Thirty One

334 23 8
                                    

Thirty One

Kinaumagahan, nagising akong maayos na ang pakiramdam. Maaga ako umalis ng bahay dahil iniiwasan ko si Stephen na makita at makasabay.

Hangga't maari ay gusto kong sanayin ang sarili kong hindi siya nakikita. I want to test myself.

Si Papa ay wala pa ring malay sa hospital. Natatakot na ako, hindi ko na alam kung paano ko ilulugar ang sarili ko sa pag-alala kay Papa. Nakakahalata na rin sila sa bahay dahil sa pananamlay ko at pagpayat.

Linggo ngayon at ilang araw na lang ay aalis na si Stephen. Wala akong lakas upang silipin siyang nag-iimpake ng kaniyang gamit sa dahil masasaktan lang ako. Napasandal ako sa kama at sinisimulang kagatin ang aking daliri dahil sa lalim ng iniisip.

Hindi nagtagal ay tumunog ang aking cellphone at mabilis ang sagot ng makita ang pangalan ni Tito sa caller.

"T–Tito, kamusta na po si Papa?" Nagaalalang bungad ko sa kaniya.

"Sashi, gising na ang Papa mo...ngayon lang. Wala ka ng dapat ipag-alala." Para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang hindi umiyak dahil sa nalaman.

"Ano po'ng sabi niya? Pakisabi na lang po na huwag akong gaanong intindihin at pupunta po ako riyan." Nakangiting sabi ko.

"Oo sasabihin ko, pero hindi ko pa siya gaanong nakakausap ngayon at tinitingnan pa siya ng mga Doctor.".

"S–Sige po, salamat Tito." Sobra ang pagpapasalamat ko kay Tito, after that call ay pinatay na rin agad niya ang tawag kaya naging pagkakataon ko 'yon upang ibalita kay Tin ang magandang balita. Katulad ko, nakahinga rin siya ng maluwag dahil sa magandang balita.

Agad akong nagpapasalamat sa panginoon dahil sa magandang balitang binigay niya.

Sobra ang kaluwagang na nararamdaman ng puso ko. I smile widely in relief dahil sa wakas ay maayos na ang lagay ni Papa.

Hindi nagtagal ay napangiti ako ng narinig ko ang harutan nila sa kabilang kwarto, mukhang nagbibilin si Tita kay Stephen at si Stephen ay wala lang paki-alam, naririnig ko rin ang boses ni Stanley sa loob.

Lumabas muna ako ng kwarto at tahimik na umupo sa pool area at pinagmasdan ang nag-kikislapang bituin. Hindi nagtagal ay tinabihan ako ni Tito at binigyan ng maiinom,

"Mag-isa ka yata, hindi mo sila tutulungan?" Pukaw na tanong niya sa akin.

"H–Hindi na po." Malungkot kong sagot.

Malapad na ngumiti si Tito at humarap sa akin.

"Mabuti na lang talaga at nagkita ulit kami ng Papa mo. Naku kung hindi? Hindi talaga kita makakasama ng ganito. May napupusuan ka na bang kurso kung nakapasa ka sa college entrance exam sa U.S?" Agad akong natigilan sa tanong ni Tito at natahimik.

Hindi mapalagay ang mga mata ko at namamawis na rin ang aking kamay. Pakiramdam ko kailangan kong magsabi kay Tito. Napapikit ako at nagpakawala ng malalim na paghinga.

"Actually Tito, mukhang malabo na po akong makasunod kay Stephen sa U.S." Agad kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Huh? Akala ko ba siguradong ka na?"

Sinimulan ko na namang kagatin ang aking kuko dahil sa namumuong kaba, hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin kay Tito ang lahat, pero kailangan kong gawin dahil may karapatan siya at medyo naging maayos na rin naman ang lagay ni Papa. So I think it's the best time to say this.

"K–Kailangan p–po kasi ako ni Papa ngayon." Napa-pikit ako at huminga ng malalim.

Mapanuri akong tiningnan ni Tito bago nagsalita. "Bakit anong nangyari kay–" napatigil si Tito sa pagsasalita nang bigla niya akong nakitang umiiyak sa harapan niya.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon