Chapter 8: Trust Me

398 13 1
                                    

I recommend the song Inside Out by Chainsmokers ;)

***

Chapter 8: Trust Me

Sumilip nga siya mula sa kurtina namin at tahimik naman akong naghihintay sa kumpirma niya. Good thing may kakapalan ang kurtina, hindi ko maiwasang maimagine na sumilip iyong mga uwak sa bintana. Saan ba galing ang mga ito? Talaga bang nanghahabol ng tao ang uwak? Wala naman akong narinig na gano'n..

"They're gone.." Pagkumpirma niya sa katahimikan at parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib. "Th-that's good to hear.." Napalingon siya sa'kin tapos inayos muli ang kurtina at nilapitan ako sa kinaroroonan. Sinulyapan niya ang hagdanan paakyat saglit saka tinagpo ulit ang mga mata ko.

"Go back to sleep. And I'm going, I need to go back."

"Huwag.." Mabilis kong pigil at natigilan din. "Ang ibig kong sabihin.. H-huwag ka munang umalis baka bumalik iyong mga uwak sa labas."

Hindi ordinaryo ang mga ibon na iyon. Saka madilim sa labas, mag-isa pa naman siya, uuwi siya mag-isa sa gitna ng dilim? Hindi ba siya natatakot sa kagubatang nakapaligid? May isang katanungan ang agad na pumasok sa isip ko. "Bakit ka nga pala nandito? Ano'ng ginagawa mo rito?" Tinalikuran niya naman ako at humarap sa pintuan.

"I was just.. walking around.. I can't sleep. Then I saw those crows passing by, and then.. I saw you." Nilingon niya ako, kalahati lamang ng gwapo niyang mukha ang nakikita ko, ang mas lubos na nakatawag sa atensyon ko ay iyong maganda niyang ilong na mas lalong nadepina ang tangos.

"And don't worry, I'm fine. Just listen to me, Elizabeth." Tinalikuran niya ako muli saka tinungo ang pinto. "Go and sleep. Don't do this again.. Sneeking out at night is dangerous."

Hindi ko hinayaang maikot niya ang seradura ng pinto.

"What do you mean dangerous?"

"Enough to get you hurt. Just don't." Anya sa seryosong boses. Natahimik ako sa sinabi niya pero hindi ko siya hinayaang umalis. "Wag ka munang umalis please.. Stay. Sabi mo nga delikado sa labas, hintayin mo nang sumilip man lang ang umaga para makasiguro."

Now I'm sitting on the sofa, Nassar is on the other one. He listened to me, he didn't say anything though.

Pero ang mahalaga naman ay nakinig siya dahil hindi ako mapalagay kung umalis siya pagkatapos ng nangyari. Bakit ba kasi siya naglalakad ng ganitong oras? Ang layo pa sa mansyon nila, to say that it's out of town. Nakakulong ang mga binti ko sa mga braso ko, nakapatong ang baba sa tuhod, sa pagitan ng braso at binti ko naman ay ang throw pillow na yakap ko rin.

Sinulyapan ko ang kasama ko na nakapikit, normal lamang siyang nakaupo roon at nakasandal, nakahalukipkip. But he's too good to be true. Hindi ako sanay na nasa malapit siya, lagi ko nalang siyang napupuri.

"I saw how you look at the woods." Napatingin na ako sa kanya pero nang makita na nakapikit siya ay pinokus ko nalang ang mga mata sa flower vase na nasa center table. "It's when you were stunned staring at those crows, you looked at the woods."

"Napagtuunan mo pa iyon ng pansin.." Nabahala ako saka napatikhim. Bigla kasi akong kinabahan na hindi ko maintindihan. Iyong feeling na nahuli ka na sa aktong ginawang kasalanan? Why am I feeling guilty here? "And you won't go in there. I saw how you wanted to go, you were scared and frightened at that moment but it didn't conceal the spark of curiousity and determination in you, I saw all of those in your eyes."

Napasinghap ako. "You know about the woods?"

"If you want to go just find me. I can go with you but not now of course. Just don't go alone."

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon