Twenty One

303 18 8
                                    

Twenty One


Sashi Bartolome POV

Maaga ako nagising kinabukasan at dahil katabi ko si Tita matulog, hindi na ako nahirapan pang magpaalam. Medyo maaliwalas na rin ang panahon.

"Tawagan mo ko kapag nakarating ka na doon ah." Paalala niya sa akin. Tumango at ngumiti ako atsaka tuluyan ng umalis ng bahay. Alas-otso pa lang ng umaga kaya hindi ko pa nasisilayan si Stephen ng umalis ako. Panigurado ay tanghali na naman magigising iyon.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga ng maalala ko ang usapan namin ni Tita kagabi.

"Totoo ba ang sinabi ni Stephen kanina?" Unti-unti ng tumigil ang kulog at alam kong dina-divert niya lang ang isip ko sa dahil sa takot na nararamdaman.

Natahimik ako at dahan-dahang tumango. Nakitaan ko si Tita ng ngiti habang nagpapakawala ng malalim na paghinga.

"Bigla akong naawa sayo, Sashi, sa totoo lang, hindi ko alam kung marunong bang magmahal ang batang 'yon. Ni minsan hindi ko nakitaan na nagkaroon siya ng interes sa mga babae, tanging libro lang ang kaharap niya pero isang mabait na bata si Stephen. Naalala ko noon kung paano niya tinulungan ang Lola na tumawid sa kalsada, muntik na rin siyang maaksidente dahil niligtas niya ang batang babaeng patawid. Isa iyon sa gusto kong katangian niya na hindi nakikita ng iba. Stephen is such a kind guy at takot siyang ipakita ang mga katangiang 'yon sa mga tao." Napangiti ako habang nakikinig sa sinasabi ni Tita. Mukhang hindi ako nagkamali ng taong minahal.

"He's also a very generous son to us, lahat ng sinasabi ng Dad niya na gawin ay ginagawa niya. Minsan natatakot na ako sa pagiging masunurin niya sa amin. Dahil baka nagse-set na pala kami ng expectation na dapat maabot niya. Minsan napapaisip ako na baka kaya mahilig magbasa ng libro si Stephen ay dahil ito ang gusto ng Dad niya, na maging model person siya sa ibang tao at sa amin. We didn't even know kung gusto niya ba ang buhay na binibigay namin." Tumingin sa akin si Tita at malamyos na ngumiti. "Pero nagiba lahat ng action niya simula ng dumating ka." May kung ano sa sinabi ni Tita na nakapukaw ng atensyon ko.

"You were a happy person, jolly and I can feel na lahat ng taong nakapalibot sayo ay napapasaya mo na taliwas sa kanya. Stephen manage to just sit back in the corner na kahit hindi magsalita maghapon ay kaya niya pero iba ka. I can feel that this house became so enjoyable and bright simula ng dumating ka. Even Stanley is so fond of you." Biglang natunaw ang takot sa dibdib ko at napapaluha sa mga sinasabi ni Tita.

"Stanley po?" Hindi makapaniwala na tanong ko.

"Oo. Did you know na sa tuwing umuwi siya ikaw agad ang hinahanap niya? Natutuwa siyang inaasar ka, kasi hindi niya naman naranasan 'yon noong wala ka. Dati kapag dumating sila galing school, diretso agad ang mga 'yon sa kanilang kuwarto at gabi mo na lumalabas kapag kakain lang. And sometimes napapaisip ako kung bakit ganoon ang mga anak ko? Bakit parang iba sila sa mga nakikita kong naglalaro sa playground. Mali ba ang pagpapalaki ko? Pero noong dumating ka, Stephen manage to smile habang nakatingin sayo, Stanley became so playful.

"Tita..." naiiyak akong mahigpit siyang niyakap.

"Kaya ikaw kung nahihirapan ka sa paghandle sa mga anak ko...just let me know. Ako ang magagalit sa kanila." Natawa ako sa tono ng boses niya.

"If gusto mo si Stephen, I promise you a hundred percent na susuportahan kita. But please promise me one more thing..."

"Ano po 'yon?"

"He may be push and hurt you intentionally, can you promise me na hindi mo siya susukuan? Palagi ka lang nasa tabi niya." Mabilis pa sa segundo akong tumango sa sinabi ni Tita.

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon