Forty Seven

358 22 8
                                    

Forty Seven


"Sashi! Tawag ka ni boss" tumayo agad ako sa aking upuan at naglakad patungo sa opisina ni Boss.

Pagpasok ko ay isang masungit na matabang lalaki ang bumungad sa akin. May inabot siyang mga papeles sa table bago umupo sa kaniyang swivel chair.

"Pag-aralan mo 'yan, kailangan mo 'yan para ma-convince na mag-guest siya sa atin."utos niya at kinuha ko ang mga papeles.

Nakalabas na ako ng kaniyang opisina ng dahan-dahan kong binuksan ang mga papeles na binigay. Nanlaki agad ang mga mata ko ng makita kung sino ang guest na gusto nilang kunin ko!

"S–Stephen? Stephen again?" Bulalas ko. Agad akong napabalik sa loob ng opisina ni bossing.

"S–Sir." Tawag ko habang nakayuko at naiilang sa harap niya.

"Bakit?"

"About dito? Puwede ba na sa iba niyo na lang–" Salubong agad ang mga mata niya dahil sa reklamo ko. Napaatras ang dila ko at nilunok na lang ang pinaplano.

"S–Sige po Sir, ako na po pala ang bahala." Bawi ko at lumabas ng opisina niya.

Nakasimangot akong bumalik sa aking table at inis na binagsak ang mga papeles. Nilapitan din ako ni Josh.

"Bakit? Nakasimangot ka na naman, pinagalitan ka?!" Tiningnan ko lang siya at nagpa-awa effect sa harap niya.

"J–Josh, puwede bang ikaw nalang ang gumawa nito?" At nginuso sa harap niya ang papel na hawak ko.

"Huh? Ano ba yan?" Mabilis niyang kinuha sa table ko ang papel at tiningnan bago pilyong ngumiti. "Stephen Chen? Hindi ba–" makahulugan niya akong nginitian at mas lalo akong nilayasan na kinainis ko.

"Kaya mo na 'yan, 'di ba base sa kwento mo, hindi gaanong mabait yan? For sure ikaw lang ang makakapag-convince d'yan na mag-guest sa show natin." Lumapit pa siya sa akin at bumulong "At malay mo dito na magsisimula ang naudlot niyong...ay mong lang pala kasi ikaw lang naman nagmahal?" Asar niya pa. Gusto ko na siyang sabunutan dahil sa sinasabi niya. Tinapik lang niya ako at tuluyan ng umalis.

Wala man lang ba akong maaasahan dito?! Binuklat ko ang papel at tinitigan ang personal information niya roon.

At halos lumuwa ang mata ko dahil bigating tao na pala si Stephen ngayon? Graduate siya sa Harvard with flying colors. Napakaganda rin ng mga credentials niya. Bigla akong nalungkot, it would be nice kung nakita ko siya sa lahat ng ito.

After kong makuha ang information niya, 'tsaka naman ang pagsulpot ni boss sa likod ko.

"Sashi! Bakit nandito ka pa?!" Bulyaw niya sa akin.

"P–Po?!"

"Kanina ko pa binigay sayo 'yan, bakit nandito ka pa?"

Napayuko ako at itinago ang inis. Hello, kakabigay mo lang kaya sa akin niyan.

"Make sure to convince him, kung hindi matatanggalan ka talaga ng trabaho." Banta niya, napasimangot na lang ako at nag-alsa-balutan. Kinuha ko ang bag ko at mabilis na umalis sa office.

"Itong mataba talagang ito, kung ano-ano na lang ang iniisip na ipagawa sa akin. Hello? Hindi po ako liaison ng kompanya, pero bakit lagi akong lumalabas para mag-convince ng igi-guest nila? "Maktol ko sa kawalan.

Nagpatulong ako kay kuya guard na mag-abang na taxi na magdadala sa akin sa address ni Stephen.

Pagsakay ng taxi ay naghahanap agad ako ng salitang pu-pwedeng sasabihin ko sa kanya. Iniiwasan ko na nga ang tao tapos lalapitan ko na naman?!

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon