Thirty Two
Days passed at palagi na akong iniiwasan ni Stephen na para bang hindi na ako nag-eexist. Parang bumalik kami sa dati, noong hindi niya pa ako kilala. Wala akong magawa dahil ito naman ang gusto ko. Napapansin na rin ng mga tao sa bahay ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
Bukas na siya aalis ng bansa at naririnig ko ang kulitan nilang dalawa ni Stanley sa kabilang kwarto. Tahimik akong umupo sa balkonahe at hinayaan na dumampi ang malamig na hangin sa balat ko. Hindi nagtagal ay may narinig akong katok aking kwarto, paglingon ko, si Tita pala. May dala siyang hot chocolate.
"Thank you, Ta." I smiled at her.
"Akala ko nag-aaral ka since 4th grading exam niyo na ngayong week." Ngumiti lang ako sa harap niya.
"As if naman Ta na nag-aaral ako." Biro ko na nagpahalakhak sa kaniya. Tinabihan niya ako sa balkonane at ngumiti.
"Kamusta ka naman?" Out of the blue niyang tanong sa akin.
Tipid akong napangiti at nagpakawala ng malalim na paghinga. "Okay naman po." simpleng sagot ko.
"Nakapag-impake ka na ba?" Agad kumunot ang noo ko sa tanong ni Tita.
Malungkot siyang ngumiti sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Sinabi na sa akin ni Tito mo, makakaasa ka na hindi ko sasabihin kay Stephen 'yan. At ayaw na rin naming pangunahan ang desisyon mo at mas kailangan ka talaga ng Papa mo ngayon. Nakausap mo na ba siya?" Tumango ako.
"Mabuti naman. Noong nalaman ko 'yon ay halos hindi ako makatulog. Kaya pala ganoon ka nung gabing basa ka sa ulan. Hindi ko lubos maisip na nakayanan mo iyon." Tipid kong nginitian si Tita at napatingin na sa paligid.
"Sinabi mo ba ang totoong rason mo kay Stephen?" Hindi ako makasagot.
"Huwag mo na lang gaanong isipin si Stephen. Kami na lang ang bahala sa kanya. Mas isipin mo ang Papa mo." Niyakap ko siya ng mahigpit, gumaan ang lalo ang loob ko dahil sa sinasabi niya.
"Huwag mo kaming kalimutan kapag natuloy ka sa Canada at doon nag-aral. At nga pala kinausap kami ni Stephen." Natigilan ako sa sinabi niya. "Mukhang desidido talaga siyang isama ka sa U.S. He wants us to sponsor your studies there, kung okay lang sayo at sa Papa mo? P'wede'ng kami na lang ang magpaaral sayo." Agad nag-iba ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya at alam kong napansin niya 'yon.
"Or p'wede rin naman na utangin mo na lang muna at babayaran mo na lang ako kapag–" Hindi na natuloy pa ni Tita ang sasabihin niya dahil malungkot na akong nagpakawala ng malalim na paghinga."Tita, huwag na po. Kung mag-aaral man po ako o hindi, nasa amin na po iyon ni Papa. Tama na po yung naitulong niyo sa amin, inalagaan at pinatira niyo ako rito sa bahay niyo at binigyan mo ko ng magandang kuwarto, para sa akin sobra na po lahat. Ayoko na pong madagdagan pa ang utang na loob namin sa inyo."
"P–Pero S–Sashi." naluluhang usal niya sa akin. I smiled at her weakly.
"Kaya na po namin, Tita. Wala na po kayong dapat ipag-alala." Nakangiting sambit ko.
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa, nararamdaman ko ang kagustuhan ni Tita na manatili lang ako kasama but because of our circumstances, alam niyang wala na rin siyang magagawa.
"Actually, Tita, natatakot din talaga akong sumama kay Stephen. Naisip ko, paano kung nagkamali ako at he needs to decide between me and his future or dreams and it ended up na ako ang piliin niya." Ngumisi ako at natawa sa sinabi "Kahit malabo naman na ako ang piliin niya."Tita smiled.
"Pero paano nga? I just never imagine him regretting his decision dahil mas pinili niya ako. For me a man like him felt a too good for me, hindi ko siya deserve at aminado akong kahit binigyan man ako ng konting talino ay hindi pa rin ako magiging sapat para sa kanya."
Biglang hinagod ni Tita ang akong likod at napatingin sa kalangitan.
"Sometimes iha, hindi natin nagiging deserve ang mga taong mahal natin is not because you are not worthy of him...it's because he's not worthy of you." Nagtama ang tingin namin at malungkot siyang tumingin sa akin.
"Mukhang hindi mangyayari ang mga na-predict ko. If ever na hindi kayo ang magkakatuluyan ng anak ko, always remember that you are always part of this family, and you will be." I smile at pinatong ang aking ulo sa balikat niya.
"Halika na, mag-ayos ka na rin. Hindi ba bukas ka na rin lilipat ng bahay?" Tumango lang ako at sinunod na ang sinabi ni Tita. Nag-impake na rin ako ng mga gamit ngunit sinigurado muna naming naka-lock ang pinto upang hindi makahalata sila Stephen na nasa kabilang kwarto lang.
Pasado alas-onse na ng gabi ng matapos kami ni Tita sa pag-aayos. "Mamimiss ko kayo rito, una si Stephen and now you. Si Stanley nalang makakasama ko rito." Malungkot na sabi niya.
"Huwag po kayong mag-alala, Ta, dadalawin ko pa rin naman kayo." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Sige sinabi mo 'yan ah." Nauna na siyang nagpaalam sa akin at maaga pa raw siya bukas. Tiinabi ko lang sandali ang maleta at ipinasok sa closet bago tuluyang pinatay ang ilaw.
Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa madilim na kisame. Sinilip ko ang balkonahe at napansin kong bukas pa ang ilaw ng kwarto ni Stephen.
Naglakas loob akong lumabas ng aking balkonahe at tumawid sa balkonahe niya. Pagsilip ko sa loob ay payapa na siyang natutulog. Mukhang nakalimutan niya lang patayin ang ilaw ng kwarto niya. Dahan-dahan ang pagbubukas ko ng door window at nang makapasok ay halos pigil ang paghinga ko upang hindi makagawa ng ingay.
Naupo ako sa upuan. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto niya. May mga malalaking maleta na sa paligid. Nakapatong pa sa mesa ang passport at plain ticket niya. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at tahimik siyang payapang tinitigan. Nanatili ako sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago naglakas loob na lumapit at titigan siya ng malapitan.
You are so perfect, Stephen.
Napangiti ako at dahan-dahang idinampi ang aking kamay sa kabuuan ng kaniyang mukha. Even when he's sleeping, napaka-gwapo niya. I can't imagine myself waking up in the morning kung itong mukha niya agad ang bubungad sa akin, ang perfect siguro 'non. Umaga palang buo na ang araw ko.
I automatically close my eyes at unti-unting lumapit sa kanya. And I knew for sure na magnanakaw lang ako ng huling halik sa aking prinsipe na napakatagal kong hinabol for 4 years.
Nang maglapat ang labi namin ay naramdaman kong biglang pumatak ang luha sa mata ko.
4 years ago, I met you.
For 3 years, I followed your daily activities in school.
2 years, I am still that woman who fell in love with you at first sight. You became my ideal man, my prince charming. And I know that everyday, I am still loving and admiring you more and more.
And 1 year ago, I gave you my confession love letter and you turned it down in the most hurtful way possible. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. And my love finally reaches you, you of all people became my deskmate, my tutor, my daily medicine and my heart still beats so fast with you.
And now that you are leaving me and I am leaving you. Will my heart still be with you? Will destiny be with us if ever we meet again?
Will this heart of mine still beats for you? O magiging isa ka na lang parte ng kabataan ko?
My first love, my first kiss and my youth, you are all of it.
Pinatay ko na ang ilaw ng kaniyang kwarto at malungkot na umalis. Sa huling sandali ay biglang nag-unahan ang luha sa mata ko bago tuluyang pinikit ang mata at magpalamon sa gabi.
That day, Stephen really went to the U.S without me.
![](https://img.wattpad.com/cover/185490314-288-k709481.jpg)
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...