Fifty Two

327 21 5
                                    

Fifty Two

Nakayuko akong nakasunod sa kaniya pababa ng building, hindi ako nagsasalita o gumagawa ng ingay. Nangangapa ako ng sasabihin at hindi malaman kung paano uumpisahan ang lahat sa harap niya.

"K–Kanina ka pa?" Basag ko ng katahimikan namin habang nasa loob ng elevator.
He put his lips into a grim line and looked at me. Inalisa ko ang ayos niya, his tie was loosened and his coat is now in his arms.
Talaga naman, Sashi! Kakagising mo lang, si Stephen agad ang makikita mo. What a great day. Hindi talaga ako nagsisisi na pumunta rito.

"Kararating lang, tinawagan agad kita kasi napansin kong madami kang misscalls at hindi ko akalain na makikita kitang mahimbing na natutulog sa kabilang kuwarto?" Awkward akong napangiti sa harap niya at umiwas ng tingin.

"S–Sorry akala ko kasi papasok ka kanina sa office at doon ko sana balak sabihin sa 'yo ang lahat." pauna ko. Parang biglang nanikip ang dibdib ko habang nagsisimula ng magpaliwanag. I glance at Stephen, salubong na ang mga titig niya, wari'y hindi maintindihan ang sinasabi ko.

"What do you mean office?" he asked curiously. Napalunok na ako at umiwas ng tingin.

Alam kong magagalit siya sa ginawa ko kaya kailangan ko munang mag-ipon ng lakas ng loob at kumain para ihanda ang sarili sa mga sasabihin niya. Bigla kong naalala ang mga galit ko sa kaniya noong huli kaming nagkita. Mariin akong napapikit ng naalala na may sinabi pa akong 'I love my job, Stephen!' and then all of a sudden, I quit it! For sure magugulat na naman siya sa desisyon ko. I know, I know—kahit ako rin naman minsan hindi ko na makilala ang sarili ko lalo na pagdating sa kaniya. Parang umiikot lagi ang mundo ko tuwing nasa tabi ko siya.

Nanatili akong tahimik at nakasunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa restaurant. Ilang beses kong nakikita ang sarili kong napapahinto sa paghakbang upang titigan lang siyang payapang naglalakad sa harap ko. My Stephen now became so matured and bachelor. The way he walked and the way he put his hand in his pocket. Gosh! Biglang natuyo ang lalamunan ko dahil sa mga iniisip. Napansin niya ang paghinto ko kaya salubong agad ang kilay niyang nilingon ako.

"Faster, Sash!"

"Yes, yes...opo."

When we settled on our table, hinayaan ko lang siyang umorder ng pagkain namin. He asked me what I want pero hinayaan ko na lang siya. Wala akong imik habang iniiwasan siya ng tingin at naghihintay. I can feel how heavy his stares are, muntik pa akong mabilaukan noong sinubukan kong uminom ng tubig ngunit titig niya agad ang unang nakita ko. Makaraan ang ilang minuto, ay sinerve na rin ang pagkain kaya kumain muna kami.

Nang mapansin niyang busog na ako 'tsaka niya ako seryosong tiningnan ng masama. "Now that I feed you, you answer my question first."

Uminom ako ng tubig at hinanda ang sarili sa harap niya. Dala ng kaba, sinimulan ko na namang kagatin ang aking kuko dahil sa riin ng titig niya.

"What are you doing here?" unang tanong niya sa akin.

I look at him sincerely. "Sa totoo lang, Stephen..." panimula ko, nagtama agad ang tingin namin at binalutan ako ng kaba. I closed my eyes. "I quit my job." amin ko na kinalaki ng mata niya.

"What?!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa naging reaksyon niya, nakuha niya rin ang atensyon ng mga tao sa paligid. He cleared his throat and looked at me seriously. He leaned himself in front of me na parang hindi pa siya kuntento sa posisyon namin. Sweating bullets are now evident in my forehead.

"K–Kasi I realise na tama ka nga, masyado ko ng dina-down ang sarili ko sa trabaho. 'Yung mga dapat na hindi ko gawain ay ginagawa ko. I also feel responsible sa gulong nangyayari sa kumpanya niyo ngayon."

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon