Fifty Four

318 16 5
                                    

Fifty Four


Maaga ako nagising kinabukasan dahil ayoko ng pumasok ng late. Paglabas ko ng aking kuwarto ay wala na akong nakitang bakas niya sa buong unit. 

Pumasok na sa siya?

Nagtungo ako sa refrigerator at nagsalin ng tubig ng may nakita akong maliit na note na nakadikit.

I will not be here for a week, I need to attend some meetings. Make sure to lock the door. -  Stephen

Malungkot akong naghanda sa pagpasok. Ibig sabihin wala akong Stephen for the whole week? Kaya ko ba 'yon? Sabagay, nakayanan ko nga ang ilang taong wala siya, ito pa kayang isang linggo lang.

Tamad akong pumasok sa office at walang ganang binati ang aking mga katrabaho. Lunch break ng nakatanggap ako ng tawag mula kay Tin at nangungulit na magkita  daw kami at dahil wala si Stephen sa bahay...pumayag na ako.

Maghapong mabilis na lumipas ang oras. Sa dami naming ginawa dahil sa pagsasaayos ng problema sa mga investor, halos hindi ko rin gaanong nakitang lumabas si Tito sa kaniyang opisina.

Hindi ko na mapigilang hilutin ang balikat ko dahil sa sobrang pagod. Sa lobby pa lang ng building ay nakita ko na agad ang nakaabang na kaibigan.

"Babe!" tawag ko sa kanya. Lumawak ang agad ang ngiti niya at sinalubong ako ng yakap.

Paglabas namin ng lobby, mabilis niyang binuksan ang kaniyang kotse at umikot sa driver seat kaya sumunod na rin ako at umupo sa tabi niya.

"Saan tayo?" nakangiting tanong ko.

"Somewhere quiet." Agad nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Himala 'yata at gusto mo ng tahimik ngayon? Anong meron?" tanong ko.

"G–Gusto lang kitang kausapin ng masinsinan. Sa tinutuluyan mo kaya?" suhestiyon niya pa.

Nag-alangan pa akong umayon sa sinabi niya pero dahil naalala kong kailangan ko nga palang mag-grocery at may sasakyan siya, pumayag na ako. Nakatipid pa ako sa pamasahe, I smiled.

"Mukhang seryoso ang usapan natin ah." Bulong ko habang hinihila ang cart. Dampot at kuha lang ng mga kailangan sa unit ang ginawa ko. Nang matapos ay nagbayad lang ako at binitbit ang pinamili namin sa sasakyan niya.

Habang nagmamaneho bigla niya akong tinanong. "Hindi ba magagalit si Stephen kung sa unit niya tayo magkalat?" Nagkibit-balikat ako, hindi ko rin alam, pero dahil wala naman siya baka hindi naman?

"So how was your first night together?" Nanlaki agad ang mata ko sa paunang tanong niya.

"You sounded like na parang may nangyari sa amin."

Ngumisi siya at mapanukso akong tiningnan.

"Ang hina naman pala ni Stephen kung ganoon?" Natatawang usal niya.

Umiling ako at hindi na siya pinakinggan sa pangaasar niya.

"Nga pala ang lakas kong magyaya sa condo unit niya, nand'yan ba siya?" tanong niya sa akin.

Malungkot akong huminga ng malalim at umiling. "Kaya naman pala ganyan ang mukha mo, wala pala siya diyan! Nasaan pala siya?"

"Business trip."

Hindi nagtagal, nakarating na nga kami sa parking lot ng tower. Isa-isa kaming nagbitbit ng mga supot ng grocery at nagdaldalan habang pumapasok sa loob ng unit. Tinulungan muna ako ni Tin ayusin ang mga pinamili atsaka hinanda ang sala sa gagawin naming pag-uusap.

Nagtataka ko siyang pinagmamasdan habang naglalabas na siya ng in-can beer. Pinagbuksan niya rin ako ng beer at sapilitang pinaupo sa coach. Nagtataka na ako sa kinikilos niya–gaano ba kaseryoso ang paguusapan namin?

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon