Thirty Five

331 20 3
                                    

Thirty Five

1st year college when I decided about what my future is. At tulad ng sinabi ko kay Stephen noon, kinuha ko ang kursong may kinalaman sa mga tao at 'yon ay ang AB Mass Communication.

Since I really love to imagine, my heart beat fast when I imagine myself being a producer at napapangiti ang mga tao sa mga likha ko. Naramdaman ko rin ang suporta nila Papa kaya malaya akong nakapag-desisyon tatahakin ko.

I also have a new set of friends, tatlo sila, dalawang lalaki at isang babae. In terms of my communication kay Tin, we still love each other at kami ang takbuhan ng bawat isa although hindi na kami madalas magkita sa school. Tin pursue a business management since 'yon ang pinipilit na ipakuha sa kanya ng kaniyang mga magulang. Si Ken, minsan na lang ako nakakarinig ng balita sa kaniya. Mukhang seryoso siya sa kinuhang culinary upang maisakatuparan ang pangarap niya.

And Stephen? Uhm. I still have no update about him. Mukhang pinagbawalan niya si Stanley na magkwento sa akin kaya kahit punong-puno ang isip ko ng tanong sa about kaniya ay wala akong magawa.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga habang nakatingin sa kawalan. Idinapo ni Cory ang ballpen sa noo ko upang makuha ang aking atensyon.

"Laki ng problema natin ah."

"W–Wala. May naalala lang ako." Sabi ko at binalik ulit ang sarili sa pagsusulat. Nasa library kami ng school at nagsusulat ng mga lessons.

Hindi na umimik si Cory at nag-focus na ulit sa pagsusulat. Makaraan ng ilang minuto ay nagsidatingan na rin sila Josh at Rick habang may bitbit na libro. Dahan-dahan nilang nilapag 'yon sa harap namin at pilyong ngumiti.

"Ano na naman 'yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Cory sa kanila.

"Pssst. Huwag ka maingay, may binabasa lang kami." Pareho kami napakunot noo ni Cory at sinilip ang binabasa nila.

It's a men's magazine. What the! Nanlaki ang mata namin at nandidiring pinasadahan sila ng tingin.

"Kadiri! Tara na nga, Sashi, lipat tayo ng upuan." Inis na usal ni Cory at hinila ako. Halata sa mga mata niya ang pandidiri sa dalawa ngunit balewala lang 'yon sa kanila.

"Saan ba natin napulot yung dalawang 'yon? Haist! Mga lalaki nga naman." Natawa ako sa sinabi niya at nag-focus na ulit sa sinusulat.

Well apparently both Josh and Rick are playboys. Ganyan lang naman sila sa mga magazine pero in reality, they are the one of my best buddies, mabait at masaya kasama. We became friends on the first day of school. They approached me first, that's why I became part of their group.

I don't know kung anong nakita nila sa akin at bigla nila akong kinausap, but the only reason they've said to me is 'I feel so lonely' that time, na parang wala sa kuwarto noong araw na iyon. Medyo subsob sila sa pag-aaral na kinatuwa ko dahil sa wakas naimpluwensyahan nila ako.

"Bye, Sashi." Paalam nila sa akin. Malapad akong ngumiti at nag-wave na rin sa kanila.

Almost 20 minutes na lakaran lang ang pagitan ng bahay namin sa university kaya medyo hindi ako hirap sa transportation at oras. Pagbukas ko ng gate ay nakangiti agad akong binati ni Papa na laging nagaabang sa pagdating ko.

"Bakit ka nandito Pa, dapat pumasok ka na sa loob." Bati ko sa kanya. Ngumiti lang siya habang nagmamano ako. Hinawakan ko na rin ang wheelchair niya at pumasok sa loob.

"Kamusta araw mo?" Malambing niyang tanong sa akin habang nilapag ko ang bag sa sala.

"Okay naman po, the usual..." Nagtungo ako sa kusina upang kumuha ng maiinom.

"Si Rail Pa?" Tanong ko habang hindi napapansin ang presensya niya sa kabuuan ng bahay.

"Tumawag kanina, mukhang mali-late ng uwi." Tumango ako at papasok na sana sa loob ng kuwarto ng natigilan dahil sa sinabi ni Papa.

"Birthday ni Stephen ngayon, tinawagan mo ba siya at binati?" Hindi ako nakaimik kaya malungkot ko na lang nginitian si Papa.

"T–Tatawagan ko pa, Pa." Iyon na lamang ang nasabi ko at pumasok na sa loob ng kwarto.

Malungkot akong naupo sa kama at dahan-dahang kinuha ang cellphone sa aking bulsa.

Bahala na kung magalit siya, birthday niya naman at may dahilan ako para tawagan siya.

Huminga ako ng malalim bago ko tinawagan ang number niya. Mas lalong kinabog ang dibdib ko ng sagutin niya ang tawag.

"Hello." Nag-aalangang bati ko.

Ngunit agad akong natigilan dahil boses babae ang sumagot sa kabilang linya.

"Yes, Hello?" Sinigurado ko muna kong tama ba ang numerong naka-input sa contact ko at hindi ako nagkakamali, number ni Stephen 'to.

"S–Si Stephen?" Nauutal kong tanong.

"Ah, Stephen?" She paused. "He's taking a bath right now. If you want to talk to him, I can relay your message. By the way, who is this?" Natulala ako at namanhid. Hindi ko narin nagawang pakinggan ang sinasabi niya dahil nawalan na ako ng gana. Wala ako sa sariling pinatay ang tawag at parang pinipiga ang puso ko dahil sa mga iniisip.

He's taking a bath? So, it means she's living with him.

Agad namuo ang luha sa mga mata ko at hindi na mapipigilan ang nag-uumapaw kong emosyon. Ilan pa ba? Ilang araw, buwan, taon pa ba akong magpapakahibang sa lalaking kailanman ay hindi naman ako pinapahalagahan.

Ilang beses pa ba ako dapat masaktan para magising sa katotohanan na kailanman ay hindi ako magugustuhan ng lalaking inaasam-asam ko?

Is this also the best time to give him up? Is it?

Hindi ko alam kung ano na naman ang nagtulak sa akin at bigla akong lumabas ng bahay. Dinala ako ng mga paa ko sa Mall at bumili ng cake.

Wala ako sa sariling binitbit ang cake na binili para sa kaniya at sinindihan. Naluluha kong tinawagan siya because of my frustration at sa wakas siya na ang sumagot.

"Stephen!" Mabigat ang aking paghinga. "Alam kong nakikinig ka." Matabang akong humalakhak dahil sa sobrang sakit ng puso. "At alam ko ring ayaw mong marinig ang boses ko. Ayaw mo kong tawagan ka kaya ipinapangako kong ito na ang magiging huling beses na maririnig mo ang boses ko." Hindi pa rin siya nagsasalita.

"May cake akong binili para sayo but since wala ka naman sa tabi ko, can I instead make a wish for you?" Namuo ang luha sa mga mata ko habang hinihintay ang boses niya.

"Go on." 2 simple words na halos magpatalon ng sobra sa puso ko.

Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mata ko at alam kong naririnig na niya ang bawat hikbing nagagawa ko. "C–Can I give up now and stop loving you?" Malungkot kong bulong sa kaniya sa kabilang linya. I'm tired, I want to stop.

"Why? Dahil ba wala na ako sa tabi mo?" Halos madurog ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"No!"

"Then why?" Hindi ako makasagot. Gusto kong sabihin sa kaniya ang babaeng sumagot kanina. Pero naduwag ang dila ko. Nanuyo ang lalamunan ko at pinangunahan ng kaba.

"If you don't tell me your reason why should you stop loving me...then, hindi ako papayag. You will still love me now, tomorrow onwards" mariing usal niya na nagpanginig sa aking sistema.

"Why are you so selfish, Stephen?"

"Then ask yourself? Bakit hindi ka sumama sa akin? What is your reason? Sa ating dalawa, you are the most selfish one." Nanginig na ang katawan ko dahil sa sinabi niya. Tuluyang naging gripo ang mga mata ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko

"Stephen," I called his name for the last time.

"You just ruined my mood. Just please don't call me again." Those were the words he said before he hung up.

Sa loob ng isang taong pagtitiis upang marinig lang ang boses niya ay wala akong iniisip kung hindi i-treasure ang mga salitang bibitawan niya. Pero sa mga narinig ko sa kaniya ngayon, bigla akong nawalan ng gana. How can I treasure that word kung sa mga salitang 'yan ay nadudurog ako? How can I?

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon