Sixty Three

346 22 2
                                    

Sixty Three

Pagod akong umuwi ng bahay. Hinatid ko lang si Tin sa office niya at nagdesisyon na rin akong umuwi. Mukhang bumabalik ang sakit ng tiyan ko. Humiga ako sa couch at tiniis ang sakit.

Period days ko na ba? Kinuha ko ang phone at tiningnan ang calendar. Hindi nga ako nagkamali, paparating na nga!

Pinilit kong itulog ang sakit ng aking puson at tiyan. Nagising na lang ako sa vibration na naramdaman. Hindi na ako nag-abalang silipin kung sino 'yon at sinagot na lang ang tawag.

"Hmmm," bungad ko.

"What's up, cous? Miss na kita! Kailan mo ko lilibre?" masiglang bungad niya sa kabilang linya.

"Huh? Inaantok pa ako Rail, sa susunod ka na tumawag."

Mukhang nahalata niya agad ang tono ng boses ko. "May masakit ba sayo?"

Inaantok akong dumilat at kumunot ang noo. "M-Masakit lang ang puson ko."

"Ah, buwanang dalaw mo na nga pala. Oh sige baka mautusan mo pa akong bumili ng napkin mo, bye." Hindi pa nga nag-iinit sa tainga ko ang cellphone ay binabaan niya na ako. Napakatino talagang kausap ang lalaking 'yon, minsan na nga lang magparamdam.

Tamad kong nilapag ang phone sa mesa at pinilit ang sariling tumayo. Hindi ko na alam kung ano ang masakit sa akin, ang tiyan ko ba o ang puson. Hinila ako ng kama upang magpahinga. And when I lay on my bed, hinila na rin agad ako ng antok.

Umaga na ng magising ako. Agad kong hinanap ang aking phone sa bedside table ngunit hindi ko 'yon makita. Baka kanina pa tumatawag si Stephen at Papa. Tamad akong tumayo habang iniinda pa rin ang kirot. Nakita ko sa sala ang aking phone at hindi nga ako nagkamali, napakaraming misscalls ang bumungad sa akin.
Una kong tinawagan si Papa.
"Pa."
"Kagabi pa kita tinatawagan, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?!" bulyaw niya sa akin.

"Nakatulog na ako Pa, hindi ko napansin na hindi ko pala nadala ang phone ko sa kuwarto noong lumipat ako."

He sighed and accepted my explanation. "Sige, pinag-alala mo kami rito. Mag-ayos ka na at may pasok ka pa." Tumango ako at nagpaalam na rin sa kaniya.

Pinatay na niya ang tawag ngunit bago ko pa mailapag ang phone ay nakita ko rin agad ang pangalan ni Stephen na lumabas sa screen.

"Hello?"

"For God sake! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?!" Bulyaw niya sa akin. Bakit parang ang init naman 'yata ng ulo ng mga tao ngayon.

"Nakatulog na kasi ako kagabi, hindi ko na namalayang-"

"What time you went home?" putol niya sa sinabi ko.

Napasimangot ako. "8 o'clock."
He sighed in relief. "Good. I'll hang up na. I'm still dealing with clients right now, bye." Huling utas niya at pinatay na rin ang tawag. Did he just call me, kahit nasa meeting siya?

Binitbit ko ang cellphone habang umiinom ng maligamgam na tubig. Kumain lang ako ng konti upang makainom ng gamot para sa dysmenorrhea pero alam ko rin naman na hindi tatalab ang gamot sa akin.

Nagbihis, nag-ayos at nag-taxi ako papuntang opisina dahil hindi ko kakayanin makipagsapalaran sa bus ngayon.

Pagdating ko sa building ay ininda ko ulit ang sakit hanggang sa makaupo sa aking upuan. Yumuko ako ng konti at kinagat ang ibabang parte ng aking labi dahil sa kirot. Kinalabit agad ako ni Pen ng makita ang ayos ko.

"Okay ka lang?" tanong niya. Tumango lang ako habang nanatiling nakayuko.

"Puson ba 'yan?" I nodded again.

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon