Forty

352 18 6
                                    

Forty


Days went by so fast at ayoko mang umuwi pero wala na akong magagawa. Its our last night together at uuwi na ako bukas. Nakabili na rin ako ng mga pasalubong ko sa kanilang lahat at tapos na rin sa pag-iimpake.

Tahimik akong nahiga sa malambot niyang kama at nagpakawala ng malalim na paghinga. Pumasok na rin sa loob ng kuwarto si Stephen habang may towel na nakasabit sa batok niya.

"Uuwi na ako bukas," malungkot kong sabi.

Tiningnan niya lang ako at hinahanda na ang sarili sa pagtulog. Naupo na rin siya sa higaan at pinatay ang ilaw.

Parang ayoko pang umuwi. "Make sure to study hard," bilin niya. Tumango ako sa kawalan.

"Pero 'yong pagtawag ko sayo ah, sagutin mo," paalala ko.

"It would be nice if you study here like what we plan." Bulalas niya sa gitna ng aming katahimikan. Napasilip ako sa kaniya mula sa aking kama at nakita ko siyang seryosong nakatanaw lang sa kisame.

"But it didn't happen," dugtong niya.

Napa-ayos ako ng higa at huminga ng malalim. "If you want I can stay here, ta–"

"Nababaliw ka ba?! No!" asik niya sa akin.

Sumimangot ako. "Pero sabi mo kanina, mas okay if nandito ako?"

"I just say it out of the blue. Ikaw, don't make a decision na hindi mo pinag-iisipan. Paano ang Dad mo na nasa Pilipinas ngayon at hinihintay ka? Ano sasabihin mo sa kanya?"

"Pero–" bigla kong naramdaman ang galit niya dahil nagtalukbong siya ng kumot.

Unti-unti ng lumalalim ang gabi pero 'di pa rin ako dinadalaw ng antok. Sinubukan ko ulit sulyapan si Stephen na nasa sahig at nagbabakasakali na gising pa siya.

"Stephen?" tawag ko ng pangalan niya. Walang sumagot.

"Stephen!" tawag ko ulit.

"What?" Iritang sabi niya.

"I suddenly remember, noong unang araw ko dito. Nakita kitang nakayapak at walang jacket, hinahanap mo ba ako?"

Sandaling siyang natahimik at hindi nagsalita.

"Sinabi ba nila sayo?" Dugtong ko pa at wala na naman akong napalang sagot mula sa kanya.

"Matulog kana, maaga ka pa bukas." Taliwas ang sinabi niya sa gusto kong makuhang sagot.

Nag-ipon ulit ako ng lakas ng loob at nagsalita ulit.

"S–Stephen..." napalunok ako at hinanda ang sarili para sa susunod na sasabihin. "I know you are not good at expressing yourself to anyone. Kaya tatanungin kita, nagugustuhan mo na ba ako?" Nagtama ang tingin naming dalawa at napakabilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay ang magiging sagot niya.

Umiwas siya ng tingin at napabangon, nagulat ako ng bigla niyang pinitik ang noo ko.

"Stop dreaming, matulog ka na." Iyan lang ang sinabi niya at nahiga ulit. Dismayado akong bumalikwas sa higaan at inis na sinikap na matulog.

Haist! Ni wala sa isang tanong ko ang sinagot niya. Uuwi na ako bukas pero wala paring improvement sa aming dalawa. Halos anim na taon na akong habol ng habol at wala man lang nagiging bunga. Hindi ba niya iniisip na kaya rin ako nandito ay para makakuha ng malinaw na sagot para sa aming dalawa.

Lumipas na ang halos isang oras at hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pinasadahan ko ng tingin si Stephen na mahimbing ng natutulog.

Pati sa pagtulog niya, ang guwapo pa rin. Biglang nahagip ng mata ko ang cellphone niyang nakapatong sa mesa at agad nagsitaasan ang kilay ko dahil nagpasukang ideya.

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon