea ay may mahalagang panauhin silang bumisita sa kanilang kaharian. Hindi nila alam ang kasarian. Naging usap-usapan ako dahil dito at may mga kumakalat na haka-haka sa paligid kung isa nga ba akong maharlika? O babaylan? Sirena? Elves were like humans too, they know how to gossip. The only difference is that, they know they have limitations to that, they have rules here that they cherish for thousand of years ever since. And they're very honest and trustworthy creatures.

My kinships..

Isa pang dahilan na ayaw ni lolo na kumalat ang balitang kung sino talaga ako ay dahil may pakpak ang balita. Ayaw niyang lumabas ito sa kaharian, para sa aking kapakanan at kaligtasan. Besides, my father has gone to a mission that's still unknown to me, but we're waiting for his return these days. They can't move on without the king. Or in other words, they can't decide without him.

But when that moment will come, I will be meeting the said prince charming that left her princess-misunderstood.. All along, her prince charming didn't left her..

At the same time, ay ipapaalam pa ni lolo sa nanay ko na nandito na ako. Pero hindi naging madali ang lahat. Hindi madali ang lahat. Lubos na nag-iingat sina lolo ngayon sa mga plano nila, dahil ngayong umaga'y may dumating na mensahe mula sa parehong kaibigang babaylan ni lolo. At hindi iyon maganda.

Kaya ngayong araw ay may pupuntahan kaming altar kung sa'n daw kailangan naming bumisita sa diyos na tinatawag na Dionysus. Ang sabi ni lolo ay mag-aalay kami ng mga bulaklak kay Dionysus.

Mula sa napakalawak na teresa ng kwarto ko, despite of this place being so high, ay nakamasid ako sa tubig sa ibaba na dumadaloy mula sa talon. The water below is very clear that I can see the moving magic fishes. Ahead of the palace is a beautiful and peaceful town. The sky is clear and blue.

If my life would be this peaceful..

Pumasok sa isipan ko ang gwapong mukha ni Nassar. Napangiti ako. Napayuko ako sa librong hawak ko at hinaplos ito. Nagbabasa ako ng mga kwento tungkol sa lugar na ito. Sometimes I read our history, maliban sa minsan na lumalabas ako upang makasalamuha at makilala ang mga ibang kalahi ko. It's such so different to mingle with elves.. I mean I have never imagined it in my life.

Magagandang nilalang sila, matutulis ang mga tainga, berde ang mga mata. Kaya upang hindi sila maghinala sa'kin ay minabuti ko na lamang na magpanggap na katulad nila sa loob ng balabal na suot. Exousía helped me again to disguised as a maid working in the palace.

Sa ngayon ay unti-unti kong iniintindi ang aking sitwasyon.. I want to know more about us, rather than sulk myself & locked up inside my room alone and refuse to face the reality. I feel like I have to know more about my life, I feel like I missed many years and opportunities and I need to catch up to that.

Malakas ang kutob ko na sa paraang ito, ay mareresolba ang lahat. Siguro marami pang sekretong nakatago na hindi ko alam, at kailangan kong malaman iyon. Isa na doon kung sino ba si Nassar. Ano'ng klaseng nilalang sila?

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon