Six

341 17 1
                                    

Six

Binati ko si Papa ng makauwi at diretsong inihagis ang bag sa sala. Natigil ako sa paghakbang ng may narinig akong dumaing. Unti-unti akong lumingon at ang nahihiyang mata ni Papa ang sumalubong sa akin, inilingan niya ako, bigla siyang nahiya at humingi ng tawad sa aking likuran.

Kunot ang noo kong lumingon. Ganun na lamang ang paglaki ng mata ko ng makita kung sino ang nandito! Siya ang natamaan ng bag na hinagis ko? Nakasuot pa ang isang hawakan ng backpack sa ulo niya! Nanlumo ako sa ayos niya.

"S-Stephen?" Boses ko kaagad ang umlingaw-ngaw sa buong kabahayan habang hindi makapaniwala sa nakikita.

"M-Magkakilala kayo?" Tanong ng dalawang taong nasa tabi niya.

"No! I don't know her." Sagot ni Stephen. Napabusangot at napayuko ako sa harap nila. Pero, teka lang, anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito? At bakit kamo siya nandito? Kilala niya ba ako? Pero hindi e' kakasabi niya lang kanina na 'I don't know her'. Kaya?

My eyes drop on my father with a question in my eyes. Nilapitan niya ako at sapilitang tinulak sa harap nila. Napaatras ako ng bahagya habang hindi makaharap ng maayos sa kanila.

"Demy at Rubie, pasensya na, ugali niya lang talagang ihagis ang bag niya kapag dumarating sa bahay. Nakalimutan ko rin siyang abisuhan na darating kayo." Agad nakuha ni Stephen ang atensyon namin dahil sa biglaang pag ngisi nito. Nanuyo ang lalamunan ko habang tinitingnan siya.

"Naku wala 'yun" sagot nang Ginang. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ako nga pala si Tita Rubie, Mommy ako nitong batang ito..." ininguso niya kaagad sa akin ang tahimik na si Stephen at malapad na ngumiti. Ha? So ibig sabihin parents ni Stephen itong kaharap ko ngayon?

Kaagad na may namuong imahinasyon sa isip ko.

"Kailan ang kasal ng dalawang ito? Hindi na ako makapaghintay." Excited na saad ni Tita Rubie sa amin.

Bigla naman hinawakan ni Stephen ang kamay ko at napangiti. "Gusto ko ng maikasal sa kanya sa lalong madaling panahon!" seryoso tugon ni Stephen sa akin.

Hanggang sa hindi ko namalayan walang tigil na pala akong napapangiti dahil pinag-uusapan na nila ang petsa nang kasal namin.

Siniko ako ni Papa dahilan upang maibalik ako sa reyalidad. Napansin kong bigla silang natawa sa akin. Haist! Napatango na lang ako dahil sa hiya. Bakit ba kasi sa dami ng oras na pwede akong magday-dream, natapat pa ngayon sa harap nila.

Sunod na nagpapakilala sa akin ay ang Ginoo. Masigla niya akong hinigit at tiningnan ang kabuuan ng aking mukha. "Huli kitang nakita ay noong bata ka pa! Kamukhang kamukha mo talaga ang Mama mo. Ako si Tito Demy, magkaibigan kami ng Papa mo noong mga binata pa kami." Napangiti ako habang tumango sa kanya.

"Ako nga po pala si Sashi Bartolome." Pakilala ko naman sa kanila.

Masiglang lumapit sa akin si Tita at hinahaplos haplos ang buhok ko. "Ang haba ng buhok mo. Ang cute mo, ang positive ng energy mo. Gustong-gusto na kitang iuwi sa bahay."

"Po?" Pagtataka ko sa sinabi niya.

Nagkatinginan kami ni Papa at napakamot lamang siya ng ulo. Sandali ko silang sinulyapan at naupo silang tatlo sa sofa samantalang ako ay hinila ni Papa patungong kwarto. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makitang ligpit na ang mga gamit at nakahanda na rin ang mga maleta.

"Diba sinabihan kita na titira ka sa Tito mo Demy?" Napatango ako.

"Anak, napaaga kasi ang ayos ng visa ko at pinapa-punta na kaagad ako sa Canada ng Tito mo."

"Pa naman!"

"Pumunta sila dito para sunduin ka na, hindi ko na nasabi sayo dahil busy ako buong maghapon. Okay lang naman sayo ito diba?" Sandali akong natahimik at malungkot na napaupo ng kama.

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon