Eleven
You know what is the best part when you're in love? Even if he treats you like trash, you can still see him as a God that falls down from heaven. Ilang beses kong pinagsabihan ang sarili ko ng gabing 'yon, pero wala! Sa tuwing napapatingin ako sa litrato niya sa aking phone ay nawawala na naman ang galit ko, natutunaw na naman ako and I hate myself for being vulnerable when it comes to him.
Hindi ko na pinapunta sila Tin dito dahil ayokong mag-cause ng problema sa kaniya. Kahit na pahamak ako, ayoko namang ilagay siya sa alanganin.
Nairaos ko ang bawat oras sa pagmumukmok at nag-focus sa assignment na hindi ko maintindihan. Ang ending, nakatulog lang ako ng walang natatapos.
Pag-gising kinaumagahan, masigla agad ang bati ni Tita sa akin, medyo bumabalik na ang sigla ko at sinaluhan sila sa pagkain.
Linggo ngayon at palihim akong napa-pasulyap kay Stephen na nasa harap ko. Palihim rin ang pinapakita kong ngiti habang hindi makapaniwala na nakikita ko siya sa araw ng linggo.
Nahagip ng tingin ko si Stanley na masama ang tingin sa akin.
"Are you dreaming again?" Tanong niya, umiling ako at namula.
Inismiran niya lang ako at sinabihang "Stupid".
Napabusangot akong bumalik sa pagkain at sumulyap ulit kay Stephen ngunit, nahuli niya ako dahilan kung bakit ako nabilaukan. Nakakahiya naman talaga!
Agad nataranta si Tita at inabutan ako ng tubig. Nang makabawi, agad kong napansin ang inis na titig ni Stephen sa akin."Stupid!" He hissed. Hindi nakatakas 'yon kay Tita kaya agad siyang nakatanggap ng hampas mula rito. I smiled when I looked at them.
"Nga pala Sashi, natapos mo ba kagabi yung assignment mo?" Napasimangot akong umiling-iling."Why? Mahirap ba?" Dugtong niyang tanong, hindi ako nagsalita.
"Stephen! Turuan mo kaya si Sashi." Kaagad akong tumanggi sa sinabi ni Tita at awkward na tumingin kay Stephen.
"Hindi na po, Ta, kaya ko na po 'yun."
"Wala akong oras na turuan ang mga babaeng tulad niya. At narinig niyo naman, kaya niya daw!" Walang pusong usal niya. Naikuyom ko ang kamay dahil sa inis.
"As if din naman magpapaturo ako sayo." Sabat ko.
"Then good. For your information, I am not a kind of person na sasayangin ang oras sa walang alam na tao." Nagpantig ang tenga ko at masama siyang tiningnan. Bahala ka sa kung anong gusto mong sabihin!
After kumain ay unang lumabas si Stanley at Tito sa dining area, mukhang magsu-swimming sila sa pool.Nang magtama ang tingin namin ni Stephen, kinunutan niya agad ako noo. "Are you happy? Finally, you can now see me...naked!" Sarkastikong saad niya. Kaagad nagsi-akyatan ang dugo sa aking mukha dahil sa tinuran niya.
Dahan-dahan akong napalunok. "H-Hindi ko t-titingnan yang ka-ka–"
"Ka? What? Boses mo palang...halata ka na." Pang-aasar pa niya lalo at tuluyan ng nag-martsa patungong pool area. Naiwan akong nakanganga roon at nagsimulang mag-imagine.
Dali-dali ang akyat ko sa kwarto at naghanap ng swimsuit, kaagad may namuong ngiti sa isip at labi ko ng isuot 'yon. Ang palagi kong nakataling buhok ay nilugay ko, naglagay rin ako ng makeup sa mukha at nang pagmasdan ang hubog ng aking katawan sa salamin ay walang humpay ang binibitawan kong ngiti.
Pababa pa lamang ng hagdan ay kitang-kita na ang mangha sa mukha ni Tita habang binibigyan ako ngiti.
At noong tuluyan ng maka-apak ang paa ko sa pool area. I walk with fierce, habang hinahangin ang buhok, unang tumingin si Stanley na halos hindi na maisara ang bibig. Si Tito na halos mapudpod ang salamin kakalinis and lastly, ang umiinom ng juice si Stephen ay tuluyang namangha ng makita ako. Nakatanggap siya ng kindat sa akin. I walk with confidence and suddenly ang pinaka-masaklap, bigla akong nadulas at doon natatapos ang aking imahinasyon.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss | UNDER - REVISION |
Roman pour AdolescentsLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...