Fifteen

336 19 12
                                    

Fifteen

Tamad kong nilapag ang aking bag sa study table at pabagsak na humiga sa kama. Makaraan ang ilang minuto ay nakatanggap ako ng tawag, tamad kong sinagot 'yon at nang marinig ko ang boses ni Papa sa kabilang linya ay napabangon agad ako.

"Kamusta ang anak ko? Kamusta araw mo?" Masiglang bati niya sa kabilang linya.

Napaiyak akong pinakinggan ang boses niya sa kabilang linya. I miss my Papa.

Matagal bago ako nakapag-salita at dinama lamang ang pagtawag niya ng pangalan ko.

"Nand'yan ka pa ba? Sira ba itong phone ko? Bakit walang nagsasalita?" Huminga ako ng malalim at nagsalita na.

"Pa, okay naman po ako." Nakangiting tugon ko.

"Akala ko sira ang cellphone ko. Mabuti naman, kamusta ang araw mo?" Masiglang tanong niya ulit sa akin.

"Okay naman po."

"Maayos naman ba ang mga grades mo?" Nag-alangan akong sumagot.

"Oo naman, Pa, ako pa ba?" Dumaan ang oras na parang isang minuto lang, napakarami kong kinuwento at sinabi sa kaniya. Napakarami rin niyang sinabi about sa mga pinsan ko na naroon sa Canada. At gustong-gusto rin daw nila akong makita. Tipid lang akong ngumiti sa mga sinasabi ni Papa at saka tumigil sa pagsasalita dahil may kumatok sa pintuan.

Kausap ko pa rin siya at walang alinlangan binuksan ang pinto. Bumungad agad sa akin si ang masungit na mukha ni Stephen.

"Bumaba ka na, kakain na." Tumango ako at mabilis na sinarado ang pinto.

"S-Sige na, Pa, kakain na raw po kami." Paalam ko.

"O sige, mag-behave ka d'yan. Ganitong oras ako palaging tatawag sayo para kamustahin ka. Pinapa-set up ko lang din sa mga pinsan mo ang gagamitin kong pang-video call sayo. Sige na, mag-ingat ka, I love you, anak." Malambing niyang paalam sa akin, ngumiti ako.

"I love you too, Pa, mas mag-ingat ka riyan." And I ended the call.

Dali-dali akong nagpalit ng pambahay at bumaba sa dining. Naabutan ko silang kumpleto na sa hapag-kainan at halatang ako na lang ang hinihintay. Bigla tuloy akong nahiya, masyado lang kasing mabilis ang oras habang kausap ko si Papa kaya hindi ko namalayan.

Nakangiti akong binati ni Tita. "Kumain ka na. Kausap mo Papa mo?" Agad akong tumango at naupo sa tabi ni Stanley.

"Ano raw kamusta na siya doon?" Tanong ni Tito.

"Okay naman daw po siya, nag-aadjust sa oras at lamig ng klima." Sagot ko at sumubo na rin ng pagkain. Tahimik akong kumakain habang sila Tito ay may pinag-uusapan about sa nangyari sa opisina. Sinilip ng mata ko si Stanley na may binabasa sa kanyang phone at noong silipin ko kung ano 'yon, pure english lamang na puno ng mga notes. Inismiran ko siya at nilihis sa kanya ang paningin, magkapatid nga sila! My eyes found Stephen who is also reading a book in front of me, ngumiti ako habang ninanamnam ang view sa harapan. Ang guwapo niya!



When I look at them all, I realize something...bakit parang ako lang ang hindi normal sa bahay na ito? Ako lang ba talaga sa kanila ang naiiba, puro pagkain lang kasi inaatupag ko at si Stephen.\

"May assignment ka ba ngayon, Sashi?" Bigla akong napa-ayos ng upo dahil sa tanong ni Tita.

"Ako po?" Sandali akong nag-isip at umiling. "W-Wala naman po." Ngunit bigla akong natigilan ng biglang umiling si Stephen sa harapan ko at nilipat ang pahina ng kanyang binabasa.

"Physics! May assignment ka sa physics." Paalala niya sa akin.

Sumimangot ako sa harapan niya. "Meron ba?!" Tanong ko ulit sa kanya.

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon