Chapter 49: Last Chapter: Turn Back Everything

252 16 3
                                    

Chapter 49: Last Chapter: Turn Back Everything

We all alosrin are still building back what we have lost from the war, nagtulong-tulong ang lahat ng mga maharlika at yung may mga kakayahan upang ibalik sa dati ang aming kaharian. It's been months since the war happened, hindi ko masasabing napanalo namin ang digmaan.. ngunit araw-araw na may alay ang altar ni Dionysus.

Alosrins are all afraid that we perhaps neglect the god and he punished us for being not righteous to him, that somehow we make mistakes and disobey him kaya walang araw na hindi binibisita ang altar upang humingi ng kapatawaran at patuloy na magpasalamat.

Narito ako sa hardin ng ikalawang palapag ng palasyo, way up from here I can clearly see the whole realm. Kung ano na ang mga nabalik namin sa dati, kung ano pa ang kailangan naming pagtuunan ng pansin. Malaki ang pinsala sa Na Tul, maraming mga puno ang naputol, mga halaman na nasira at mga hayop na hindi nakaligtas. Isama narin ang mga nasawing bahay sa bayan. It was a very huge lost to us, just like the vision that the oracle saw.

Fairies are now helping to bring back Na Tul, too.

Marami ring hindi nakaligtas na sundalong alosrin, may mga inosente din na nadamay ngunit lamang naman ang nakaligtas, iyong iba ay ginagamot parin hanggang ngayon.

Nalingat ang aking atensyon noong tinawag ako ni Bianca, tumatakbo siyang lumapit sa akin. "Hey, easy you might trip, ano'ng mayroon?" Tanong ko. "Have you been running all the way here? You surely love to run." Hinihingal kasi siya, halos hindi makapagsalita sa pagod.

"T-the p-rince.." Now I'm all ears to her, hinihintay ang pagdugtong niya. "Prince Paeral have woken up!"

"B-bakit ngayon mo lang sinabi? Ano pang hinihintay mo?" Dali-dali kong inangat ang aking saya upang tumakbo patungo sa pintuan bago siya muling nilingon.

"H-hindi ko na kaya ata tumakbo, galing pa ako sa pagamutan kung alam mo lang!" Binalikan ko siya at hinatak sa kamay. "Kaya mo pa 'yan tumakbo, imortal ka naman at mangkukulam!"

"Elly! Are you killing me now! Lalabas na ata yung dila ko eh!"

Upon running wildly ay nakasalubong namin si Kuya Kaye sa pasilyo, yumuko siya sa akin ngunit nagtagpo narin ang mga kilay dahil sa itsura namin ni Bianca. "Ano ba 'yan kuya! Mamamatay na'ko lahat sa hingal pagmumukha mo pang nakakairita ang masisilayan ko? Gosh!"

Nilingon ko siya. "Hindi ka ba niya binigyan ng Drachma? Meron ako." Drachma is a term we used here for money, nagiging ganito lang naman si Bianca kung may hindi sila pinagkakaunawaan ng kapatid. Nakita ko kung paano lumukot ang kilay ni Kuya Kaye sa kapatid.

"You little witch! Do you have to tell the princess about that?" Banta niya na ikinatili ni Bianca at nagtago sa likod ko. "I swear, makakauwi lamang tayo sa bahay bibitayin kita patiwarik." He sarcastically said and bowed again to me before he left, Bianca stuck out her tongue on his back.

"Kainis, ang kuripot no'n kesyo we need to save money, kesyo patay gutom daw ako, beastmode masyado busted kasi ng crush niya ayan!" Hindi na ako nagpalipas pa ng oras at muli rin siyang hinigit patakbo na ikinaubo niya.

"Atleast you have to act like a princess! Hindi gawain ng prinsesa ito!"

Bumaba kami sakay kay Tofè sa tapat ng pagamutan. "You could have ridden a horse, ang hilig mong tumakbo, runner ka sa school niyo?" Hindi siya nakasabat noong nakasalubong namin ang matandang manggagamot, kasunod niya lang lumabas si Nuhello. Matapos batiin ng magandang umaga ang isa't-isa ay nagpatuloy na kami papasok sa gusali.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon