Nineteen
"Tin!" Tawag ko ng pangalan sa gate ng school, naghihintay sa akin.
Kumapit agad ako sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob.
"Kamusta weekend mo?" Inaantok niyang. Napaisip ako.
"Kamusta pala si Stephen...sayo, I mean?" Makahulugan niyang tanong.
"W-Wala! Maghapon lang naman 'yon nagkukulong sa kwarto niya at nagbasa. Pakiramdam ko nga hindi ko siya kasama sa bahay. Hindi kasi lumalabas." Nakabusangot kong sagot.
She hissed. "Ang hina mo naman, dapat ikaw na lang naghahatid ng pagkain sa kuwarto niya para nasisilayan mo man lang siya!"
Mas lalo akong nalugmok. "Ayaw! Kapag naririnig pa nga lang niya ang boses ko sa labas ng kwarto, hindi na ako pinagbubuksan ng pinto. Baka isipin pa 'non may lason ang dala kong pagkain. Kaya huwag na!"
Natuon sa iba ang usapan namin habang tinatahak namin ang room ng section-1, nang pareho kaming natigilan dahil hinarangan kami ng tatlong babae. Tiningnan namin sila sandali at nilihis ulit ang lakad nang bigla akong hawakan noong isa.
"Ikaw ba si Sashi?!" Matapang na tanong ng isa sa kanila. Nagkatinginan kami ni Tin at dahan-dahan tumango.
"Kayo ba ni Stephen ko?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wish ko lang na kami 'di ba?
"Para saan 'to?" Matapang na tanong ni Tin sa kanila. Base sa mga I.D's na nakasukbit, mukhang mga junior high pa lang ang mga 'to.
"Nagtatanong, bakit?!" Biglang naasiwa si Tin sa sagot nila. Kaya mas lalong nag-init ang ulo niyang minata ang tatlong babae.
"3rd year or junior high pa lang kayo pero kung makaasta kayo parang ga-graduate na kayo! Hindi niyo ba nakikitang ahead kami sa inyo? Marunong nga kayong gumalang!" Buwelta ni Tin at hinila ako.
"We were just asking... Anong masama sa ta–"
"Asking? Eh kung makahawak kayo sa braso ng kaibigan ko parang babalatan niyo na ng buhay. At isa pa ayusin ni'yo nga ang tono ng boses niyo!" Hinawakan ko sa kamay si Tin upang pakalmahin pero hindi pa rin nagpapaawat ang mga babae.
Natuon ulit sa akin ang mga tingin nila at masama akong tinitigan. Yung isa sa kanila ay naglabas ng phone at may pinakita sa akin.
Sino ang kumuha nito? Puwede ba akong magpa-shareit or bluetooth na lang?Lumapad ang ngiti ko at nangungusap ang mga matang tumingin sa kanilang tatlo. It's my picture with Stanley in the mall, nakaluhod siyang inaayos ang shoelace ko.
"Puwede bang pa-shareit n'yan?" Halos malaglag ang mga panga nila dahil sa tinuran ko, maging si Tin ay nanlulumo at bumulong.
"Pwede bang ilugar mo yang pagkaadik mo? Nakikipag-away ako rito oh." Bulong niya sa akin.
"Hindi naman ako ang kaaway, ikaw naman atsaka ang ganda ng kuha namin d'yan. Minsan lang ako makakakuha ng litrato na kasama siya, kaya...please" wala ng nagawa si Tin kung hindi ang bumigay sa gusto ko.
Lumapad ang ngiti kong tiningnan ang tatlong babaeng clueless sa harapan namin. Yeah! Baliw na kung baliw pero kailangan ko lang talaga yung picture na 'yan.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong namin." Mataray na usal nila. Lumapad ang ngiti ko at handa ng sagutin ang ibabato nilang tanong, magkaroon lang ng copy ng picture na 'yon!
"Kung kami ba ni Stephen? We were seatmate..." nakangiting sagot ko.
"Then paano nangyari ang nasa picture?"
BINABASA MO ANG
Love in Kiss | UNDER - REVISION |
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...