Sixty One

355 18 9
                                    

Sixty One


Hindi ko alam kung paano pa magpapakita sa office. Hinila pa kasi ako ni Stephen kanina sa cafeteria. Paano ko na lang haharapin ang mga tingin at tanong nila sa oras na makabalik na ako sa aking puwesto.

"Faster!" walang emosyong saad niya. Napakabagal kong maglakad at nag-iisip pa nga ako ng mga dahilan.

He pressed the elevator at cool lang na sumadal sa pader samantalang ako ay nagsisimula ng kagatin ang aking kuko dahil sa nerbyos.

Pagbukas ng elevator ay diretso agad ang pasok namin sa loob. Kaming dalawa lang ang tao dahil past lunch na.

"S–Stephen," nauutal na tawag ko sa kaniya.

Tiningnan niya ako. "P-Paano ang mga tao sa office, ano sasabihin ko kapag tinanong nila ang nangyari kanina?" Humalukipkip lang siya sa harap ko at huminga ng malalim at hindi nagsalita.

Bumukas na ang elevator at nauna na siyang pumasok sa loob. Pinanood ko lang siyang walang pakialam na naglakad samantalang ako ay binalutan na ng kaba.

Pag-upo ko sa aking puwesto ay nag-silapitan agad sila Pen at ang iba upang tanungin ako.

Halos maglaho ako sa aking kinauupuan dahil sa mga atake nila ng pareho kaming matigilan sa paglabas ni Stephen ng kaniyang opisina at masama kaming tiningnan.

"Okay, to all of you, just keep in mind that I am dating, Sashi." walang emosyong utas niya at bumalik ulit sa loob.

Natigilan kaming lahat sa sinabi niya. I didn't expect him to introduce me like that. Halos pandilatan nila ako ng mga mata habang awkward akong ngumiti. Pinagpawisan ako ng malagkit at nagpaalam. "Banyo lang muna ako."

Hindi na ulit sila nagtanong sa akin pagbalik ko galing banyo. Maghapon akong nag-focus sa trabaho ng makatanggap ng text galing kay Cory.

I forgot, tinatanong nga pala nila ako kung makakasama ako mamaya.

Sandali akong nag-isip at sinilip ang abalang si Stephen. Magpapaalam ba ako sa kaniya? Pero kapag hindi, paniguradong magagalit siya sa akin kaya bago ako mag-confirm kila Cory ay tinext ko muna siya.

Ako: Stephen, Is it okay if makipagkita ako kila Cory after work?

Ilang minuto bago ako nakatanggap ng reply mula sa kaniya

Stephen: Okay.

Palihim akong napangiti sa reply niya at nireplayan sila Cory na makakasama ako. Mabilis din lumipas ang oras at ngayon ay uwian na. Sinilip ko si Stephen na abala pa rin sa mga dokumento. Kinatok ko siya sa opisina upang makapag-paalam. Nilingon niya ako habang naiilang naman akong ngumiti.

"Una na ako," paalam ko sa kaniya. Tumango siya at pinalapit ako sa kaniya. Agad nagsalubong ang kilay ko habang humahakbang palapit sa kaniya. He stopped what he's doing and folded his arms to look at me.

"Call me if you're done meeting with your friends." marahan akong tumango sa sinabi niya.

"Okay, text me also if you're also done here," sagot ko.

Napasulyap ako sa paligid at kitang-kita ko mula rito sa loob ang mala-tigreng titig ng aming mga kasamahan. Nanlamig ako bigla at naiilang na ngumiti.

"I'll go ahead, Stephen," paalam ko. But instead of answering he stood up na kinalaki ng mga mata ko.

Naglakad siya palapit sa akin at sumandal sa kaniyang mesa. He even closed his blinds to look at me.

Mabilis na gumapang ang mga kamay niya sa aking bewang at hinila ako papalapit sa kaniya. I started hiccuping at his moves. He bit his lips and slowly kissed my cheeks.

Love in Kiss | UNDER - REVISION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon