Forty Nine
After that day hindi ko na ulit nakita si Stephen. Tahimik akong naglalakad pauwi ng bahay ng biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan kung bakit humarurot ako ng takbo. Pagdating sa bahay, napansin ko agad si Rail sa couch na may malalim na iniisip.
Pabagsak kong nilapag ang aking bag sa couch at tinabihan siya.
"Haba ng mukha mo ah! May problema ka?" bati kong tanong sa kaniya. Tiningnan niya lang ako at nagmumukmok ulit.
"Anong nangyari sayo? May pinagdadaanan ka ba talaga?"
Nagpakawala na siya ng malalim na paghinga at tiningnan ako ng seryoso.
"M–Mukhang may nabuntis ako."
Nanlaki ang mata ko at hinampas siya. Sa galit at inis ko ay muntik ko ng hawakan ang buhok niya at sabunutan ng matigilan dahil bigla siyang tumawa ng malakas.
"Ito naman hindi na mabiro," natatawang usal niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at nilayasan. Dumiretso ako sa kwarto at tamad na humiga sa kama. Sandali ko munang pinikit ang aking mata ng marinig kong tumunog ang phone.
"Hello?" tamad kong sagot habang humihikab.
"Home?" Kumunot ang noo ko at tiningnan ang caller...unknown number.
"Sino to?" tanong ko kahit boses pa lang alam ko na kung sino.
"Stephen." Bumangon agad ako sa aking sa higaan. Oo nga pala, binigay ko nga pala ang number ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya nanatili lang akong tahimik.
Ilang sandali ay pumasok ang naka-wheelchair kong ama. "Magbihis ka na Sashi at kakain na tayo."
"Yes, Pa," tugon ko habang nasa linya pa rin siya.
"About what happened days ago," he sighed.
Napalunok ako at inunahan na siya sa sasabihin. "I know, I will just forget about it."
I heard him sigh deeply again. "H–Hindi iyan ang ibig kong sabihin."
"Then what?" Umayos ako ng upo at hinintay ang sasabihin niya but still he didn't give me an answer. Halata ang pag-aalangan sa kaniyang paghinga.
"Mom wants you and Tito to have dinner with us this weekend, same address and same house. Goodnight." And he hangs up.
Bakit ba ang hirap basahin ng lalaking 'to. He called me at magsasabi ng mga ganoong salita?!
Wala akong ganang lumabas ng kuwarto at dinaluhan sila Papa upang kumain. Tahimik ako buong hapunan at hindi nagsasalita. Nang matapos sa pagkain ay ako na agad ang nagpresentang magligpit.
After cleaning the dishes, naupo ako sa same spot tuwing nags-star gazing kami ni Papa.
Malungkot akong bumuntong-hininga ng wala man lang akong makitang star sa langit at naalalang umulan nga pala kanina.
"Malalim na naman ang iniisip mo. Iniisip mo ba ang trabaho?" Pukaw ni Papa ng katahimikan, tipid akong ngumiti at nilingon siya.
"W–Wala, Pa."
Inilapat ni Papa ang kamay niya sa aking balikat na wari'y sinasabi niyang kilala na niya ako. I sighed heavily and look at him carefully. Isinandal ko ang aking ulo sa wheelchair niya.
"S–Stephen is back again, Pa," pauna ko.
"Nagkita na kayo?" I smiled and nodded.
Marahan niyang hinaplos ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss | UNDER - REVISION |
Novela JuvenilLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...