Sixty Two

338 19 3
                                    

Sixty Two

Nagising ako na parang tinutusok ng karayom ang aking ulo. Halos gumapang ako palabas ng kuwarto dahil sa hilo. Nadatnan ko siya sa couch na nagbabasa.

"M—Morning, Stephen." Ngumiti pa rin ako kahit nahihirapan na.

Tiningnan niya ako na wari'y may nagawa akong kasalanan sa kaniya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang tumayo at walang emosyon na nagtungo sa kusina. Pagbalik niya ay inalalayan niya akong tumayo at inupo sa couch. Inabot niya sa akin ang ginawa niyang inumin para sa hangover ko. Tipid akong palihim na napangiti dahil sa ginawa niya.

Umupo siya ulit sa couch at bumalik sa pagbabasa. Sinilip ko siya habang umiinom.

"No more alcohol next time," mariin sambit niya habang nakatutok sa binabasa. Napasimangot ako at umiwas ng tingin.

"M—May ginawa ba ako sa 'yo kagabi?" naiilang kong tanong. Mas lalong tumalim ang titig niya at dismayadong umiling.

"Wala kang maalala?" I pursed my lips.

Patay na! Mukhang may nagawa nga ako. Hindi ko naman siguro siya nahalay kagabi? Wait! My clothes!

Nakahinga ako ng maluwag ng mapansing same clothes pa rin naman ang suot ko.

Sila Rick ang may kasalanan nito, wala naman akong balak uminom ng ganoon karami pero dahil sa kanila, napasubo ako. Haist!

Paubos na ang iniinom ko nang bigla siyang tumayo.

"I will be on a business trip for 3 days," he said, informing me. Agad akong lumingon sa kanya.

"3 days?" ulit kong tanong. Tumango siya at tumayo sa tabi ko.

Malungkot ko siyang pinagmasdan habang pumapasok sa kanyang kwarto. Tatlong araw na naman pala akong mag-isa dito.

Makaraan ang ilang minuto ay pareho na kaming nakabihis para sabay na pumasok sa office. Sabay kaming bumaba sa lobby ng condo at medyo masama pa rin talaga ang timpla ng tiyan ko dahil sa alak.

"Are you okay?" tanong niya sa akin. Tinanguan ko lang siya at sumandal sa elevator. Napalunok ako habang nakahawak sa aking tiyan.

Walang salitang lumapit siya sa akin af hinawakan ang tiyan ko, he pressed something to it, it's like he's feeling something from it. Sunod niya ring hinawakan ang aking palapulsuhan at chineck ang pulso ko. Nagtataka ako sa kinikilos niya.

"Do you want to go to hospital?" Nag-aalala na tanong niya habang nakatingin sa kaniyang wristwatch.

"Huwag na sa hangover lang naman 'to," sagot ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Next time, hindi na kita papayagan na makipagkita sa kanila kung ganito ang nangyayari sayo kinabukasan."

Sinimangutan ko lang siya at hindi nagsalita. Ilang beses na rin akong pinagsabihan nila Papa about rito. At ilang beses na rin akong nangako na laging napapako. I sighed.

He made sure to intertwine our hands so he could guide me through the parking lot.

Maging sa pagpasok ng kotse ay nakaalalay siya sa akin. Pag-upo niya sa tabi ko ay inuna niya pa na ikabit ang aking seatbelt bago ang kaniya. I never thought that Stephen will be this caring when he's with me.

Ang bilis ng pintig ng aking puso at hindi namamalayang unti-unti na rin pala akong lumalapit sa kaniya. I kissed him and whispered. "Love you." Natigilan siya at nanuyang tinitigan ako.

"You been saying that all the night at pati rin ba ngayon?" kumunot ang noo ko. Saying all all that night? Did he mean, noong lasing ako? Teka, sinasabi ko na nga ba at may ginawa talaga ako kagabi!

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon