Twenty Six
Tahimik akong bumaba ng hagdan, sobrang late na ako nakakain dahil sa galit ni Papa sa kabilang linya. Punong-puno ng pag-aalala si Tita ng salubungin ako kanina.
Tahimik akong kumuha ng pagkain at kumain. Hating gabi na ng bumaba ako upang kumain.
Muntik pa akong mabilaukan dahil sa pagsulpot ni Stephen sa harap ko. Wala siyang emosyong minata ako at hindi nagsalita. Dire-diretso ang bukas niya ng refrigerator at nagsalin ng tubig.Naubo ako ngunit ininom niya lang ang sinalin niya at hindi man lang ako binigyan. Halatang galit pa rin siya dahil sa nangyari kanina. Sabagay, sino ba naman ang hindi magagalit, hindi ko siya nireplayan at late pa ako umuwi ng bahay!
Nang medyo nahimasmasan ay pinanood ko na lang siyang naglakad sa aking likuran. Mabilis akong kumuha ng tubig at uminom.
"S–Stephen." Tawag ko sa kaniya.
Huminto siya pero hindi niya ako nilingon.
"S–Sorry k–kanina." Nahihiya kong sabi at aalis na sana siya nang bigla ulit akong magsalita.
Napapikit mata ako at nilunok ang pride. Gusto kong tanungin kung sino ang kasama niya kanina.
"S–Sino yung kasama mo kanina?"
Hindi siya nagsalita. Unti-unti kong minulat ang aking mata at nahuli ko siyang nakapamulsa ng nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.
"Kasama?" Nahihiya akong tumango.
"Viviore?" He said. Viviore pala ang pangalan niya? At pangalan pa lang wala na akong panama.
Nakasimangot akong yumuko. Naramdaman ko ang paglapit niya at kakaiba akong tiningnan. "Is this the reason why you're late?!" Agad akong umilin at nagtago sa mga mata niya.
"H-Hindi no!" Defensive kong sagot.
"Then, why?"
Napa-atras ako ng bahagya at umiwas ng tingin. "B–Baka kasi kapag pumasok ako at makita niya akong kasama ka sa bahay 'eh malaman ng buong school na magkasama tayo? Hindi ba isa iyon sa sinabi mo sa akin, yung dapat walang makakaalam na magkasama tayo?" Sagot ko.
"S–So it means, kanina ka pa sa labas ng bahay at dahil d'yan kaya ayaw mo pumasok." Mas lalo akong napasimangot at tumango.
Nang inangat ko ang mga mata ko ay isang hissed lang ang narinig ko sa kanya at tuluyan na akong iniwan. Tingnan mo itong lalaking 'to.
"Make sure that you turn off all the lights." Huli niyang bilin bago umakyat sa kanyang kuwarto. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at umupo. Sinikap kong ubusin ang natitirang pagkain at natigilan sa biglang pag-upo ni Stephen ulit sa harap ko.
May inilapag siyang limang libro na pinagtatakhan ko.
Pagbasa ko kung ano 'yon ay kaagad nagtama ang mga mata namin.
"College Entrance Exam Book Reviewer"
"Para saan 'to?" Clueless kong tanong sa kanya.
"It's your reviewer for the exam na gagawin mo sa U.S. Make sure na babasahin mo 'yan at the end of our third periodical test." Natameme ako sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya na isasama niya ako sa U.S?
"And by the way, your exam earlier, did you think you passed?" Dahan-dahan akong napatango at agad na may namuong ngiti sa kanyang labi.
"Then, good!" Huli niyang sabi at tuluyan na talagang umakyat sa kanyang kuwarto.
Naiwan akong nakatulala sa librong binigay niya at uminom ng tubig. Hindi ko pa pala nasasabi kahit kanino ang balak kong pagsama kay Stephen sa U.S para mag-aral. Nakaramdam ako ng kaba kung paano ko 'yon sasabihin lalo na kay Papa dahil alam kong mas mahihirapan siya sa gastusin.
![](https://img.wattpad.com/cover/185490314-288-k709481.jpg)
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...