Sixty Six
Paggising kinabukasan, nanghiram agad ako ng corporate attire kay Tin at nagpaalam ng maayos. Sinabihan ko na lang siyang tawagan ako kung may kailangan or kung may emergency.
Nagmamadali akong pumasok sa opisina at umupo sa aking swivel chair. Nilapitan agad ako ni Pen.
"Absent ka ulit kahapon, why?" bungad niyang tanong.
Wala na 'yata silang ibang pinag-uusapan dito kung hindi ang buhay naming dalawa.
Hinihingal ko siyang sinagot. "May emergency lang." tugon ko at napa-hilot sa aking paa. I bit my lower lips upang itago ang pagka-uncomfortable ko sa suot na sapatos. Ang taas ng mga heels ni Tin, ni hindi ako sanay sa mga ganito. Halos madapa ako kanina habang naglalakad. Sinilip ko sandali si Stephen na nakatutok agad sa kaniyang computer.
Ang aga niya naman mag-trabaho. I pouted.
Isang araw ko siyang hindi nakita kahapon, bakit parang ang guwapo na naman niya ngayon. I miss him. Nakasimangot akong umupo ng maayos habang mapang-asar nila akong pinapaulanan ng tingin.
"Miss him?" asar nila.
Hindi ko sila kinibo at napailing na lang. Hindi nagtagal, narinig ko na lang ang mga halakhakan nila sa paligid ko. I hissed all of them in my mind. "Mabuti na lang at araw-araw naming nasisilayan si Sir," sabat ng isa.
Psh. Kasama ko nga 'yan sa bahay, katabi pa matulog at tagabili ko pa ng napkin. See? Pinili kong manahimik habang tuloy-tuloy lang ang panunukso nila.
"Wala 'yatang araw na hindi gwapo si Sir." ani pa ng medyo matanda ng staffs.
Sinamaan ko sila ng tingin lahat. "Sige lang, pagpantasyahan niyo lang. Ako pa rin naman ang nagwagi," bawi ko.
Sinamaan nila ako ng tingin at nagbalikan na sa kanilang mga trabaho. Binuksan ko ang computer at sinimulan ang trabahong tinambak nila sa aking mesa mula pa kahapon.
Bago nagsimula sa trabaho ay kumuha muna ako ng maiinom sa pantry. Hindi nagtagal, nakatanggap ako ng text mula kay Stephen.
Stephen: Come here.
Sinilip ko muna siya sa pagitan ng cubicle at nahuli ang mapanuri nyang titig sa akin. Nahuli pa nga ako!
Sinuot ko ang sapatos at pumasok sa kaniyang opisina. Pinaupo niya ako sa upuan at seryoso akong tiningnan.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" Walang emosyong tanong niya habang nagbubuklat ng mga papeles.
Tumango ako. "What happened? Okay na ba si Tin?" Agad niyang naagaw ang atensyon ko. Pinatawag niya lang ba ako para lang tanungin ang nangyari kahapon?
"Okay naman siya." Mabilis gumapang ang tingin ko sa paligid at sinilip ang reaksyon ng mga tao. Pakiramdam ko pinag-uusapan na naman nila kami rito.
"Sashi." Tawag niya sa akin.
"Uhm?" Itinigil na niya ang pagbuklat ng papeles at seryoso akong tiningnan.
"Starting next week, I will not be coming here anymore."
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Huh? Bakit?" lito kong tanong.
"Hindi pa ito alam ng mga employee at ikaw pa lang ang una kong sinasabihan. I need to pursue my medicine degree. Pumayag na rin si Dad dahil medyo stable na rin ang kumpanya." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang naiwan sa ere ang lahat habang ang mga mata ko ay nakatutok lang sa seryoso niyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss | UNDER - REVISION |
Novela JuvenilLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...